Hey guys insert natin si Philip Lee as Best friend of Shanti and a cousin of Lee Minho.Pero my konting twist hindi siya actor dito.Kaya Sabay natin alamin kung ano ang magiging role niya dito.
Enjoy reading guys....
>>>>>>>
Shanti's POV
" Don't you dare to move if you don't want to die!" Teka kilala ko ang boses na yan ah.
"Do think you can pull that trigger if I move? tanong ko sa lalaking nasa likuran ko.Alam ko at kilala ko kung sino siya.Iisang tao lang ang nagmamay-ari nang boses na yun.A masculine voice.Na kapag nag-e-english e napakalakas ng dating.Hindi nga ako nagkamali.I heard him chuckle to himself softly at kahit nakatalikod ako sa kanya alam kong napapa-iling siya.
"You're such unbelievable woman.Di ka parin nagbabago.Of course I can't. " Sabi niya habang binababa ang baril.Kinapa ko ang switch sa bandang kaliwa ko to turn on the lights.Nang lumiwanag na hinarap ko siya at kitang kita ko ang matamis niyang ngiti na lalong ikina-singkit ng singkit niyang mga mata.I don't want to spoil the moment so I smiled back to him.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit."I miss you so much".Halos one year din kasi na hindi kami nagkita.Kaya sobrang miss ko siya.
He hugs me back.Pero mas mahigpit pa kesa sa akin." I miss you too".Sabi niya habang hinihigpitan pa lalo ang pagkakayakap.Ako na ang unang bumitaw dahil pakiramdam ko kasi kakapusin ako ng hininga.Hindi nga ako mamamatay sa baril pero sa yakap niya siguradong tigok ako.
"Kailan ka pa dumating?Di ka man lang tumawag sakin,di sana sinundo kita."sabi ko sa kanya na hinaluan ko pa ng inis ang boses ko.
"I tried calling you but you didn't answer."
"so ikaw pala yung tumutawag sa akin kanina.Nawaglit din sa isipan ko na may tumawag pala.Nag fun run kasi ako kaya ayun nakalimutan ko e check."sabi ko habang nakangiti.
"Fun run!? Gulat at pagtataka ang nasa boses ng binata. "Kailan ka pa nagka interest na sumali sa fun run? Pinigilan kong bumunghalit ng tawa sa tinuran niya.Tiningnan ko siya habang nakataas ang isang kilay ko,na para bang nagtatanong na bakit wala na ba akong karapatang sumali sa fun run?Nakita kong kumunot ang noo niya at salubong ang mga kilay.Pinigilan ko ang tumawa ng malakas dahil siguradong mapipikon siya.Nginitian ko nalang siya at tumalikod sa kanya deri-deritso ako sa kusina para uminom ng tubig.Sabagay kahit sino naman ang sabihan nang ganon eh iisipin talaga na nag fun run ako.But this man,na nakasama ko na sa loob nang mahabang panahon at halos kilala na ang buo kong pagkatao eh di pa ma gets ano ang ibig kong sabihin?
"ah gets ko na!" Palatak niya na napapitik pa sa hangin.Ayun nagets niya rin.Sumunod siya sa akin sa kusina at binuksan ang ref. "So kamusta? Buti hindi ka nahuli". Sabi niya habang ini-inspection ang laman ng ref.
"Okay lang,nag-enjoy naman ako,buti nga di ako nahuli because someone save me".Bigla nalang ako napangiti na maalala ko ang lalaki kanina.Parang nakikita ko pa nga hanggang ngayon ang reaction niya at kung paano sumingkit ang mga mata niya sa galit.Kung paano mamula ang mukha niya dahil sa kasisigaw....."ouch!" Nasapo ko bigla ang noo ko dahil sa may tumamang malamig na bagay dito.Nang tingnan ko ice cube,Binato ako ng ice cube ng impakto nato.Binalingan ko siya at I throw him a deadly look.Pero nagulat ako sa expression ng mukha niya.Galit ba siya?Imbes na ako ang magalit siya pa ata ang galit ngayon. Nagtaka nalang ako sa pagbabago ng mood niya.May nasabi ba akong masama?Ano bang mali sa sinabi ko?Umiwas na siya nang tingin at tumalikod.Ibinulsa niya ang dalawa niyang kamay.Alam kong galit o naiinis siya dahil binubulsa niya ang mga yun.Ayaw niya kasing may nakakakita na kinukuyom niya ang kamao niya.Kaya alam kong galit siya. Naglakad na siya palabas ng kusina.Pero bago makalabas ay huminto siya.
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger
FanfictionMay dalawang tao ang paglalapitin ng tadhana. Si Lee Min ho isang sikat na actor sa bansang korea na makikilala ang isang babaeng estranghera na gugulo sa kanyang nananahimik na mundo.Papaano kaya niya pakakatiwalaan ang isang babaeng di man lang ka...
