Ch. XII: Under the Rain

2 1 4
                                    

"Umalis na tayo rito," saad ni Elanna sabay takbo.

Agad namang sumunod sa kanya sina Nate at Michelle.

"But how about my kuyas?" pag-aalala ni Nate.

"Iisip tayo ng paraan para magising ang mga kuya mo, okay? Pero sa ngayon, we need to find a way para taguan sila for a while."

Takbo lang sila nang takbo paikot ng counter at nang may makita silang bakanteng silid ay doon agad sila lumiko at mabilis na nagtago sa likod ng counter table.

"Ngayon, paano natin sila maibabalik sa dati nilang pag-iisip," saad ni Elanna.

"Wala ba kayong powers na puwedeng kumontra sa hypnosis na 'yan?" tanong ni Michelle.

"Si Kuya Aki lang ang may gano'ng power," sagot ni Nate.

Napabuntonghininga si Michelle. "Paano na 'yan?"

Natahimik ang tatlo habang nag-iisip. Mayamaya naman ay biglang nagsalita si Elanna.

"Alam ko na. Subukan natin kung uubra."

"Sige, ano 'yon, Ate Elanna?"

"Ganito. Ikaw, Nate. Tumakbo ka palabas nitong building at gumawa ka ng ulan. Susubukan namin ni Michelle na i-distract ang mga Galang Kaluluwa habang gumagawa ka ng rain clouds. Pag tapos ka na, pasusunurin namin ang mga kuya mo sa labas. Baka sakaling matauhan sila pag naulanan sila."

Tumango-tango si Nate. "Oh, I see. Okay."

"Go, Nate! Mauna ka nang tumakbo! Kami na munang bahala rito," utos ni Elanna sabay tulak kay Nate.

Kaya naman agad na napatayo si Nate sabay takbo palabas ng silid. Paglabas naman niya ay agad siyang sinalubong ng mga Galang Kaluluwa, kasama ang mga kuya niya na tila zombie kung kumilos.

Nataranta bigla si Nate dahil do'n kaya't mabuti na lang ay pinana agad ni Elanna ang mga Galang Kaluluwa.

"Takbo na!"

Pagkasabi no'n ni Elanna ay agad na tumakbo si Nate at nilampasan lang niya ang mga kuya niya.

"Michelle, ikaw ang mang-distract sa boys para hindi nila sundan si Nate. Mamaya pa natin sila pasusunurin sa labas. Ako nang bahala sa mga Galang Kaluluwa."

"We need to keep the boys safe. Kahit may sanib sila, sila pa rin 'yan," dagdag pa niya.

Hindi naman alam ni Michelle ang gagawin kaya nang makakita siya ng nakayuping lata ng softdrinks sa sahig ay dinampot niya ito at binato kay Gelo.

Tinamaan naman si Gelo sa noo.

"Sorry, Gelo," bulong ni Michelle.

At nang makuha na niya ang atensyon ng mga ito ay nanakbo na rin si Michelle dahil sinimulan na siyang habulin ng mga ito.

Samantala, kay Elanna na naiwan ang mga Galang Kaluluwa. Gamit naman niya ang pana at palaso na banal na sandata ni Mayari.

Habang si Nate naman ay nasa labas na ng abandonadong building. Isinara na niya ang kanyang mga palad at iniangat ito pantay sa kanyang dibdib sabay pikit ng kanyang mga mata.

Bathala, please help me. This is the only way that I know I can do.

Sa pagko-concentrate ni Nate ay unti-unti nang lumalakas ang ihip ng hangin at kumukulimlim na rin ang langit.

Balik naman sa loob ng building, takbo lang nang takbo si Michelle paikot sa paligid dahil hinahabol siya no'ng apat.

Itinutumba ni Michelle lahat ng bagay na madaanan niya gaya ng basurahan, upuan, o kahit anong makita niya sa daan upang iharang ang mga 'yon kina Gelo.

KALUWALHATIAN: Bathala's Talisman (BGYO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon