Chapter 25

32 3 0
                                    

Chapter 25

Samantala sa loob ng kotse ay masaya naman na nagkwentuhan ang mag-ama, mula sa backseat ay lumipat sa tabi ni Stefan si Gabby.

"Daddy, hindi ka na aalis?"

"Hindi na Gabby, magkakasama na tayo ulit bilang buong pamilya." Nakangiting sabi ni Stefan.

"Yeahey!!! Ang saya naman, thank you Daddy, and I miss you so much."

"I miss you too Gabby, siya nga pala mag-thank you ka rin kay Tita Miyu mo, she became the instrument para magkaayos na kami ng Mommy mo."

"Thank you Tita Miyu, thank you for bringing home my Daddy to us."

"You're welcome..." sabi ko naman habang nakangiti.

"So where do you want to go? Enchanted Kingdom or Star City? How about beach? Gusto mo ba mag-swimming?" Stefan asked his son. Sobra din itong excited na makapiling ang kanyang anak.

"Daddy kahit saan po basta magkakasama tayo nila Mommy." Sabi ni Gabby saka yumakap ito sa ama.

Habang yakap ang anak ay napabaling naman ang tingin sa akin ni Stefan...

"Thank you very much." Tanging nasabi ng kapatid ko...

I am very proud of myself, biruin mo nagawa kong ayusin ang gusot sa pamilya ni Stefan.

Maya-maya pa ay pumasok na si Claire sa kotse.

"Tara na umuwi na tayo." Sabi lang ni Claire.

"Pero mommy, sabi ni Daddy punta daw tayo sa theme park or sa beach... please mommy, miss na miss ko na po si Daddy."

Napabuntong-hininga si Claire.

"Sige, pero sandali lang tayo sa theme park, may pasok ka pa bukas, yung mga home work mo nagawa mo na ba?"

"Mommy nandito naman na si Daddy eh, he will help me to do my homework."

"Oo nga naman Claire, sandali lang kami promise." Sabat naman ni Stefan.

"Sige... let's go." Yun lang ang nasabi ni Claire.

"Yes!!!" sabay na sabi ng mag-ama, kahit si Miyu ay hindi napigilan ang mapangiti.

Nagpunta kami sa Pasay... Sa Star City.

Habang masaya ang mag-ama na sumasakay sa mga pambatang rides ay nagpasya kami ni Claire na mag-meryenda.

"So finally, you're completely convinced that your husband is faithful to you?" tanong ni Miyuki kay Claire.

Napatingin sa akin si Claire.

"Well... sa totoo lang I love him so much... pero nung nakita ko yung mga naked photos niya with Melly, para akong mamamatay, para akong mababaliw noon."

"Pero hindi naman totoo di ba? Naging tapat siya sayo, sana naman hayaan mo siya ulit makabalik sa buhay ninyong mag-ina."

Tanging matamis na ngiti lang ang isinukli sa akin ni Claire, at alam kong Oo ang katumbas ng ngiting iyon.

"Siya nga pala... bakit hindi mo ako kilala? I mean hindi ba ako naikukwento sayo ni Stefan o kaya ni Nanay Perla?"

"Nope, they will never do that, ang ganda mo kasi eh." Tanging nasabi ni Claire saka uminom ito ng juice.

"What do you mean?"

"Sobrang selosa kasi ako, I don't want to see any woman nearby my husband. Nung una pinapabayaan ko lang ang mga babaeng humahanga sa asawa ko, pero nung nagtagal, sila na mismo ang lumalapit, b*tches are everywhere! Alam ni Stefan at Nanay Perla na may posibilidad na kahit ikaw na tinuturing niyang kapatid ay maari ko rin pag-isipan ng masama. Nung mga panahon kasi na yun sobrang paranoid ako, sabi ng doctor dahil daw yun sa pagbubuntis ko noon kay Gabby kaya grabe mood swings ko."

MMM History and Other DetailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon