Chapter 17: A Mission
Azia Sierra Noveno
"Be careful, you three."
Iyon ang huling sinabi ni Dean Leigh bago kami lumabas sa mismong opisinia niya. Ang tatlong tinutukoy niya ay ako, si Evander at si Zeffrino. Pinatawag niya kami matapos makatanggap ng lead mula sa taong tumutulong sa amin para mang-locate ng mga nenemies.
Hindi ko alam kung bakit nenemies, bahala na sila diyan. Basta ako sumusunod lang.
Hindi ko kilala ang kung sino mang tao na tumutulong sa amin sa labas ng dark forest na ito, pero laking pasasalamat namin dahil kung hindi dahil sa kaniya ay mahihirapan kaming mapigilan ang mga masasamang may abilidad na mga tao mula sa maitim na intensyon nito.
Kaming Alpha Students lang ang nakaka alam kung anong nangyayari sa labas ng gubat na ito, dahil bukod sa mga nakakatakot na wonderer na nagsisilabasan kung kailan nila gusto ay pinagbabawal din ng founder ng akademyang ito ang paglabas masok ng estudyante rito. Sadyang mapanganib, hindi nila kakayanin. Dahil bukod sa nakakatakot, hindi rin nila gugustuhin na makalabas.
Hinintay namin na kusang bumukas ang malaking gate na nasa harapan namin, sa mismong main gate kami lumabas dahil wala namang makakakita sa amin kung sakali. It's night time after all.
Nang bumukas ang gate ay wala kaming inaksayang oras para lumabas, ngunit sa pagtapak palang namin sa maputik na daan ay inaasahan na naming may makakasagupa kaming wonderer. Oo, inaasahan na namin.
Lumingon ako sa direksyon kung saan narinig ko ang nakakahumindig na sigaw niyon, medyo may kalayuan ito ngunit hindi iyon hadlang para makita ko. Dalawa sila, nakatago pa ang mga ito sa dalawang malalaking puno na napapalibutan ng hamog. Hindi sila gaanong kalakihan kaya panigurado akong kayang kaya silang talunin ng dalawang kasama ko.
"Wonderer ba iyon?" Nakakunot ang noong tanong ni Zeffrino, luminga linga pa sa paligid.
"Hindi, pre. Palaka lang siguro." Sagot naman nitong si Evander.
Aba, e, nakuha pang magbiro.
Rinig na rinig namin ang mabibigat na yabag ng dalawang Wonderer na papalapit sa amin, bumilis ang tibok ng puso ko hindi dahil sa taranta o takot, kundi dahil sa dalawang kasama ko na hanggang ngayon ay hindi pa inaalis ang katangahan sa sarili.
"Papalapit na sila, pre, hindi ko makita special weapon ko!" Tarantang saad ni Evander na ang tinutukoy ay ang transparent knife niya. Inililibot pa ang tingin sa paligid na para bang itinapon niya ito sa kung saan.
"Gago ka ba, Evander? Hindi mo makikita transparent knife mo kasi nga transparent! Mag-isip ka nga!" Palatak naman sa kaniya ni Zeffrino.
Napabuntong hininga ako sabay hilot sa magkabilang sintido ko. Mahal ko ang buhay ko, kaya kung itong dalawa lang din ang sasayang no'n, e, mas mabuti pang bawian nalang din sila ng buhay.
Itinutok ko sakanila ang special weapon kong mapayat na bakal na ang nasa dulo ay malaking karayom. Ang tawag sa special weapon ko na ito ay wasp needles. Dalawang magkapareho ang hawak ko. Hindi ito injection, ha? Nakakamatay ito. Ay hindi pala, nakaka paralyzed lang.
Mukhang nagulat pa ang dalawa sa biglaan kong pagtutok sakanila ng matalim na hawak ko. Kaya dali dali nilang kinuha ang kanilang sariling special weapon at itinutok iyon sa nasa likod ko, kung saan papalapit ang dalawang Wonderer na namataan namin.
"Jino-joke time ka lang namin, Azia. Pasensya." Kausap sa akin ni Evander, naka plaster pa sa mukha niya ang ngising kahit kailan ay hindi nakakahumaling.
![](https://img.wattpad.com/cover/365692495-288-k441209.jpg)
YOU ARE READING
The Gifted Ones
Fantasi"Embrace your gift, discover yourself." Scary creatures, Different gifted people, Chaos, Betrayals and manipulation. Who should they trust? In the Academy where no one else finds, the gifted ones joined hands. As they fight together, will they...