Chapter 9:

156 7 0
                                    


Kyle pov.

It's been almost a month of tutoring Matthew,and sa loob ng halos isang buwan na yon ay medyo naging close na kami,about sa aming laban sa chess ay malapit na yung mangyari and that moment is happening today.

Gumising ako ng maaga dahil sa sobrang excited,nang makagayak ay tinext ko agad si Alizah na daanan ako sa bahay para sabay nalang kaking pupunta sa university.

Nag suot nalang ako Cargo pants na kulay khaki at sa pang itaas naman ay plain white t-shirt tapos yung hoodie ni Matthew.

____________________

FLASHBACK..

Habang tinuturuan ko si Matthew ay bigla itong nag salita.

"Ahm malapit na yung laban nyo diba?"nahihiya nyang tanong,"ah eh pedeng isuot mo yung hoodie ko na nasayo?".

Nang masabi nya yon ay napatingin ako sakanya,namumula ang kanyang tenga at pisngi.

Inamin din sakin ni Matthew na hinde nya nililigawan si Angela,pinag-kakalat lang daw iyon dahil may gusto si Angela sakanya.

Kaya simula nung malaman ni Angela na alam ko na hinde talaga sya nililigawan ni Matthew,napapadala na ang pag init nya ng ulo nya saakin,ngunit kahit ganon ay diko nalang pinapatulan.

END OF FLASHBACK..

______________________

Nang makapag bihis ay inantay ko nalang si Alizah,habang nag iintay ay nanuod muna ako sa tiktok.

Maya-maya lang ay may kumakatok na sa pinto.

"Tara na teh"hingal na sabi nito,"meron nang tricycle sa labas."

Lumabaa na kami at sumakay na sa tricycle,ilang minuto lang ay nakarating na kami sa university.

Agad kaming dumiretso sa clubroom para kunin ang jersey na aming susuutin.

Nang makapag bihis ay Dumiretso na kami kung saan gaganapin laro.

Marami din ang tao dito na halos mapuno na,sa tingnko lahat ay magagaling para tuloy wala akong laban sa kanila.

Maya-maya lang ay nag salita na ang emcee na mag uumpisa na daw.

"Kaya natin toh"malakas naming sigaw ni Alizah.

Pumunta na kami sa mga kalaban namin at nag umpisa na,kailangang daw manalo ng tatlong beses para maging champion.

Sa unang laban ko ay nanalo ako,sa pangalawa ay nanalo din ako ngunit sa pangatlo kong laban ay medyo nahirapan ako,oo nahirapan ako parang nababasa nya kase ang bawat galaw ko,but at the end ako padin ang nag champion.

Maluha-luha akong lumapit sa gawi ni Alizah.

"A-ako yung champion"sabi ko kay Alizah,"diko to inaasahan."

"Deserve mo yan magaling ka."sabi ni Alizah sabay yakap saakin.

Hinahanap namin sa Matthee dahil ang sabi nya ay manunuod sya ngunit di namin sa mahanap dahil sa dami ng tao dito.


AN!!

heto na malapit nang umamin si Matthew,lalagyan ko din ito ng plot twist kaya stay tuned...🎀


"Unexpected you"Where stories live. Discover now