Chapter 31

23 2 2
                                    

Chapter 31

Maraming trabaho sa office pero parang hindi pa rin ako pagod, I feel energized. Ganito pala kapag inlove? Parang kahit anong mangyari masaya ka pa rin.

Excited ako na sumakay ng kotse, dahil susunduin ko si Miyu sa office. Sa wakas makikita ko ulit siya!

Sandali akong naghintay at sa wakas nakita ko na rin si Miyu na lumabas ng office.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Hi." I said while smiling at her.

"Hello, what are you doing here?"

"Sinusundo ka."

"What? I told you, hindi mo na ako kailangang sunduin pa, marunong naman akong mag-commute."

"It's ok, I told you as well that I insist. Gusto ko hatid sundo kita, paano nalang kung maulit yung nangyari noon? Paano kung magkaroon ulit ng blizzard tapos wala ako para iligtas ka?"

I saw her cheeks turned red.

"Sige na nga." She finally surrendered and hop in my car.

"Maaga pa pala, how about a coffee?" I suggest.

"Hmmm... pwede naman, kaso lang marami pa akong tatapusin sa office tomorrow, siguro after an hour ihatid mo na ako sa bahay, ok lang ba?"

"Ok, lang, sige let's go, sayang ang oras." I said at pinatakbo ko na ang kotse.

"Hep-hep, can you please slow down? Baka maaksidente tayo."

"I only have an hour para makasama ka, dapat makahanap na tayo agad ng coffee shop." I said and smile at her.

*

Elementary palang kami ng una ko siyang makita. Inaway siya ng kapatid kong si Bela at dahil doon nagkasakitan sila, nakita kong nagdurugo ang tuhod niya kaya ginamit ko yung panyo ko para mapatigil yung pagdurugo.

Hindi ko maipaliwanag pero naiinis ako na nilalait-lait siya ni Bela pati na rin ni Mommy kaya tinulungan ko siya, she's so cute. For me, she is the cutest girl I've seen in my whole life. Siya ang puppy love ko.

Halos araw-araw akong pumupunta sa school nila para kuhanan siya ng pictures mula sa malayo. Thanks to my Dad's expensive camera, nagagawa nitong mag-zoom-in mula sa malayong distansya. That time camera's with standard quality today was quite expensive.

Hindi ako nagsasawang pagmasdan siya, hindi kahit isang segundo.

She enrolled to San Ildefonso High, doon din dapat ako mag-aaral pero sa mas expensive na school ako dinala ng parents ko, si Mommy ang may gusto non' at sumunod nalang ako para walang gulo. Minsan kapag may time ako, pinupuntahan ko si Miyu sa San Ildefonso at kagaya ng dati, nakatanaw lang ako sa malayo. Masaya din akong makita na mayroon na siyang ilang mga kaibigan, until... nabalitaan ko na... may humoured boyfriend daw si Miyu, ang pangalan niya ay Eugene. It's not confirmed yet pero minsan ko silang nakitang magkasama, sweet sa isa't-isa. Nung mga oras na yun nagkukuyos sa galit at selos ang puso ko. Gusto kong magwala, gusto kong hamunin ng suntukan yung Eugene, wala akong pakielam kung siya ang kinikilalang siga sa San Ildefonso High. Pero kahit ganoon, naisip ko... wala naman akong karapatan na gawin yun. Ano ba ako ni Miyu? Ano ba ang papel ko sa buhay niya?

After I graduated from High school I enrolled to the same university kung saan napiling mag-aral ni Miyu. Gusto akong ipadala ni Mommy sa States pero hindi ako pumayag. I told her that pinagbigyan ko na siya noon, hayaan naman nila ako sa gusto ko ngayon. Salamat kay Daddy, he agreed to my decision.

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon