Nana didn't expect to hear noises outside the house during the weekdays. Dahan-dahan niyang binuksan ang mata at nilandas ang tingin sa bintana ng kwarto, pumapasok na nga ang sinag ng araw sa maliit na awang ng bintana, tingin niya'y magtatanghali na nga. With a grunt, Nana struggled to push herself up.
"Babalik kami mamaya, ikaw na muna ang bahala sa kanya. Yayain mong mag-kape."
"I'll take care of it. Ingat po kayo."
Matapos ang limang hakbang, narating ni Nana ang bintana saka dahan-dahang hinawi ang kurtina. Unang tumama sa mukha niya nang mabuksan ito ay ang matingkad na sinag ng araw, binigyan nito ng emphasis ang dark brown niyang mata.
Her eyes immediately narrowed as she tried to identify the voices she had heard earlier, but to her surprise, no one was there.
What in the horror is going on? Was it all just in her head? She tilted her head to the side when she realized it was probably just another one of those nightmares she had every night.
Binuksan ni Nana nang mas wide ang bintana bago niya napagdesisyonan na tuluyang pumunta sa pinto para buksan ito. For some reason, kahit hindi naman siya breakfast person, nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura.
Malamig ang hangin kahit sa hula niya ay around six o'clock na ng umaga, kahit sa ganoong mga detalye nilulunod ni Nana ang sarili niya para makalimutan munang nagugutom siya. She usually waits an hour or so before eating, especially when she just wakes up.
Or siguro maglakad-lakad nalang siya at this point, ni hindi siya pala-exercise pero siguro naman hindi pa late for a change?
Wala siyang cellphone, wala na siyang mga libro na pwedeng basahin, wala ang laptop niya kung saan siya nanonood ng mga paborito niyang movies, kailangan niya talagang maghanap nang mga bagong pagkakaabalahan.
Natigil siya sandali sa ikaapat na hakbang ng hagdan nang magsink-in sa kanya ang mga bagay na 'yun.
She was so occupied with so many things that she overlooked how miserable it was for her to be without the things she used to obsess over—those distractions that kept her mind off whatever was going on inside her head.
She turned eighteen two years ago, legal age na siya at sinusubukan palang i-grasp ang adulthood, paunti-unti. But things are different now, hindi man siya fully-prepared, she has to be mindful.
Sa perang hawak niya, kailangan niyang pagkasyahin 'yun at least for this month. Pagkain, damit, renta, kahit hindi na ang mga luho na gusto niya. Kailangan niya nang maghanap ng trabaho, one that could cover her expenses.
Kailangan niya nang harapin ang mga bagay na 'yun simula ngayon, pero paano nga ba siya magsisimula? Paano niya sisimulan ang araw niya?
"Good morning." Nana's pupils widened upon hearing a voice from behind her, bigla nalang lumitaw ang boses nito sa kalagitnaan ng pag-iisip niya na siya niyang ikinagulat. Boses ito ng isang lalake, at hindi lang basta boses, nare-recognize niya kung sino 'yun.
YOU ARE READING
Pardon My Emotions
General FictionDuring her toughest times, Seraphina Ramiro found herself falling harder for Kasper Lacsamana, as every time they were together filled her with hope and a renewed sense of purpose, pulling her back to life. Kasper, however, was afraid of getting too...