"Puwede bang magpahinga na muna tayo?"
"Oo nga. Kanina pa tayong umaga umaakyat, eh."
Reklamo ng magkakaklase kay JL. Nagha-hiking sila ngayon at nagsimula sila ng ala siyete ng umaga.
"Hey, John Lloyd Toreliza. Kung hindi pa tayo magpapahinga, sasakalin kita," banta sa kanya ni Elanna habang hinihingal pa.
Bigla namang huminto si JL kaya't ganoon na rin sila.
"Kalma. Eto na nga, eh. Pahinga muna tayo," aniya.
Agad naman silang nagsiupuan sa ilalim ng isang malaking puno at nagkanya-kanyang inom ng tubig sa kanilang mga tumbler. Tatlong oras na rin kasi silang umaakyat ng bundok.
Nagpasya si JL na mag-hiking bilang parte ng kanilang training.
"Kung alam ko lang na magha-hiking pala sila, dapat 'di na lang ako sumama," bulong ni Michelle.
"Same here. This is annoying. Dapat nasa bahay lang ako ngayon while beauty resting," tugon ni Elanna.
Pinagsuot lang kasi sila ni JL ng pang-exercise na damit at hindi nito sinabi na aakyat pala sila ng bundok. Akala nila, simpleng workout o jogging lang.
"Ano namang nasinghot mo at pinag-hiking mo kami ngayon?" reklamo ni Gelo.
"Hindi niyo ba alam? Mas okay 'to na pampatibay ng stamina kaysa sa simpleng walking at jogging lang," tugon ni JL.
"But I'm already tired kahit wala pang lunch time," sabad ni Nate.
"Sakto mararating natin ang unang peak ng alas kuwatro ng tanghali tapos bababa rin tayo bago mag gabi," saad ni JL.
"Sandali, unang peak? Hindi ba puwedeng mag-camping dito?" tanong ni Akira.
"Ang tuktok nitong bundok ay may tatlong parte. Peak 1, Peak 2, at Summit. Peak 1 lang ang kaya nating marating dahil pinagbawal na ang pagka-camping dito," sagot ni JL.
"Bakit daw?" usisa ni Michelle.
Natahimik sandali si JL sabay buntonghininga.
"May kababalaghan daw na nangyayari sa bundok na 'to, lalo na pag gabi," aniya.
Nabigla naman ang kanyang mga kasama at nagpalitan ng tingin sa isa't isa.
"So ibig sabihin, hindi lang training ang sadya natin dito. Posibleng misyon din?" usisa ni Akira.
"Ganoon na nga. Hindi ba, Mikki?" ani JL.
Hindi naman umimik si Mikki at patuloy lang siyang uminom ng tubig. Tumingin naman sila kay Mikki na may pagtataka.
"Alam mo na magha-hiking tayo na may kasamang misyon?" tanong ni Akira.
"Hindi ko rin alam. Nasa entrance kami kanina ng bundok no'ng nag-request si JL ng star map habang nasa CR sina Elanna at Michelle," sagot ni Mikki.
Una kasing dumating sa entrance sina JL at Michelle ng ala singko ng umaga dahil magkasama sila.
Sumunod namang dumating sina Mikki at Elanna nang magkasabay matapos ng tatlompung minuto. Syempre, huling dumating sina Akira at Gelo matapos ng isang oras.
"Okay na rin 'to. Nakapag-training na tayo, nakagawa pa tayo ng misyon. Oh 'di ba, two in one?" saad ni JL.
"Teka, paano naman daw namiminsala 'yong mga Galang Kaluluwa rito sa bundok?" tanong ni Gelo.
"Sabi nila, maraming report ng insidente ang mga nawala o naligaw na hikers. May iba na hindi na talaga nahanap pa. Iyong mga nakabalik naman, parang nawawala sa sariling katinuan. Sobrang paranoid din. Parang laging takot," paliwanag ni JL.
BINABASA MO ANG
KALUWALHATIAN: Bathala's Talisman (BGYO FF)
Fiksi Penggemar[ ONGOING ] Just like most students, Michelle Phoebe Reyes has already set her goals straight---study hard and finish her studies. At tulad din ng ibang estudyante, ang mabigyan ng scholarship ay para na ring isang premyo. Akademia Lualhati is only...