09. North Coast

40 11 2
                                    

Hindi na ulit nagkita si Nana at Kasper sa mga sumunod na araw, though sobrang lapit lang nila sa isa't-isa, they kind of have that unofficial agreement na they should give each other a personal space

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi na ulit nagkita si Nana at Kasper sa mga sumunod na araw, though sobrang lapit lang nila sa isa't-isa, they kind of have that unofficial agreement na they should give each other a personal space. Kung may instances man na magkita, they would greet each other as if it were just any ordinary day.

Tuwing gabi naman ay maririnig niya nalang na bubukas at sasara ang pinto nito.

Nana was content with that. Each dinner, she found herself wondering how Kasper was doing down there. Before she tucked herself into her new blanket, she would think of him having a good night, and it would bring her a sense of ease.

For three days, nasanay si Nana na tuwing gigising siya ang bintana niya ang unang titingnan. She'd see the same sunlight filtering through her partially open window.

Sobrang pamilyar na sa kanya ang makitang sinasayaw ng hangin ang mga kurtina sa kwarto, at kakaibang saya ang palagi niyang nararamdaman sa buong sistema niya. Nana thought every day was anything but ordinary. With the life she had now, it felt like summer had just begun rather than at the start of March.

She always envisioned summer like this—filled with nostalgia, a warmth that enveloped her, and a feeling of something blossoming in her heart like never before.

May ngiti sa mga labing inaayos niya ang bedroom niya, hinahawi niya ang maninipis na kurtina at bubuksan ang bintana para papasukin ang araw. Tuwing bubuksan naman ang pinto niya at pakiramdaman ang atmosphere sa labas, palagi siyang may naaabutan sa paanan niya.

Today, isang kraft bag ang iniwan sa harap ng pinto niya, there was a note that said,


"I delivered earlier today, so I brought this twisted donut. Sorry for not wanting to wake you. Just eat this when you wake up, okay?"
-Kash


His note was decorated with unnecessary drawn emojis and characters, yet Nana couldn't help but smile widely. Kaagad niya 'yung dinala sa loob at nagtimpla na rin ng kape. Itinali ni Nana ang buhok bago tuluyang naging abala sa isang bahagi ng kwarto niya, na ngayon ay may laman na kumpara noong una.

In the last three days, naging usual na ginagawa na ni Kasper ang mag-iwan ng kung anu-ano sa harap ng pinto niya, noong una nag-iwan ito ng maliit na indoor plant at ang sabi ay isa ito sa mga nabili niya three weeks ago at gusto niya lang ibigay.

The other ones were a scented candle and a cookbook. Nasama 'yun sa mga household goods na inayos ni Nana sa buong kwarto, despite how small they were, it made the whole room feel complete.

Nadagdagan na ang pillows at blankets niya, pati mga kurtina. Bilang reference sa kusina ni Kasper, gumawa rin siya ng maliit na space kung saan maghahanda ng pagkain. Kasper's cookbook really helped her prepare a quick meal these days, hindi siya gaanong nahirapan sa pag-take part ni Kasper sa pagsisimula niya.

Pardon My EmotionsWhere stories live. Discover now