Chapter 4:

236 7 0
                                    


Kyle Pov.


Umalis na kami kasama si Alizah at hindi naman ako makatanggi kay Matthew dahil pumunta pa sya saamin kahit pagabi na.

Habang nag lalakad ako kasama ang dalawang ito, napansin ko na tingin ng tingin si Matthew sakin pero di ko nalang ito pinag tuonan ng pansin.

Nang makadating kami sa isang restaurant ay bigla akong hinila ni Alizah papunta sa cr at nag tanong sya.

"Hoy lalake, bakit nasa bahay mo si Matthew?" Tanong nya sakin

"Ha?? Ako?? Ehh ikaw nag bigay sakanya ng location ko" Sabi ko sa kanya. Hindi ko maintindihan 'tong dalawang to, sabi ni Matthew Tinanong nya, ngayon naman nag-tataka si Alizah kaya kung bakit nasa amin si Matthew ,napabuntong hininga nalang ako.

"Huh? Kailan ko sinabi yun?" Sabi sakin ni Alizah na mas lalong ikinagulo ng utak ko

"Diko alam sainyo,basta yun yung sabi nya sakin" Sabi ko sabay balik sa table kung nasaan si Matthew.

Nang makabalik kami ay biglang nag salita si Matthew.

"Ano gusto nyo?my treat"tanong nya saamin.

"Ah...eh...kahit ano nalang"nahihiya kong sabi.

"Don't be shy,tsaka minsan lang naman toh"naka ngising sabi ni Matthew.

"Sige na ikaw nalang ang pumili ng kakainin natin Matthew"sabi ko rito.

"Ah oky"maiksing sabi ni Matthew.

"Waiter"tawag ni Matthew.

Agad na lumapit sa gawi namin ang waiter"What's your order sir"sabi nya na malaki ang ngiti sa labi.

"Three carbonara and three desserts"sabi ni Matthew.

"Yun lang po ba sir?"tanong ng waiter.

"Yeah"maiksing sagot ni Matthew.

"Oky sir,wait nyo nalang po"nakangiting sabi ng waiter sabay alis.

Ilang minuto ang lumipas ay nabalot lang kaming tatlo ng nakakabinging katahimikan,kaya nag isip ako ng pede itanong kay Matthew para naman walang akward na mangyari sa pagitan naming tatlo.

"Ah...Matthew?"tawag ko sakanya.

"Hmmm?"sagot nito saakin.

"Ahm may naintidihan ka ba sa tinuro?"tanong ko kay Matthew.

"Yes i have learned a lot"nakangiti nyang sagot habang nakatitig saakin.

Kaya napangiti nalang din ako dahil sa sagot nya.

"Magaling din naman pala ako mag tutor,what if gawin ko yung sideline?"mahina kong sabi.

"May sinasabi ka?"tanong ni Matthew saakin,iniling ko nalang ang aking ulo.

Maya-maya lang ay dumating na ang inorder namin.

Halos kalahating oras lang ay natapos na kaming kumain.

Nang makapag pahinga ay lumabas na kami ng retaurant.

"Hatid ko na kayo"pag pepresinta ni Matthew.

"Ah..eh..n-nako wag na,n-nakakahiya na eh"nauutal kong sabi.

"Eh hayaan mo na ako naman nag aya dito"sabi nya saakin.

Kaya agad akong napatingin kay Alizah na mukang walang dalang pera.

"Ah sigi,magkalapit lang naman yung bahay namin ni Alizah"nahihiya kong sabi.

"Okyy,sakay na kayo"sabi ni Matthew sabay turo ng kotse nya.

Kaya agad kaming sumakay nasa likod si Alizah habang ako ay katabi ni Matthew sa harap pinalipat nya ako dito dahil pag nasa likod din daw ako ay mag mumuka daw syang driver.

Ilang minuto lang ay nakauwi na kami.

"Bye Matthew ingat"sabi ko.

"Yeah i will"sagot nya saakin,may sinabi pa sya diko alang narinig dahil sobrang hina.

Nang makaalis na si Matthew at Alizah ay pumasok nako sa loob.

Dumiretso muna ako sa kusina para uminom nang matapos ay nag toothbrush naman ako ng ngipin.

After non ay pumunta na ako agad sa kawarto ko at inihagis ko nalang ang aking katawan sa kama dahil sa sobrang pagod.

Nakadapa ako sa aking kama ng tumunog ang aking cellphone.

     Sean Matthew sent a message.

Matthew:Naka uwi nako and kita kits nalang bukas.

Nang mabasa ko iyon ay nag react nalang ako dahil hinde ko na kayang magreply kase inaantok na talaga ako.

Maya-maya nga lang ay dinalaw nako ng antok.

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Nagising ako ng mag alarm ang aking cellphone.

Kaya agad akong bumangon para kumain at mag bihis na.

Nang palabas nako ng bahay ay biglang tumawag si Matthew.

"Hello,Sunduin kita want mo?"tanong nito saakin.

"Nako wag na hehhehe nakakahiya na"sagot ko.

"Ow oky,mamaya nalang"sabi nya saakin sabay patay ng tawag.

________________

Nandito nako University ng i-text ko si Alizah.

"Teh nauna nako dito di na kita nadaanan,nakalimutan ko sorry libre nalang kita mamaya"text ko kay Alizah.

Nang ma send yon ay ibinalik ko na ang aking cellphone sa bulsa at pumunta nako sa club room.

Pag dating ko sa club room bumungad sakin si Kuya Nico na nag-aayos ng gamit.

"Kuya Nico, ang aga-aga ano ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Kuya Nico.

"May aasikasuhin kase ako,tsaka ikaw rin naman maaga" Sabi sakin ni Kuya Nico

"Hehe, trip ko lang para di na ako male-late at di kana magagalit" Sabi ko kay Kuya Nico kaya napatawa nalang kaming dalawa.

------------

AN!

yan nalang po muna hehe and collaaboration with EthanDeJesus2💙

"Unexpected you"Where stories live. Discover now