CHAPTER 7

166 4 0
                                    

Years after….

 

                Abot tainga ang ngiti ni Yazmine nang sabihin sa kanya ni Mr. Armando Acelajardo ang CEO ng kumpanya kung saan siya nagtatrabaho. Ipo-promote siya nito bilang Officer in Charge ng ALD Group of Companies. ‘Di na kasi kaya nitong pamahalaan ang malaking kumpanya. Isa pa, wala itong mapagbilinan ng kumpanya dahil wala naman itong kapatid at divorced ito sa asawa nito. Ang anak naman nito ay hindi na nito mahagilap.

Siya lang kasi ang maasahan nito. Bilang Vice President ng kumpanya, marami na rin siyang nagawang mga successful na proposal at deal na lalo pang nagpalago sa kumpanya. Matagal na rin niyang pangarap na umabot pa sa mataas na posisyon. Kahit graduate siya ng First Honorable Mention sa high school at Cum laude sa college sa kursong BS Business Administration. Dugo’t pawis ang isinakripisyo niya para makamit ang pinapangarap na posisyon.

Nagkasakit kasi ang Ginoo at siya ang ipinalit dito. Wala namang may tumutol sa desisyon nito dahil halos lahat ng mga empliyado ay gusto rin siyang maging boss. Napakabait daw kasi niya at tinutulungan niya ang mga ito sa oras ng kagipitan.

Naku! Magiging proud nanaman sa akin sina Mama’t Papa!

Napahinto ang pagmumuni-muni niya nang may kumatok sa kanyang pinto.

“Pasok bukas ‘yan.” Sagot niya habang pinapaikot-ikot ang swivel chair.

“Ma’am, pinapatawag po kayo ulit ni Acelajardo. Pinapupunta niya po kayo sa office niya.” Ang sekretarya niyang si Jenyl.

“Okay Jen. Thank you.” Nakangiting tinanguan ang sekretarya.

Isasara na sana nito ang pinto ng opisina niya nang may sinabi pa ito. “By the way ma’am, congratulations po.”

“Thank you again.”

“SIR, pinapatawag niyo po daw ako?”

“Yes, Ms. Montajes. Please have a seat.”

“Thank you.”

“Alam mo Yazmine, magaan na ang pakiramdam ko na ikaw na ang hahawak ng kumpanya ko.” Nakangiting sabi nito sa kanya. “At ikaw lang inaasahan ko. Napakagaling mong businesswoman. Napakabata mo pa para makamit ang posisyong inilahad ko sayo. At parang anak na rin ang turing ko sa’yo.”

“Kayo naman po, huwag niyo naman akong purihin ng ganyan baka lumaki ulo ko.” Tumawa siya.

Tumawa rin ang matanda. “Well, alam kong hindi mangyayari ‘yon dahil hindi ganoon ang pagkakilala ko sa iyo. Kahit ano pa ang narating mo, you stayed humble as you are.”

Nginitian niya lamang ito.

“Yazmine, matanong ko lang.”

“Ano po ‘yon?”

“May boyfriend ka na ba?”

“Naku wala po. At wala pa po akong planong magka-lovelife.”

“But why? You’re in the right age now. Hindi mo dapat nilululong ang sarili mo sa puro lang trabaho. Hindi naman siguro guguho ang kumpanya kung makikipag-date ka kahit minsan lang. At hindi pa kita nakikitang may kasamang lalaki.”

“Sir, tino-tolerate mo ba ako?”

“Why not? Isa pa you’re already twenty-five. Hindi ka na makakabalik sa pagkabata, Yazmine.”

“Naku naman po, pareho po kayo ng mga magulang ko. Ang pag-aasawa ko na ang binabantayan.”

Humalakhak ito. “Siguro pareho lang naming gusto ng mga magulang mo na may mag-aaruga sa’yo kung wala na kami.”

The Sentinels Series (Book 1):  Yazmine Montajes SWEET VENGEANCE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon