Chapter 14

477 31 2
                                    

Haliya Monroe

"I adore you."

"Hoy! Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo. Sabi ko pahingi ng sunscreen!"

Nagulat nalang ako sa pagsigaw ni Abbi.

"Uhm, sorry."

"Anyare sa'yo beh?"

Hindi nalang ako sumagot at nag ayos nalang.

What happened at the beach earlier, was too sudden. I mean, I know Yoj really likes me. But, kapag siya na mismo ang nagsasabi, mapapaisip ka nalang kung totoo ba o hindi.

Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina.

It was too good to be true.

The two of us are dating and nothing's official yet.

Somehow, my gut tells me that it's gonna be fine.

Am I really just attracted to the girl?

Iniwaksi ko nalang sa isipan ko ang mga bagay na hindi ko kontrolado.

"Did something happen? Ang tahimik mo ah? May kinalaman ba 'yan sa halikan niyo kanina?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Abbi.

"Abbi!"

"What? It's not like I was restricted at the beach."

I mentally groaned. Medyo tanga ako, nakikita pa talaga ng best friend ko ang landiang naganap kanina. I just rolled my eyes at her.

"You were supposed to be roaming around."

"I was. Then I saw you two. Buti nga hindi na ako lumapit eh." Tukso niya pa.

Hay naku.

"Just come on. Nagugutom na ako."

"Beh, kakain mo lang sa lips ni Yoj kanina."

"Abbi!"

Tawa lang ng tawa ang bruha. Napailing nalang ako sa kagagahan ko at sa pagka chismosa nitong si Abbi. When we were done changing our clothes and freshening up, lumabas na rin kami sa villa na binigay ni Yoj sa amin.

I should tell Abbi that this resort is owned by Acero.

Malaki at maganda kasi ang villa. Kumpleto din ang mga gamit, kung gusto mong magluto, pwedeng pwede, and if you want to order food, then you can just call the restaurant.

"Hay! I could live here forever." Sabi pa ni Abbi, na napapalingon sa villa.

"May anim na araw pa."

"Yeah, but the days are too fast now. Hindi ko siya masyadong ma e-enjoy."

"Wow ha. Binenta mo na nga ako para dito eh."

Natawa lang siya. "Well, at least we'll get to experience Aces at its finest."

"Yeah, you should ask Yoj to give you lifetime pass here."

"Eh? Kaya niya 'yun?"

"Sila may ari nito neknok ka."

"Whaaaat?" Natawa ako sa reaksiyon niya, napahinto pa talaga siya sa paglalakad.

"Now you know."

"Hold up! Hindi mo sinabi! I could've asked one of the villas here."

"That's what you get when you don't communicate with me. Isa pa, hindi ka nagtanong."

"Unfair mo talaga Haliya!"

Yoj AceroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon