Chapter 27

38 3 1
                                    

Chapter 27

Habang nakasakay ako sa eroplano hindi ko napigilan ang maluha... hindi ko alam kung bakit at papaanong ngayon pa ako nagdrama.

"Miss, ok ka lang ba?" tanong sa akin ng babaeng katabi ko sa eroplano.

"Ok lang ako." Maikli ko namang sagot sa babae.

"Sigurado ka? Kasi mukhang sobrang bigat ng dinadala mo eh, I know you barely know me, but I can lend my ears to hear your problems."

"No, I'm ok." Sabi ko naman sabay ngiti sa babae.

"Ok, but in case you change your mind just tell me, mahaba-haba din ang biyahe natin papuntang San Francisco."

"Ok and thank you." Sagot ko sa babae.

Habang nakatingin ako sa bintana at pinagmamasdan ang himpapawid ay napagtanto ko... Siguro malungkot ako dahil kahit aminin ko man sa sarili ko o hindi, masakit sa akin ang ipaubaya ng paulit-ulit ang mga lalaking minahal ko. Minsan gusto kong tanungin si God, bakit kailangan ko pa silang mahalin? Bakit kailangan ko pang maranasan yung magmahal at masaktan ng paulit-ulit?

Simulan natin kay Stefan, mula pagkabata minahal ko siya bilang best friend hanggang sa mahulog ako sa kanya, hanggang sa mahalin ko siya ng higit pa sa isang matalik na kaibigan. Akala ko mamahalin din niya ako pero mali ako... sabagay minahal din naman niya ako, yun nga lang hindi iyon kagaya ng pagmamahal ko para sa kanya. Nagkataon lang na ako ang pumalit sa pwesto ng namatay niyang kapatid. Sa akin niya binuhos ang pagmamahal at pag-aaruga na dapat sana ay ibinigay niya sa kanyang namayapang kapatid.

Matapos masaktan sa una kong pag-ibig ay tumanim sa aking isip at puso ang sakit. Nasaktan ako, kaya natakot akong magmahal muli. Akala ko mapipigilan ko ang sarili ko... pero hindi pala. Nahulog ang loob ko kay Eugene. Akala ko siya na... Akala ko susuklian niya ang pag-ibig ko para sa kanya, hindi kagaya ni Stefan na kapatid lang pala ang turing sa akin.

Akala ko lang yun.. kasi sa bandang huli ako pa rin ang nagparaya. Sino ba naman ako para hadlangan at sirain ang pagmamahalan nila ni Selena? Nakikita ko naman na mahal nila ang isa't-isa kaya kahit may pagkakataon ako na sirain ang relasyon nila ay hindi ko pa rin ginawa. Kasi... Alam ko sa sarili ko na kay Selena liligaya si Eugene.

Akala ko namanhid na ang puso ko pero ng makilala ko si Brice... heto na naman si Kupido! Pinana nanaman ang kawawang puso ko! Minsan gusto kong hanapin si Kupido dahil pakiramdam ko malabo ang mata niya, dahil kung kani-kanino ako nai-in-love! Puro sa maling tao naman ako bumabagsak! Yung taong mahal ko... hindi pala akong ang forever! Sarap batukan ng Kupidong yan!

Alam kong mali, alam kong makakasakit ako ng kapwa ko... pero sa huli umiral pa rin sa akin ang muling sumubok na magmahal. Marahil marami ang magtataka dahil sa maikling panahon na nagkasama kami ay nagawa ko siyang mahalin. 

Bakit nga ba? 

Kung tutuusin sa lahat ng lalaking minahal ko, si Brice lang ang nagbigay ng sukli sa pagmamahal na ini-alay ko sa kanya. He likes me... Maybe at first, pareho lang kaming attracted sa isa't-isa pero sa maikling panahon natutunan kong mahalin siya ng tunay. Isa pa kasalanan ko ba na nahanap ni Brice sa akin ang bagay na nagbibigay saya sa kanya, na hindi niya nahanap kay Tricia?

Sa tingin ninyo bakit ako sumugal? Bakit kailangan kong ibaba ang sarili ko? Samantalang nagawa ko naman manindigan noon na hindi manira ng relasyon ng may relasyon.? Bakit nga ba parang hindi kapani-paniwala na tunay ang pagmamahal ko kay Brice? Kahit ako nung una ayokong maniwala na magagawa kong manakit ng inosenteng tao na nagmamahal ng totoo, pero sa huli ginawa ko pa rin.

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon