Kyle pov.
Nandito ako ngayon sa hallway ng aming university dahil mayroon kaming practice nang chess at dahil malapit na din ang aming laban.
"Hoyy Kylee!"malakas na hiyaw ng kung sino sa aking likuran.
Nang lingunin ko ito ay nakita kong si Alizah.
Alizah is my best friend and we know each other since were in our grade level.
"Oh ano nanaman?"masungit kong sagot sakanya.
"Eto naman lagi nalang masungit" sabi nya sakin sabay hampas kaya mas lalong nagsalubong ang aking kilay.
"Daig mo pa yung babaeng may regla eh"kasunod nyang sabi sabay tawa ng malakas.
"Bakit ba kase?"tanong ko sakanya habang magkasalubong parin ang aking kilay.
"May chika ako sayo".
"Diba si Matthew yung sikat na engineering tas varsity player?"pabulong nyang sabi sakin.
Napag hahalataan talagang chismosa tong si Alizah.
"Oh?ano meron?"sarkastiko kong sagot kay Alizah.
"Napapabalita kase sa building ng Architecture na may nililigawan na daw syang Educ student"sabi nya sakin habang papunta kami sa room kung saan kami mag papractice.
Yes,Alizah is a chess player too pero isa syang Architecture student at ako naman ay Educ student.
Pero sino kaya yung nililigawan ni Matthew sa room namin,tanong ko sa aking utak.
"Eh,bat diko nababalitan yan?"patanong kong sabi.
"Eh,pano ba naman kase puro ka nalang aral at practice ng chess kaya late ka na sa chismis"naka ngising sabi sakin ni Alizah.
Ngunit sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Oh,Relax yan ka nanaman sa pag susungit mo eh"sabay tawa ng malakas.
Habang naglalakad kami ay tiningnan ko ang relo na nasa aking pulusuhan.
"7:55!! na"napasigaw ako nang makita ang oras.
"Naku baka late tayo bilisan mo"hinatak ko sya at sabay kami tumakbo.
Nang malapit na kami kung saan kami mag papractice ay may kung sino akong nabangga.
"Bogshhh"malakas na tunog nang pag bagsak naming dalawa.
"Sh*t"malakas na mura ng nabangga ko.
"S-sorry di kita napansin"pag hingi ko ng tawad sakanya sabay yuko.
"Pwede ba sa susunod tumingin ka sa di nadaanan mo"pasigaw nyang sabi habang masama ang tingin sakin.
"S-sorry talaga".
Nang hihingi pa sa sana ako ng tawad ay naalala ko ang oras kaya hinatak ko na agad si Alizah.
Nasa tapat na kami ng pinto kung saan kami mag papapractice ay lumingon ako sa pwesto ng lalaki na tanaw mula dito kung nasaan sya.
Masama lang ang tingin nito saakin ngunit diko na pinansin at pumasok na din kami ni Alizah.
"Oh kala ko late nanaman kayo"bungad samin ni kuya Nico.
Kuya Nico is the SSLG president kaya sya ay nandito kase nag checheck sya kung nag papractice ba ang lahat ng player.
"Kuya Nico naman ganon ka na ba kasanay na lagi kaming late?"pabebeng sabi ni Alizah.
Kaya napatawa nalang ng malakas si kuya Nico.
"Oh,sigi na bye na kayo na bahala dyan ah"pag papaalam ni kuya.
"Noted ssob"sabay naming sabi habang ang kamay ay naka saludo sakanya.
Sabay saludo din ni kuya Nico bago lumabas.
Makalipas ang isang oras.
"Checkmate!"sigaw ko kay Alizah na nasa harap ko.
"Andaya mo naman lagi ka nalang panalo"bakas sa kanyang boses ang pag ka inis kaya napatawa nalang ako.
"Ayoko na mag laro, tara gala na lang tayo" sabi ko kay Alizah kaya naman tumayo kaming dalawa.
"San naman tayo pupunta?" Tanong sakin ni Alizah.
"Dun tayo sa ****" Sabi ko kay Alizah.
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Sige, uwi na ko" sabi ko kay Alizah.
"Sure beh" sabi nya sakin kaya nag lakad na ako paalis at ganun rin sya.
"Mag cha-chat nalang ako kung anong oras ka pupunta sa bahay"pasigaw kong sabi.
Tumango nalang si Alizah saakin.
Kumain na rin kami dito sa tambayan namin kanina, na padami rin ng binili si Alizah kasi libre ko daw kaya ayun na budol ako.
Nakarating ako ng bahay mga bandang 3:30, dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga sa kama para mag pahinga ng 'di inaasahan bigla akong naka tulog.
Nagising ako ng bandang 9:00 na ng gabi dahil kumukulo na ang aking sikmura.
Bumaba ako at pumunta sa kusina para tumingin ng pwedeng makain.
"Wow menudo"nakangiti kong sabi.
Halos kalahating oras akong kumakain at ng maramdamang busog na ako ay nag tooth brush ako at bumalik na sa aking kwarto.
Nang makarating sa kwarto ay nag cellphone ako saglit at ilang minuto lang ay dinapuan nako ng antok.
- ° ° ° ° Kinabukasan ° ° ° °-
Pag ka gising ko ay naligo at kumain na ako kasi si Alizah ay nag hihintay sa labas.
Bumaba na rin ako at nakita ko na si Alizah na naka tambay sa may gilid ng bahay
"Hoy! babae di pa naman ako nag chachat ah bat nandito ka na?" Patawag ko sa kanya sa mataray na paraan at tumingin naman sya sakin.
"Hoy mo mukha mo! abay kanina pako nag aantay ng chat mo napaka tagal kaya pumunta nalang ako dito" inis na sabi nya kaya natawa ako na lalong ikinainis nya.
"Anyway, bilisan na nga natin baka magalit si Kuya Nico pag na late tayo" sabi ko kay Alizah kaya nag lakad na kami
-° ° ° ° 10 minutes later ° ° ° °-
Nakarating na kami sa sakayan at maya maya lang ay may huminto nang bus.
"Muntikan pa tayong malate" inis na sabi ko kay Alizah.
"Buti nalang hinde kung gumising ka kase ng maaga edi maaga din tayo dito?" sabi sakin ni Alizah na may pag ka inis sa boses.
Kaya napatawa nalang kaming parehas.
________________
Author's note!
Hi everyone this is the first chapter and im collaborating with EthanDeJesus2 ♥️
YOU ARE READING
"Unexpected you"
RomancePano kung isang araw ay may isang taong umamin sayo ng kanyang pag-ibig ngunit takot ka sa sasabihin ng ibang tao about sa inyong relasyon at may trauma ka sa mga lalaki? kaya secret relationship lang ang gusto mo?Halina't subay-bayan ang kwento ng...