Chapter 2:

311 10 0
                                    

Chapter 2.

Kyle pov.

Nang makarating sa University ay nag punta muna kami ni Alizah sa cafeteria dahil hinde pa kami nag aalmusal.

_____________

"Ako na ang bibili ng pag kain natin"sabi ko kay Alizah.

"Sige,isang sandwitch at isang orange juice sakin"masayang sabi nito.

"Bayad non?"mataray kong tanong sakanya.

"Ay kala ko libre! HAHAHA"sabi nya sabay tawa ng malakas.

Nang makuha ko na ang bayad nya ay dumiretso nako sa counter ng cafeteria.

Nandito nako sa harap ng counter nang biglang may sumingit.

"Two burgers and two coke please"sabi ng kung sino sa aking gilid.

"Nauna ako tapos may sisingit lang"pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka?"nag salita ulit yung lalaki na nasa gilid ko.

Lumingon ako sa gawi nya at nang akmang mag sasalita pako ay biglang umurong ang aking dila at nanlambot ang aking mga tuhod.

"I-ikaw" malakas kong sabi.

"Yeah ako nga"sabi nya.

"I'm Matthew btw"nakangisi nyang sabi,umalis na din sya nung makuha nya ang kanyang binili.

Nang makuha ko naman ang aking binili ay bumalik nako sa pwesto namin ni Alizah.

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo?"tanong nito saakin.

"Diba may nabangga ako kahapon......."pag bibitin ko sa kwento.

"Tapos?eto naman pabitin"sabi nya sabay kunot ng noo.

"Si Matthew pala yung nabangga ko kahapon diko nakilala tapos nakasabay ko pa kanina bumili ng pag kain nakakahiya"sabi ko sabay dukdok sa table.

"Yan nag presinta ka pa kase na ikaw na ang bibili"naka ngiti nyang sabi.

"Edi wow"mataray kong sabi kay Alizah.

____________

Nang matapos kami ay pumunta ako sa aking classroom dahil mamaya pa namang hapon ang practice namin ni Alizah ng chess.

Inaya ko muna si Alizah na tumambay sa aming classroom.

Nang nasa tapat na kami ay may sumalubong saakin.

"Uy pres hanap ka ni ma'am pumunta ka daw sa faculty"sabi sakin ng isa sa mga kaklase ko.

"Tara Alizah samahan moko"pag aya ko kay Alizah at sumunod naman sya saakin.

Habang kami ay nag lalakad may biglang humarang saamin.

"May nag papabigay po"sabi nung lalaki sabay abot ng milktea na matcha flavor.

"Kanino gali-?"tanong ko pero diko na natapos ng tumakbo sya palayo kaya kumunot ang aking noo.

Diko naman birthday,di din naman ako nag pabili,at baka may lason pa toh sabi ko sa aking isip.

Diko nalang inintindi kung kanino ito galing pero diko rin naman iinumin.

Nag patuloy na kami ni Alizah hanggang makarating na kami sa faculty.

Nang tuluyan nakong makapasok ay may isang lalaki na kausap si ma'am at ng lumingon silang parehas sa aking pwesto ay nakita ko ng maayos ang lalaki sya yung nakabangga ko sa hallway kahapon in short si Matthew.

"Oh you're here Kyle"naka ngiting sabi ni ma'am saakin na nginitian ko lang.

"Can you do me a favor?"sabi ulit ni ma'am.

"Sure po,ano po ba yon?"naka ngiti kong tugon kay ma'am.

"I know that your a smart kid and your running for magna cum laude so... ahmm can you tutor my son?"nahihiyang sabi ni ma'am saakin.

Nagulat nang sabihin nyang i tutor ko si Matthew pero mas nagulat ako ng sabihin nyang can you tutor my son.

"Ah.. eh...sure po ma'am"nahihiya kong sabi.

Nang matapos ang pag uusap namin ni ma'am ay lumabas nako.

"Oh ano sabi ni ma'am?"tanong ni Alizah.

Hinde ako nakasagot sakanya dahil paulit ulit na naaalala ko yung sinabi ni ma'am.

Can you tutor my son.

Can you tutor my son.

Can you tutor my son.

"Hoy Kyle ok ka lang?"sabi ni Alizah sabay hampas ng malakas kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Ah...oo ok l-lang ako"utal kong sabi.

"Sigurado ka?"tanong ulit.

Tinanguan ko nalang sya at nag lakad na kami pabalik sa room.






_____________________


AN!

Collaboration with EthanDeJesus2

"Unexpected you"Where stories live. Discover now