Chapter 11

776 23 4
                                    

Super ikling update!

Waaaaaaaaah! patawarin niyo ako! Huhuhuhuhu. I can't post my new FF this time. Sa mga nag-pm po about sa new story ko, kung bakit hindi siya na-publish na sana ay last last week pa, sorry talaga. Ready to publish na siya. I have done 5 chapters already. Yung cover niya ay gawa na rin and posting na lang ang kulang. Kaya lang, medyo hesitant pa akong ipakita siya sa inyo. Baka kasi pag na-post ko na siya, mawala yung attention ko dito sa IGEWAS. I'm trying to avoid that kaya siguro ipopost ko yung new FF 10 chaps before IGEWAS' ending. Don't worry, my new story will be published this year I swear!

At bago pa mahuli ang lahat, eto, pambawi ko sa inyo guys!

--------------------------------------------------------------

"Akin na." Matalim na utos ni Milissell kay Michael. Nasa isang coffee shop sila ngayon sa tapat ng network building ni Michael. Magkatapatan ang upuan nila: si Michael sa kaliwa, si Milissell sa kanan. "Asan na, asan na yung singsing?" Napaparanoid nang tanong ni Milissell. "Hoy Michael, kausapin mo ako. Asan.na.yung.singsing!"

Ngumisi lang si Michael at umiling ng kaunti habang nakatingin sa menu ng coffee shop. Natatawa siya sa ekspresyon ni Milissell ngayon. Para kasing bata si Milissell na kinukulit ang kuya niyang bilhan siya ng laruan.

"HOY MR. LIN ASAN NA SABI EH!" Biglang hinablot ni Milissell ang menu na binabasa ni Michael at itinapon ito ng walang pag-aalinlangan. Napatingin si Michael sa naiirita nang si Milissell. Pero imbis na mainis ay mas lalo pa siyang napangiti sa ginawa nito.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?!" Naiinis na tanong ni Milissell. Napahilamos siya sa mukha niya at tumitig ng masama kay Michael. "Bwisit naman oh, nasan na ba kasi? 30 minutes na tayo dito! Ibigay mo na kasi para makaalis na tayo dito pareho!"

Itinukod ni Michael ang siko niya sa lamesa at isinandal ang baba niya sa kamay niya. Nag-lean siya ng konti at tumitig ng nakakaloko kay Milissell. "Eh pano kung wala sa akin?"

"EH NAGLOLOKOHAN PALA TAYO DITO EH!" Napasigaw na si Milissell na naging dahilan para pagtinginan sila ng mga tao sa coffee shop. Pero walang pakialam si Milissell, napuno na siya at pinipikon pa siya ng lalaking nasa harap niya. "LANGYA YAN MICHAEL BAKIT DI MO--"

"JOKE LANG ANO BA!" Pasigaw na sagot ni Michael na natatawa-tawa at may halong takot. Nilingon niya ang mga tao at nagbow siya ng paulit-ulit, senyales ng paghingi ng paumanhin.

"Huli na to Michael. Kapag hindi mo binigay yung singsing ipagsisigawan ko sa coffee shop na to na ikaw si Michael Lin!" Pananakot ni Milissell sa kanya.

I Got Engaged With A Stranger! {SHORT HIATUS}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon