Nana crossed her arms over her chest, her gaze fixed on Kasper from a distance. The latter was deep in conversation with a middle-aged man, the owner of the bicycle rental place.
Tahimik niyang pinagmamasdan ang bawat kilos nito, may something sa kanya na gustong makita kung ano ang pinagkaiba ni Kasper ngayon. Akala niya tapos na siya kakaisip sa matter na 'yun pero heto na naman siya. She can't help it.
Tatlong minuto na siyang nakatayo at hinintay si Kasper sa gilid ng sementadong daan. May oras na tinutuon niya sa ibang bagay ang atensyon, pero most of the time bumabalik pa rin ang mata niya rito. Habang tumatagal ay may mga flashbacks siyang nakikita.
He remembered Kasper from three years ago, they were in year 11.
As usual, si Kasper iyong tipong untouchable at hindi mo nanaising maka-encounter knowing na bad-tempered siya, sa lahat ng oras mas nae-emphasize ang demeanor niya dahil likas na maingay ang iba niyang kaibigan.
Nana was seventeen then, it was the time na nakipag-meet siya sa classmates niya sa isang café para sa isang school project. They were seated in the farthest corner of the place when she caught Kasper and his circle entering the café. Dumiretso ang mga ito sa counter para umorder.
Nahirapan si Nana na icompose ang sarili niya, while gustong-gusto ng iba na makita si Kasper up close, it wasn't the case for her.
Hindi niya gusto 'yung pakiramdam na bigla siyang nagiging sobrang mulat sa paligid. Bigla rin siyang tinutubuan ng insecurity lalo pa't gustong-gusto din ng mga classmate niya si Kasper. Ang iba nama'y sa ibang kaibigan nila ni Gavin.
The whole time, she tried to stay engaged with the girls from her class to keep herself distracted.
However, dahil na rin naririnig niyang bulungan sa mga kalapit na mesa, hindi niya pa rin maiwasang hindi tumingin. Kapag titingin siya sa gawi nila, nahuhuli niya ito in his elements, sobrang tahimik , mostly ibang friends niya ang kumakausap sa nagma-man sa counter.
Hindi ito nagsasalita unless inuunahan ni Gavin, o ng kahit na sino sa circle nila. Hindi rin gaanong nakikita ang buong itsura nito dahil sa suot na hoodie kahit sobrang init naman ng panahon, nakasilid naman sa bulsa ng pantalon nito ang magkabilang kamay nito.
He really was the epitome of nonchalance.
Ibang-iba siya sa ngayon, kitang-kita ni Nana kung paano ito makipag-usap. Sobrang relaxed nito at para bang sobrang close na niya lahat ng tao sa Tesoro, binabati rin nito ang iilang nakakasalubong nila on their way. Ang laki na ng pinagbago niya.
Nana may have had a bad impression of him before, but she fell for him anyway. And now, seeing how much he's changed.
"Ate Nana, may pupuntahan po kayo?" Lumitaw ang boses ni Icarus out of nowhere, agad siya nitong binalik sa reyalidad nang mapansing papalapit ito, nakahawak ang magkabilang kamay sa handle bar ng bisikleta.
YOU ARE READING
Pardon My Emotions
General FictionDuring her toughest times, Seraphina Ramiro found herself falling harder for Kasper Lacsamana, as every time they were together filled her with hope and a renewed sense of purpose, pulling her back to life. Kasper, however, was afraid of getting too...