“BIOCHEMISTRY is the study of chemistry of biologically----, ahhrgg! Ang sakit na ng ulo ko sa kaka-memorize ng lintik na chemistry na ‘to! Bakit kung bibili ba ako ng sabon sa tindahan, tini-test pa ang element at compound content ng sabon? Kakainis!” reklamo ni Yazmine.
Bukas na kasi ang kanyang Departmental Exam. Kailangan niyang mag-aral upang makapasa naman siya sa Science kahit minsan lang sa buhay niya. Hate pa naman niya ang subject na Science. ‘Nong elementary siya, paborito niya ang Science dahil simple lang naman kasi pa iyon. Ngayon na high school na siya, hindi na ma-carry ng utak niya dahil nagung mas malalim na ito.
“Huy!” napapitlag siya nang biglang bumukas ang pinto ng silid niya.
“Mama naman, bakit po ba kayo nanggugulat?” inis na wika niya. Humagikgik ito at nilapitan siya.
“Ikaw talagang bata ka napakanerbiyosa mo. Ano ba ‘yan at mukhang napakaseryoso mo ngayon?” tanong nito kasabay ng pagtapik nito ng kanyang balikat.
“Ma, may exam po ako bukas at nag-aaral po ako. Puwede niyo rin akong tulungan kung gusto niyo.”
Panandaliang pinag-isipan pa nito ang sinabi niya.
“Naku huwag na anak at baka dumugo pa ilong ko diyan. Kung Home Economics lang iyan puwede pa siguro.”
Tiningnan niya lang ito at ngumiti. Alam naman niya na sa HE lang eksperto ang kanyang ina. Guro kasi ito noon sa isang pribadong paaralan. Nag-resign nga lang ito nang mabuntis ito sa kanya. Ngayon isa na itong sekretarya ng kanilang barangay. Samantalang ang kanyang ama naman ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Nag-iisang anak lamang siya. Kaya ginagabayan pa siya lalo ng kanyang mga magulang. Ngayong nasa ikatlong taon na siya, lalo siyang nagsusumikap upang ipakita sa mga ito na pinahahalagahan niya mga pangaral nito sa kanya.
“O siya sige, maiwan na kita baka naiistorbo na kita. Pagkatapos mo, patayin mo ang ilaw at matulog kana para hindi ka antukin sa exam mo bukas.” paalala nito nang lumabas at isinara ang pinto ng kanyang silid.
Tumango na lamang siya. Sa isang oras na pagre-review, nakaramdam na siya ng antok at naghikab.
“Makatulog na nga.”
“HAY sa wakas! Natapos na din. Makakatulog na ako ng mahimbing mamayang gabi.” wika ni Natalya.
“Anong makakatulog eh, may checking of test papers pa tayo bukas. Mas nakakatakot kung malapit mo nang malaman ang score mo.” Nakasimangot wika naman ni Flordy.
Pabor siya sa sinabi ni Flordy. Natatakot din siya sa tuwing nagtse-tsek na sila ng kanilang test papers. Mas gugustuhin niyang hindi na malaman iyon kaysa sa ikabibigat ng kanyang loob dahil sa mababang marka. Kahit kasi nag-aaral pa siya, nawawalan siya ng tiwala sa sarili na baka mababa na naman ang marka niya.
“Alam niyo may nahalata ako kay Demi.” wika ng kaibigan niyang si Reia.
“Ano?” sabay-sabay na tanong nila.
“Paano ba naman kasi, nagtanong ako sa kanya kung ano ang formula ng area ng parallelogram, hindi niya ako sinagot. Nagkibit- balikat lang siya. Tapos nung si Kristine na ang nagtanong sa kanya, hala, mabilis pa sa alas-kuwatro ay sumagot agad. Nakaka-buwisit talaga.” reklamo nito.
“Alam mo, pinipili lang kasi niya ang kinakausap niya. Alam mo naman, mababa ang tingin niya sa ‘tin.” paliwanag ni Flordy.
“Na ano? Na mas bobo tayo sa kanya? Tapos matalino siya, at kapwa matalino lang niya ang binibigyan niya ng importansiya? Ganoon ba ‘yon?”
BINABASA MO ANG
The Sentinels Series (Book 1): Yazmine Montajes SWEET VENGEANCE [COMPLETED]
Teen FictionYazmine fell inlove for the first time during in her high school. She loved and trusted Thomas. Hindi niya akalaing niligawan lang pala siya nito para gawing panakip-butas sa ex-girlfriend nito. Ipinangako niyang itatayo niya ang sarili at hindi na...