UMPISA

4 0 0
                                    


I stretched out my arms, palms were wide open seemingly reaching for the sky. It swayed unconsciously along with wind that is carrying a vicious whisper. A thought crossed my mind as I lie down on the grass.

"Panoorin mo 'to, Wooly. Kukuha ako ulap."

My fingers then slowly bent its way to create a fist. Inikot ko ang kamao paharap sa akin, pinagmasdan lang saglit bago unti unting binuklat.

"Oh? Diba! Tingnan mo. Tingnan mo!" utos ko at nilingon ang katabi habang tumatawa.

Tamad na umangal lang ito sa akin at nagpatuloy sa ginagawa.

It was one of my dreams as a child to reach the heavens and visit a paradise. Akala ko noon, sa ulap naroroon ang langit. Hindi pala. Ni wala ngang nakakaalam kung saan iyon. Was it located in deep space? Or was it somewhere outside the universe? Does it even have a physical form? Walang makapag sabi.

Kailangan pala munang yumao at mag hasik ng kabutihan sa mundo bago makarating sa langit. Gumuho nga ang mundo ko noong sinabi iyon ni Lola. Naku po! E lagi kaming magkaaway tapos sumusuway ako palagi sa mga utos at pangaral niya. Edi wala na nga akong tyansa roon?

That being said, my dream about going to the parallel realm where the highest place is changed into wanting to touch and feel the clouds instead. Kahit papaano, ang mahawakan ang ulap ay nangangahulugan na rin na malapit ko nang maabot ang panagarap na iyon. Kahit posibleng delusyon lang.

Pero akalain mo iyon at na-wow mali pala ako? Akala ko noon malambot ang mga ulap dahil kawangis nito ang bulak. Tapos puwedeng tumalon talon, gumulong, tsaka humiga tapos puwede ring kainin. Katulad ng mga pinapalabas sa commercial? Ngunit nang maranasan kong mahawakan ang isa, hindi naman pala!

Miminsan pala, hindi mo lang ineenganyo ang ideya na nakababa ito sa lupa. Minsa'y yumayakap, minsan humarang sa daan...

I uncurled my knuckles and delightfully stared at my now damp palms. Humagikhik ako.

"Ang galing 'no? Ulap ito! Hindi lang halata." Natutuwa kong sinabi habang nakatitig sa imaginary cloud na hawak.

Nilingon ko ang kausap dahil hindi ko na maramdaman ang presensiya niya sa gilid ko. Kaya naman pala! Tingnan mo nga sumisibat na naman ng pasimple!

"Wooly, dito ka lang! Ano ka ba!" suway ko.

Patay malisya lang ang tupa. Umisang hiyaw ito sa akin at humakbang na papalayo.

Oh, sige na nga. Hahayaan ko na muna siyang makipag meet up sa mga kaibigan niyang kambing. Tutal sinuhulan ko lang din naman siya na tumabi sa akin para may makausap ako. Time out muna sa siya ngayon.

My eyes then settled for the view in front. I made my hands rest on top of my abdomen as countless of thoughts wandered. Wala namang espesyal sa langit sa araw na ito pero namamangha pa rin ako. Totoo pala yata talaga iyong kaya kang dalhin sa alapaap gamit lang ang mata?

Ni hindi matingkad ang himpapawid, kabaliktaran pa kung tutuusin. Kaninang umaga, sagana sa araw ang bayan, alas kuwatro palang ng hapon ngayon ngunit nagbabadya na ang pagsapit ng dilim. Dry season pa nga. Pero dahil likas na sa probinsyang ito ang pabago bagong panahon, hindi na kami natitinag. Balewala ang ambon at ulan.

Nahagip ng mata ko ang ibayong dako, nahahaluan na iyon ng kulay abo. Thick, dark clouds on the farther side casted an eerie and somber atmosphere. Hindi na klaro ang tanawin sa paligid pero senyales na iyon. Umuulan na sa kabilang isla.

The fog is obscuring my view, but it can't conceal the scream of the relentless waves crashing far below the hillside cliff where I was situated. A bleak mist has surrounded my bare arm. It screams of discomfort but I remained unconcerned. Ito na ang moment na kanina ko pang hinihintay. The cloud has finally reached out to me without equaled effort.

Like a Wind that Howls at NightWhere stories live. Discover now