Chapter 15

49 5 12
                                    

Chapter 15

I turned on my laptop and access my skype account.

"Aika, please naman... I need to talk to you right now."

I checked my fb account, pero hindi rin online si Aika.

I emailed her in YM and Gmail pero wala pa rin siyang response.

"Aika.. Please... I need to talk to you right now, mag-online ka na please." Iyak ako ng iyak habang nagdrasal na mag-online na sana ang best friend ko, bukod kay Auntie Meg, sa kanya ko lang nailalabas ang mga problema ko sa buhay. Hindi ko masabi kay Auntie Meg ang problema ko dahil alam kong magagalit siya. Pakiramdam ko hindi ako makahinga dahil wala akong malabasan ng sama ng loob.

Aika Mishimoto, she is my best friend. At kahit wala siya dito sa Pilipinas, siya pa rin ang tanging tao na pinagkakatiwalaan ko pagdating sa mga bagay na personal para sa akin. Last week sabi niya magiging busy siya kaya hindi siya makaka-pag-online, I understand that, pero sa mga panahong tulad nito kailangan ko siya, kailangang-kailangan ko ang kaibigan.

Flash back

First Year High, San Ildefonso High school

Ako na yata ang pinaka nakakatakot na estudyante sa San Idenfonso High. Kung may terror na teacher, ako naman ang terror na estudyante.

Naiinis ako sa mga mayayabang na estudyante at mayayabang na teacher lalo na yung mga dependent lang sa book, kapag may question ka regarding sa lessons na wala na sa book eh nganga nalang.

Buti nalang talaga puro mga lalaki ang kaibigan ko noong bata pa ako, dahil kasi doon natuto ako na ipag-tanggol ang sarili ko, kung may isang bagay man ako noon na ipinagpapasalamat kay Stefan ay yun yung tinuruan niya ako ng ibat-ibang martial arts, Idol kasi ni Stefan si Jackie Chan.

Maraming sorority sa San Ildelfonso High ang nag-invite sa akin pero ni isa doon hindi ko pina-unlakan, why should I be joining them when all I need is me, myself and I.

Pero dahil sa masamang reputation ko sa school marami din ang nagreklamo, may mga teacher na gusto akong ma-expelled kagaya nalang ni Mrs. Calderon.

Halos mag-iisang taon palang ako sa San Ildenfonso High ay marami estudyante at teachers ang galit sa akin. May mga teachers kasi na galit sa akin dahil palagi akong late, meron namang teachers na binabara ko during lectures, ang kakapal ng mukhang magturo eh mas magaling pa ako sa kanila. Seriously! Hindi pa ba kayo nakaka-encounter ng techar na kapag tinanong mo ng bagay na wala na sa book ay hindi na makakasagot? Of course somehow related pa rin naman yung mga tanong ko sa lessons medyo pinapapahirapan ko lang sila ng konti. Nakakainis yung mga teacher na sasabihan ka na hindi na raw part ng lessons ang mga bagay na tinatanong ko sa kanila. Talaga ba? Biology ang ininuturo mo, tinanong lang kita kung possible ba na magkaroon ng kakaibang animal characteristic ang isang tao. Ang sagot mo sa akin, " Anak, wag kang masyadong nagpapaniwala sa Marvel Comics, hindi totoo si Spider man." Sa sobrang inis ko tinanong ko siya ulit. "Sir yes or no lang po ang sagot, possible po ba na magkaroon ng kakaibang animal characteristic ang isang tao?"

Dahil ayaw mapahiya sumagot siya na tila naiirita. "Malamang hindi! Ms. Miyuzaki! Tigil-tigilan mo nga ang pagtatanong ng mga questions na wala naman kinalaman sa subject na itinuturo ko!"

"Excuse me sir, apparently Biology po ang subject na itinuturo ninyo at sa pagkakaalam ko somehow related pa rin naman ang question ko po, at yung sinasabi ninyong hindi iyon possible, eh nagkakamali po kayo, may isang lalaki sa USA ang napatunayan na mayroong kakaibang kakayahan na katulad ng sa mga gecko or tuko. It turns out that his skin has the ability to become an adhesive where any solid object you he put into his chest will be attached adhesively. Similar ito sa kakayahan ng mga gecko na kumapit sa mga puno or any surface firmly. In other words possible po na magkaroon ng peculiar characteristics ang isang tao na kagaya ng sa mga hayop." Nagpalakpakan ang mga classmates ko as if nanalo ako sa debate contest.

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon