Chapter Fifteen | Forgotten yet Remembered

37 8 9
                                    

(Trigger warning: Some words like curse or vulgar words are not censored)

Typographical and Grammatically errors ahead!

Eros POV






Napalingon ako sa pinto ng hospital room ni Soul ng makita ko na lumabas ang doktor at lumapit ito sa amin ni Nickel.






"Mr. Clemeno, luckily we revived her, her vitals are all stable now but please expect more attacks like that, mas lalo lang bumababa ang surviving rate ni Ms. Montero she has a 30% chance to be awakened so please... Expect that soon--"







"Ano'ng sinasabi mo!? Magigising ang girlfriend ko! Hindi ka Diyos para hatulan si Soul ng ganiyan!"








Galit ko na hinila ang collar ng damit ng doctor ni Soul dahil sa sinabi niya, hindi ako iiwan ni Soul, hindi siya mawawala!











"Eros huminahon ka nga!"









"Hindi Nickel! Bakit siya magsasalita ng ga'nun? Hindi siya Diyos putang ina!"








Napaiyak na lang ulit ako dahil sa inis, galit at sama ng loob. Hinila ako palayo ni Nickel kay Dr. Lastimosa








"Oo nga Eros pero manalangin tayo na gumaling at gumising na si Soul, pero kahit ano man mangyari maghanda tayo Eros, hindi natin hawak lahat ng---"






"ISA KA PA! BAKIT PARANG GUSTO NIYO NA MAWALA SI SOUL SA'KIN?"




Galit ko na inalis ang mga braso niyang nakahawak sa'kin dahil hindi ako natutuwa sa sinasabi niya at nila, hindi ako iiwanan ni Soul alam ko at nararamdaman ko 'yun.







"Sa ngayon Eros kumalma ka na muna hindi makakatulong sa'yo kung magkakaganiyan ka"







Hindi ko siya pinansin at pumasok sa loob ng kwarto, lumapit ako kay Soul. Naluluha na lang ako kapag nakikita ko yung kalagyan niya na ganito, maputla siya at maraming aparato ang nakakabit pero makikita mo parin yung ganda niya.





"Baby... kumapit ka please, h'wag mo'ko iiwan hmm? Mahal na mahal kita" bulong ko sa kaniya at hinalikan siya sa noo tapos hinaplos ang buhok niya.



"Promise once na magising ka, gagawin ko lahat para sa'yo, just wake up baby"





I really love her to the point na kaya ko gawin lahat para sa kaniya, if I can give my life for her I would gladly do it just to make sure na magigising siya. I can't stand any longer to see her like this, I can't look at her anymore na hindi ako nasasaktan, I'm blaming myself too bakit siya nagkaganito, It's all my fault.



"Baby... Ang tagal mo nang tulog, gising kana please, gusto ko na magpunta sa dagat kasama ka tapos manonood tayo ng sunset, diba favourite natin 'yun?"







The Nine Brothers [Book 1: Forgotten Yet Remembered | Soul & Eros]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon