Should I be happy that we're best friends or sad because that's all we will ever be?
Shanti's questions make me, ugh. In love ako? Babaeng nagugustuhan? Oo,in love ako at Meron akong babaeng gustong-gusto. Kaya lang sobra siyang nakakainis. Isa lang naman siyang MANHID! Oo manhid siya,di niya ba nararamdaman na may mga ibang ibig sabihin ang mga titig ko sa kanya? Or iba kinikilos ko pag anjan siya?
Hindi ko alam kong kailan nagsimulang magkagusto ako sa kanya. Siguro noong magsama kami sa trabaho or noong pinatanggal ko na ang salitang "kuya" pag tinatawag niya ako. Basta di ko alam. Ang alam ko lang ay may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Yung iba na ang kinikilos ko pag nasa tabi ko siya. Pero bakit ganon? Ang ibang kasamahan namin sa academy nakakapansin na may gusto ako sa kanya pero bakit siya di niya pansin yun?
Tumagilid ako at itinokod ang kamay ko sa ulo ko... At syempre makikita ako ang isang angel na natutulog. Parang siyang angel na ibinaba sa lupa. Napaka amo ng kanyang mukha na di mo aakalain na sa likod nun ay ang matapang at walang kinakatakutan na ugali. Ito ang babae di ko nakitaan ng kahinaan. Ayaw niya yung kinakaawaan siya. Kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa na di kailangan humingi ng tulong ng iba. Siya yung babaeng kahit nakangiti at nakatawa na ay mapapansin ko parin ang galit at poot na nakabalot sa kanyang pagkatao. Na kahit anong saya niya ay di parin umaabot sa kanyang mga mata ang saya. Pero kanina,iba ang nakikita ko ng ngumiti siya hangang sa kinukwento niya ang isang pangyayari na kanyang nasangkutan. Someone save her. Kung gaano niya bigkasin ang salitang yun ay ganon din ka tamis ng kanyang ngiti na umaabot pa ang kislat sa kanyang mga mata. Is she in love?
No hindi pwede. Kaya bago pa siya mag day dream binato ko siya ng ice cube. Naiinis ako. Ayoko ng pakiramdam na to..nagseselos ako. Ayaw ko ng may ibang lalaking nagpapasaya sa kanya. Gusto ko ako lang. Ako lang ang poprotekta sa kanya. Ako lang ang magliligtas sa kanya. Ako lang ang makakasama niya at ako lang ang magmamahal sa kanya. Oo, I'm in love with her. I'm in love with my best friend. Pero di ko alam kung paano ko sasabihin. Kung paano ko aaminin. Natatakot ako na baka magalit siya at masira ang pagkakaibigan namin. Ayaw kong umabot sa punto na iiwasan niya ako. Pero di ko na talaga kaya. Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sa kanya. At ngayon mukang malabong masabi ko pa dahil sa may iba ng may pumapapel sa buhay niya. Bakit Shanti di mo makita o maramdaman na may gusto ako sayo? Eto na ba ang pagkakataon ko para sagutin ang tanong mo kung sino ang gusto ko o na in love na ba ako? Pero bakit ganon naduduwag ako? Pagsinabi ko ba sayo may pag-asa ba na magustohan mo rin ako? Nakakainis ang daming tanong na di ko alam ang sagot.
Muli akong humiga. Nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. Tanaw ko ang mga nagkikislapang mga bituin. Sana ganyan din kakislap ang mga mata ni shanti kung sakaling masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. At huwag naman sana maging kasing dilim ng gabe ang mukha niya kung sakaling maipagtapat ko sakanya na mahal ko siya. At wag naman sana maging kasing lamig ng hangin ang pakikitungo niya sakin. Lord bigyan niyo po ako ng lakas ng loob na masabi ko sa kanya. Kayo na po bahala. Salamat po. Muli ko siyang tiningnan at laking gulat ko na nakadilat na ang mga mata niya at nakatitig sakin. "hindi ka pa rin ba tapos sa pagmumuni muni mo jan? Saang planeta kana nakarating? Kailangan bang sampalin kita para bumalik ka sa realidad. Ano ba kasi ang iniisip mo at ang lalim naman ata?" Tanong niya sakin pero nanatili pa rin akong nakatitig sa kanya. Yung pakiramdam na parang nastatwa ka.. Shit teka bakit naging ganito ako..
Pitik sa ilong ang nagpabalik sa systema ko.. Nagulat talaga ako na gising na pala siya di ko man lang naramdaman yun.. "magtapat ka nga sakin Philip" Nababasa na ba ni Shanti ang naiisip ko bakit tinatanong niya ako na magtapat sa kanya.. Eto na ba yun Lord ipagtatapat ko na ba? "hoy Philip aba..ano magtapat ka nga sakin,nagdadrug ka na noh?"
"what ako nagdadrugs?" Ayon nabalik na talaga ako sa sarili ko..wow grabe lutang na lutang pala talaga ako. At napagkamalan pakong nagdadrugs.
"okay kung di ka nagdadrugs bakit ganyan ka makatingin sakin. Para kang adik." Pag katapos niyang sabihin yun ay bumangon na siya at bumaba ng sasakyan. "hoy philip ano ba di kapa ba babangon jan? Giniginaw na ako..halika na uwi na tayo." Sigaw niya sabay pasok sa sasakyan. Mabilis na rin akong bumaba at pumunta sa driver seat at pumasok. I start the engine at umalis na kami. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. At nakakabingi na. So I need to break the silence. "Ahem,Shanti.."
"Hmmmm" sagot niya with a sleepy voice.
"natutulog kaba?" Hay naku mukha akong ewan. Natural nakita ko ngang nakapikit di ba malamang natutulog.
"hindi isipin mo na lang na nagsasalita ako habang nakapikit."
"tiningnan mo tong babaeng to sobrang pilosopo" sabi ko na kanya na sarcastic ang boses
"kung makatanong ka naman kasi. Teka nga pala bakit ba kanina ang lalim ng iniisip mo? Is there something bothering you?"
"Wala naman may mga bagay lang akong iniisip".
"like what?"
Binalingan ko siya at kinurot ang ilong.. Napaka kulit ang daming tanong. Siya ang taong di ka titigilan hangang sa di siya masatisfied sa mga isasagot mo.
"Ouch. Ano ba magkukwento kaba o magagalit nalang ako sayo? Isang taon ding hindi tayo nagkita o nagsama..i know my mga bagay na nangyari sayo. Now tell me. What's bothering you?
Hay naku,okay fine mapapalusot nalang ako. Hindi ko pa talaga kaya sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Maybe soon magkakalakas na ako ng loob.
"I was thinking kung doon na rin ako mag apply ng work sa KAH(Korean Agent House). Para magkasama tayo."
" Akala ko ba kasama na yun sa pag work mo sa KAH ang pagbabalik mo dito sa Korea?"
"Definitely not. Andito lang naman ako for you."
"For me? What do you mean for that?"
"I mean for you..magiging magpartner tayo sa mission mo."
" Ah,I see. So may plano ka talaga mag apply sa KAH?"
"Pinag-iisipan ko pa nga dba? Andito kana huwag ng maraming tanong." Huminto na ako sa tapat ng apartment niya.
"Hindi kaba matutulog dito?"
"Hindi na..dun nako sa hotel ko."
"Wow yaman hotel.."
"Alam mo Shanti you can have a hotel too. Bakit kaba nag tya tyaga dito sa apartment na to?"
"dito ako komportable. At isa pa may pinaggagastusan kasi ako. Sige na mag-iingat ka sa pag dadrive." Pagkasabi niya ay bumaba na siya at deri-deritsong pumasok sa apartment na tinutuluyan niya.
Nakarating na ako sa hotel ko. Mabilis akong nag-shower. Tumingin ako sa wall clock at 10 mins bago mag 12 midnight. I grab my phone at hinanap ang number ni Minho my cousin. Tinext ko siya na see you tomorrow. Pupunta kasi ako sa kanila I called tita his mother kanina and she's inviting me to have lunch tomorrow. Excited na rin ako makita sila ulit. After masend inoff ko na ang phone ko at natulog na rin.Goodnight everyone.
>>>>>
Hi guys pasensya na kayo sa update medjo natagalan..busy e..pagpasensyahan niyo na rin ang story l..first time ko to e..kaya medjo kinocompose pa ng maayos..pero thanks parin sa pagbabasa niyo...love you guys...
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger
FanfictionMay dalawang tao ang paglalapitin ng tadhana. Si Lee Min ho isang sikat na actor sa bansang korea na makikilala ang isang babaeng estranghera na gugulo sa kanyang nananahimik na mundo.Papaano kaya niya pakakatiwalaan ang isang babaeng di man lang ka...