Chapter 13

720 23 2
                                    

UPDATE!

Dededicate ko kay Ate Alyloony para maramdaman niya na mas maraming sumusuporta sa kanya kaysa sa haters niya! Cheer up ate Aly!

__________________________________________

"Nina." Mahinang bulong ni Rui sa sarili.

Natatarantang lumapit ang secretary ni Rui sa harap niya upang magpaliwanag. "A-ano sir, si-sinabi ko pong hu-huwag siyang u-umakyat a-agad kasi b-baka may ginagawa kayo p-pero hindi talaga siya..."

Nakatitig lang si Rui kay Nina kaya wala siyang naririnig sa eksplanasyon ng secretary niya. Hindi niya alam kung anong iaakto niya sa harap nito dahil unang-una, wala siyang ideya kung bakit nandito si Nina; at pangalawa, wala talaga siyang gustong sabihin dito.

"Did you miss me?" Masayang tanong ni Nina kay Rui. Tumakbo ito panpalapit sa kanya at kumandong at yumakap sa kanya. "I miss you Rui." Sabay higpit ng yakap ni Nina. "Very much."

Napanganga ang secretary ni Rui sa inakto ni Nina at napatingin siya kay Milissell. Syempre, ang alam niya, engaged na si Milissell at si Rui. Nakita ng secretary ni Rui na nagulat din si Milissell sa ginawa ni Nina.

"Get off me." Mahina ngunit matalim na utos ni Rui kay Nina. Napasimangot na lang si Nina at umalis na ito sa kandungan ni Rui.

"What are you doing here?" Sa wakas, nakapag-isip na rin si Rui ng itatanong kay Nina.

"Of course you're the one I want to see first sa pagbabalik ko..."  sagot ni Nina.

"There's no reason for you to see me Nina." Malamig na sagot ni Rui. Mas dumilim ang mukha ni Nina at nagsisimula na siyang ma-irita.

Pinilit ngumiti ni Nina upang itago ang 'bitchiness' niya at nagsalita muli siya. "But Rui I know--"

"Stop it. We're over." Sagot ni Rui. Tumingin siya sa secretary niyang kanina pa nakayuko at nakatayo sa gilid. "Sige na Ms. Ortega you can leave." Utos niya dito.

Tumango ng napakaraming beses ang secretary niya at mabilis itong naglakad palabas ng opisina ni Rui.

I Got Engaged With A Stranger! {SHORT HIATUS}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon