Kyle pov.
Nasa kwarto na nya kami ay naupo ako sa sofa tsaka ko inilabas ang mga note ko.
"Anong subject naman want mong ituro ko?"tanong ko dito.
"Ah..eh..medyo nalilito ako sa trigonometry"nahihiyang sagot ni Matthew saakin.
"Ah yan madali lang yan halika dito"tawag ko sakanya.
Lumapit sya saakin dala ang kanyang loptop at notebook.
Nag sulat ako ng isang problem ng trigonometry para maipaliwanag ko ng maayos sakanya.
"Siguro naman maiintindihan nya yung paliwanag ko?"tanong ko sa aking utak.
"Diba ito isusulat mo dito sin theta and isosolve mo na"sabi ko habang ipinapakita ko kung pano i solve.
Tumango-tango naman sya at parang naiintindihan naman ang itinuro ko.
Nakalipas ang ilang oras ng pagtuturo ko kay Matthew ay biglang may kung anong tunog sa aking tiyan kaya nag ka tinginan kami,na agad din namang lumihis dahil sa pamumula ng kanyang muka na mukang kamatis.
"Ah..oorder lang ako ng pag kain may gusto ka ba?"sabi nya nang mapagtanong nagugutom nga ako.
"Kahit ano nalang"tugon ko sakanya kaya napatango nalang sya.
Nang makababa na si Matthew ay inilibot ko ang aking mata sa loob ng kanyang kwarto.
May nakita akong picture nya nung baby sya hanggang sa paglaki nya.
Mayroon din syang collection ng sapatos merong nike,snikers,jordan,puma at marami pang iba.
Merong isang picture na pumukaw sa akin at yun ay yung picture nya nung baby sya na walang saplot.
Habang hawak ko yon ay bumukaa ang pinto at iniluwa non ay si Matthew na may dalang pizza at coke.
"Ohhh!"sabi nya sabay agaw ng picture sakin.
"Ah..ehh.diko sinasadyang makita yan"at sa taranta yan agad ang sinabi ko sakanya ng makuha saakin ang picture.
Di na nag salita si Matthew sa halip ay inilapag nalang ang kanyang dala sa maliit sa table at itinago na yung picture na nakita ko.
Kumakain kami ni Matthew nang mag ring ang kanyang cellphone.
"Wait lang Kyle sagutin ko lang toh"sabi saakin kaya tumango nalang ako.
Nang makalabas si Matthew ay kinain ko lang ang pizza na naiwan sa table.
Ilang minuto lang ay bumalik na si Matthew.
"Ahh mauna nako Matthew"wika ko habang inililigpit ang aking mga gamit.
"Ah hatid na kita"alok nya saakin.
"Nako wag na nakakahiya"sagot ko sakanya.
Ilang minuto ko din syang pinilit na wag na akong ihatid bago ko sya napapayag.
Nang pababa na kami ay naabutan namin ang Mommy ni Matthew na nasa sala,kaya nag paalam nako dito.
"Ahm mauna na po ako"sabi ko kaya napatingian sya sa gawi namin ni Matthew.
"Ay gabi na ah baka kung ano pang mangyari sayo dyan sa labas,dito ka nalang matulog may guest room naman kami"mahabang sabi ng Mommy ni Matthew.
"Ah..eh..nakakahiya po"wika ko sabay kamot sa aking batok.
"Nako wag ka na mahiya pasasalamat na din toh sa pag tu-tutor kay Matthew"naka ngiting wika nya.
"Sige na Matthew hatud mo na sya sa guest room"sabi nya ulit.
Habang papunta kaki ni Matthew sa guest room ay bigla akong naiihi.
"Ah Matthew san yung cr nyo"tanong ko dito.
"Deritsuhin mo yan sa kaliwa ka yung pinto sa kulay gray yun na yon"turo nya sa direksyon.
"Sige,hintayin mo nalang ako dito"sabi ko kaya tumango nalang sya.
Habang papunta ako sa banyo ay biglang tumawag si Alizah saakin.
Alizah call you.
Alizah:hoy,kailangan daw maaga bukas kase malapit na yung laban.
Kyle:sigi kita nalang tayo bukas.Nang akmang papatayin ko na ang tawag ay bigla syang nag salita.
Alizah:hep hep hep,nasan ka pala di pa kita nakikita simula kaninang tanghali.
Kyle:Nakila Matthew ako,dito ko tinuruan.
Alizah:nako lumayo-layo ka dyan may nililigawan yan.
Kyle:alam ko yon teh.Nang sabihin ko yon ay pinatay ko na agad ang tawag.
Nandito nako sa loob ng cr nag ayos lang muna ako ng aking muka at umihi na din,nang matapos ay binalikan ko na si Matthew.
AN!
sorry if ngayun lang nakapag update huhuhuhu busy kase mag HUMSS💙
YOU ARE READING
"Unexpected you"
RomancePano kung isang araw ay may isang taong umamin sayo ng kanyang pag-ibig ngunit takot ka sa sasabihin ng ibang tao about sa inyong relasyon at may trauma ka sa mga lalaki? kaya secret relationship lang ang gusto mo?Halina't subay-bayan ang kwento ng...