Chapter 8
Parang tangang nakatulala lang sa gilid ng selda si Gionne. He was just there, contemplating on the things he did.
What really a j*rk he is?
Alam na niyang mali pero sige pa rin siya ng sige. Kaya ngayon ay nakuha na niya ang dapat niyang kalagyan.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Tulog na ang mga kasamahan niya, mabuti na lang din at mababait ang mga ito.
Tanging siya na lang talaga ang gising.
Paano nga ba siya nakulong sa selda na iyon? Ah, tama, dahil sa ginawa niyang pambabastos kay Lyxhel.
He went overboard so he ended up being in jail. Ang g*go niya kasi. Sobrang g*go niya.
"Mayaman ka?" Tanong ng isa sa mukhang barumbado sa seldang pinagkulungan sa kaniya matapos nilang makarating sa police station.
Hindi niya alam kung kakausapin niya ba ang lalaki o mananahimik na lang. Truth is, he got scared. Tinamaan talaga siya ng takot sa katawan.
"Huwag kang matakot sa amin, ganito man ang panlabas naming itsura, mababait naman kami," ani naman ng isa pa.
"Ako nga pala si Eric, siya naman si Kuya Dax ko. Kahapon lang ako nakulong. Kasi may binugbog kami ni Kuya. Hinarass niya kasi ang kapatid namin, eh," dugtong pa ni Eric sa una niyang sinabi.
"G*go kasi ang lalaking iyon. Si Vanessa pa talaga ang pupunteryahin niya. Eh, prinsesa namin ang bunso namin. Ni lamok nga ay hindi kami makakapayag na makadapo sa kapatid namin." Si Dax naman ang nagsalita. Kitang-kita talaga sa mga mata nito ang nararamdamang galit.
Napalunok si Gionne ng kaniyang laway at pinaglaputan ng pawis. Baka mabugbog din siya dahil nga sa ginawa niya kay Lyxhel.
"Ayos ka lang ba? Mukha kang natatae na ewan diyan, ah. O kung naiihi ka naman, ayun ang banyo. Basta, ingat ka lang, makalawang na kasi roon," usisa ni Eric kay Gionne 'tapos ay tinuro ang direksyon papunta sa banyo ng selda.
Hindi umiimik si Gionne bagkus ay dahan-dahan siyang nagpadausdos hanggang sa makaupo siya sa malamig na lapag.
"I did the same thing. I harass a girl 'cause I really like her. Or should I say, I wanted to feel her. Own her." Gionne confessed, moments later passed by.
Hindi siya tumingin kina Eric at Dax dahil baka kapag inangat niya ang kaniyang ulo ay kamao ng mga ito ang sumalubong sa kaniya.
Napapitlag si Gionne nang biglang may humawak sa balikat niya. Paglingon niya rito, si Dax pala iyon.
"Tanungin kita, anong mararamdaman mo kung halimbawa, kapatid mong babae o kaya naman ay nanay mo ang makaranas noon?" seryosong sambit ni Dax.
Mabilis naman na sumagot si Gionne. "Magagalit ako. Sobra pa sa sobra ang mararamdaman ko."
"Ngayong nandito ka sa selda na ito. Dapat pag-isipan mong mabuti ang mga bagong desisyon na gagawin mo. Mali ang ginawa mo, pero tandaan mo, may pagkakataon ang isang tao para itama ang maling nagawa niya. At kapag nabigyan ka nga nu'n, huwag mo nang sayangin pa. Magbago ka na." Tinapik-tapik ni Dax ang kaniyang balikat pagkatapos nitong magsalita.
"Salamat, Kuya Dax. I'm Gionne, by the way. And, yes, I come from a wealthy family. My father owned a business about hotels. Pero ako na ngayon ang namamahala. Gusto niyo ba na tulungan ko kayo na makalabas dito?"
"Hindi na, Gionne. Kaya naman na namin ni Kuya ito. Hindi naman siguro kami magtatagal dito. Hindi naman kami nakapatay o nagbenta ng droga," pagtanggi naman ni Eric sa tulong na gustong ibigay ni Gionne.
BINABASA MO ANG
Steps to Yours
RomanceSteps to Yours A Paraquel: FPS 1: His Illicit Affair Genre: Erotic Romance/R-18 Status: ON-GOING Grew up with a golden spoon, Gionne Ashvonne Montedarbel doesn't know the word, 'no'. He can get whatever he wants, from parties, alcohol, and girls. He...