Chapter 7

79 5 0
                                    

Chapter 7

Hindi pala talaga madali na gumawa ng tamang desisyon. Ngayon pa lang, nagsisisi na si Gionne kung bakit niya naisipan na kuhain na ang posisyon ng kaniyang ama.

Hindi lang siya tinatamad, unang araw pa lang niya pero na-bo-bore na siya sa buhay bilang isa sa mga board of director at in-appoint na presidente at CEO ng Montedarbel Hotels.

Kanina, bago siya ihatid ng kaniyang ama matapos ang meeting sa opisina nito, natutuwa pa siya at medyo excited. Pero ngayon, gusto na lang niyang i-umpog ang kaniyang ulo sa pader ng opisina.

"Really, anak? Hindi mo kami nililinlang ng mommy mo? Do you really want to take my place in the company?" Hindi makapaniwalang sambit ng kaniyang ama. Matapos niyang sabihin dito ang nasa isip niya.

Makikita rin sa mga mata nito ang ningning habang galak naman sa tono ng boses nito.

Nakapagbitiw na siya ng mga salita kaya naman hindi na niya mababawi pa iyon. Lalo pa nga ay tila proud na proud sa kaniya ang mga magulang niya.

"Naku, anak. Maraming salamat naman at naisipan mo na iyan. Your dad has been waiting for this day to come," ani naman ng kaniyang ina. Humawak ito sa braso ng kaniyang ama 'tapos ay lumapit sa kaniya para yakapin siya.

"We should celebrate this. Mabuti pa ay magpunta na tayo sa kusina. Tamang-tama rin pala nagpaluto ako." Hindi magkamayaw na sambit ng ina habang kumakalas sa pagyakap sa kaniya.

At niyagak na nga silang mag-ama ng kaniyang ina patungo sa dining area. 'Tapos ay naging busy ito sa pagmamando sa kanilang mga kasambahay.

Pinakuha ang mga pagkain na dapat nang mailagay sa mahaba nilang mesa.

Tunay ngang nag-celebrate silang tatlo. They even made cheers with their wine glasses.

Hindi biro ang desisyon na ginawa ni Gionne. Pero medyo sigurado na rin talaga siya. Gusto niyang malaman kung kakayanin ba niya na tigilan na ang pagiging ad*k sa s*x at kung kaya nga ba niyang maging matino.

Ginamit ni Gionne ang intercom para papasukin ang sekretarya ng ama niya, na ngayon ay sekretarya na niya.

Sa pagkakatanda niya, France ang pangalan nito. Medyo may kadaldalan ito kaya baka mawala nito ang nararamdaman niyang boredom.

"Yes, hello, boss? May kailangan po ba kayo?" Masigla nitong tanong sa kabilang linya.

Imbes na kulitin ito, hindi na lang nagsalita si Gionne at pinatay na niya ang tawag.

France is far from the girls he f*cks. She looks so innocent but maybe she wasn't at all. Pero masiyado na siyang g*go kaya naman wala siyang balak na patulan ang sekretarya.

Baka imbes na matuwa ang ama niya, baka tuluyan na talaga siyang itakwil. May hangganan ang pisi ng bawat tao, kaya alam ni Gionne na kapag wala na ang pasensiya ng ama, baka hindi na siya kilalanin nitong anak.

Mangangalumbaba na lang sana si Gionne pero biglang may kumatok sa pinto. Kasunod niyon ay bumukas iyon at iniluwa si France.

"Hi, boss! Nandito na po si madam Lyxhel. Iyong corporate lawyer ng pamilya niyo," imporma ni France sa kaniya.

Na-curious si Gionne kung sino si Lyxhel. Ang sabi kasi ng ama niya, wala pa sa fifties ang babae. Na dalaga pa ito at wala rin daw nobyo.

Pero ang isip naman niya, baka ginogoyo lang siya ng ama kaya naman matanda na sa isip niya ang babae.

"Sige, papasukin mo na siya," utos niya 'tapos ay umayos na si Gionne sa pagkakaupo.

Halos malaglag ang panga ni Gionne matapos niyang makita si Lyxhel. Para itong birhen at diyosa na nagtataglay ng kapangyarihan na mang-akit ng mga lalaki.

Steps to YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon