Alas diyes pasado nang umaga at tutok na tutok na si Michelle sa harap ng monitor screen ng kanyang desktop computer sa kanyang munting study table.
"Cheng."
Nilingon lang sandali ni Michelle ang tumawag sa kanya at ibinalik niya rin agad ang atensyon sa kanyang ginagawa.
"Ano po 'yon, Ma?"
Nakadungaw ang kanyang ina sa pintuan ng kanyang silid.
"May bisita ka sa labas."
Napaisip sandali si Michelle pero mukhang kilala na niya kung sino 'yon.
"Si Jolo lang naman 'yon, eh. Papasukin niyo na lang po."
Natawa na lang ang mama ni Michelle at agad na pinapasok ang binata sa kanilang bahay.
"Busy si Cheng. Pumasok ka na lang daw."
"Sige po, Tita."
Dumeretso na lang si Jolo papasok sa bahay nina Michelle hanggang sa kuwarto nito.
"Michie!"
Masiglang bati ni Jolo pagbungad niya sa pintuan ng silid ng kaibigan. Halos hindi na rin makita ang mga mata nito sa kanyang pag ngiti.
Tumingin lang sandali si Michelle kay Jolo at ibinalik niyang muli ang atensyon sa monitor screen.
"Oh, naparito ka?" tanong ni Michelle.
Tuluyan nang lumapit si Jolo sa puwesto ni Michelle at nasilayan niya ang nasa monitor screen nito.
"Nakita ko na 'yong result no'ng akin. Nakapasa ako!" pagmamalaki ni Jolo.
"Alam ko. Nakita ko sa notif ko kanina no'ng nag-message ka."
"Kita mo 'to. 'Di mo pinapansin ang message ko," ani Jolo na may halong kaunting tampo.
"Hindi na ako mahalaga sa'yo. Akala ko ba best friends tayo?" pag-iinarte pa nito.
"Grabe, ang arte naman nito. Magre-reply naman ako kaso busy kasi ako. Saka magkapitbahay lang naman tayo, ano."
Hindi na nakapagsalita pa si Jolo at napakamot na lang siya ng ulo.
Si Jolo o kilala rin ng karamihan bilang JL mula sa kanyang tunay na pangalan na John Lloyd Toreliza ay kababata ni Michelle at kanya ring kapitbahay.
Nag-enroll ang dalawa sa Akademia Lualhati bilang incoming senior high students. Nakita na ni JL ang resulta ng kanya habang ang kay Michelle ay tinitingnan pa rin niya.
Ilang scroll pa ay biglang napapalakpak si Michelle na ikinagulat naman ni JL.
Biglang napatayo si Michelle sa kanyang kinauupuan at napahawak siya sa mga kamay ni JL habang nagtatatalon sa tuwa matapos makita ang resulta ng kanyang enrollment.
"Nakapasa ako! Nasa listahan 'yong pangalan ko!"
"Sabi naman sa'yo makakapasa ka, eh. Ikaw lang naman nagda-doubt sa sarili mo," ani JL nang may ngiti sabay pisil nang marahan sa kamay ni Michelle.
Bumitiw na si Michelle kay JL at bumalik na siyang muli sa harap ng kanyang monitor screen.
"Ngayon, 'yong resulta na lang ng scholarship program ang hihintayin ko. Ngayong araw din ang release no'n, eh," aniya sabay tutok muli sa screen.
Nag-apply din sa scholarship program ng school si Michelle upang makatipid ang kanilang pamilya sa kanyang pag-aaral dahil may dalawa pa siyang nakababatang kapatid na nag-aaral din.
Habang si JL naman ay galing sa pamilyang may-kaya kaya hindi na nito kailangan pang maging scholar.
"Mukhang may nag-email sa'yo," sambit ni JL habang nakatingin sa screen.
BINABASA MO ANG
KALUWALHATIAN: Bathala's Talisman (BGYO FF)
Fanfiction[ ONGOING ] Just like most students, Michelle Phoebe Reyes has already set her goals straight---study hard and finish her studies. At tulad din ng ibang estudyante, ang mabigyan ng scholarship ay para na ring isang premyo. Akademia Lualhati is only...