Chapter 9: Perfect Day for Love

142 3 3
                                    

*RING* *RING* *RING* *RING*

Dismissal na.

"Guys wag niyo kalimutan, general practice bukas" sigaw ni Earl

Ayon. Last practice bukas.

Lakad mode papuntang 7 11.

"Hoy!"

Si Raymund.

Nakita niya si Abegail at ako.

"Abhie bakit ba ayaw mo pang sagutin si KM??"

Nagulantang ako sa sinabi niya.

"Pabayaan mo siya. Sasagutin niya din ako kapag tama na yung oras."

Tama yan Michail. Diplomatic answer. :D

Umalis na ang kumag.

Nakauwi na si Abegail at Jaycee.

Time to set my plans in motion. >:)

Tinakbo ko hanggang doon sa pupuntahan ko.

Pauwi na ako ang bigat ng dala ko.

Ano ba dala ko?

Mamaya malalaman niyo din. :D

Hephephep. Bawal ako dumaan sa harap ng bahay.

Bakod tayo, baka makita pa itong dala ko.

Nilagay ko doon sa likod.

Tapos bumalik ako sa harap ng gate at pumasok.

Ang shungak ko din no? Nandoon na sa loob lumabas pa.

Patay. May nakalimutan ako bilhin!

Yung bouquet ng flowers. Pssh. Shunangers talaga.

Anyway, nandito na ako sa bahay. Di na ako makakalabas.

Pagkakain pumunta agad ako sa kwarto.

Nagtulog-tulugan para hindi na mautusan. xD

Pero alas dose na hindi pa din makatulog.

Parang excited ako para bukas.

"Naghihintay lang ng date yun!"

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Chassey.

Sana lang tama ang desisyon ko. ^_^

Di ko namalayan nakatulog ako, pero tulog manok.

Nagising ako alas sais ng umaga.

"Oh ma, pa, saan kayo pupunta?"

"Sa kasal ni kuya Rey. Nakalimutan mo na ba anak?"

Ay oo nga pala. Buti pa si kuya Rey mag-aasawa na.

Pero ang bihis nina papa formal.

Naalala ko civil wedding pala ang mangyayari.

Baka malito po kayo. Hindi kami related ni kuya Rey. Family friend namin yan.

Alam naman nila na may practice at papapuntahin ko dito ang classmates ko.

"Wag mo lang kalimutan sunduin mamaya si Mimai at Andrew. Nasa school yun."

PATAY! Sira ang plano ko!!

Tsk tsk. Bahala na.

Umalis na sina Mama at Papa.

Mag-isa ako sa bahay.

Ay nandito pala tita ko.

Nasa kabailang bahay. 

Maya maya dumating sina Abegail.

Perfect LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon