CHAPTER 4

160 4 0
                                    

BIYERNES, alas-sais ng umaga ay nagising na si Yazmine. Kahit pilit niyang matulog ulit ay hindi na napapawi and diwa niya.

“Ano ba ‘yan? Gabi na ako natulog kagabi ah. Bakit hindi na ako makatulog?” nagtalukbong siya ng kumot nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello? Sino ‘to?” walang gana niyang sagot.

“Hey its me, Tom. Nagising ba kita?”

Narinig niyang tumawa ito. Kahit hindi niya ito nakikita at naririnig niya lang ang tawa nito sa cellphone niya, para paring musika ang boses nito sa kanyang pandinig.

“Hindi naman. Gising na ako nang tumawag ka. At matutulog ako ulit. Babye!”

“Teka huwag mo muna ibaba. May sasabihin pa ako.”

“Ano? Matutulog pa ako eh.”

“Mamaya ka na matulog. Maligo ka o maghilamos ka na lang muna. Nandito ako sa labas ng bahay niyo.”

“Ha?” Tiningnan niya sa bintana kung nasa labas nga ng bahay nila ito. Nandyan nga ang binata. Nakasandal ito sa kotse nito. Kanina pa siguro iyon nakatingin sa direksyon ng bintana ng kuwarto niya dahil pagdungaw niya ay ngumiti ito at kumaway.

“Walang hiya ka talaga, Tomas!”

“Mamaya mo na ako awayin. Dali bilisan mo na, hihintayin kita dito sa labas.”

Pagkatapos ‘nun ay pinatay niya na ang cellphone at nagtungo sa banyo. Pagkabihis ay iniligpit niya na ang kanyang gamit. Simpleng T-shirt at naka-pajama ang kanyang suot at naka tsinelas. Wala ang kanyang ina sa bahay nila dahil pumunta ito sa reunion party ng pamilya nila sa Laguna at doon na natulog ito. Alam na nito na aalis siya kasama si Tom dahil ang binata mismo ang nagpaalam dito.

Siniguro niyang patay lahat ang mga appliances sa kanilang bahay at lumabas na ng main door at ini-lock iyon.

“Good morning.” Bati nito sa kanya at kinuha ang dala niyang bag. Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan.

“Teka saan tayo pupunta?”

“It’s a surprise.” Ngumiti ito. “Dadaan tayo sa Grocery store. Bibili tayo ng kakainin habang nasa biyahe tayo baka isipin mong kuripot ako.” Tumawa ito.

“Bahala ka na nga. Pwede ba akong maidlip kahit sandali lang?”

“Sure.”

Biglang dumukwang ito. Nataranta siya. His body was slanted above her. Lumakas ang tibok ng kanyang puso.

“Ano’ng ginaga—“

“Easy.” Sumilay ang pilyong ngiti nito. “Ire-recline ko lang ang upuan para maging komportable ka.”

Ganoon naman pala Yazmine. Ang dumi na talaga ng utak mo. Ipalinis mo na nga iyan. Naku!

“S-salamat.”

Ngumiti lamang ito. Pinaharurot na nito ang sasakyan.

NAALIMPUNGATAN si Yazmine. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.

“Gising ka na pala. Heto kainin mo muna. Malapit na naman tayo.” Tinanggap niya ang burger at bottled softdrinks. Dumaan nga siguro ito sa Grocery store habang tulog pa siya.

“Nakatulog ka ba nang maayos?”

“O-oo.” Dumungaw siya sa bintana ng sasakyan. Mga hills ang nakikita niya. Napabaling siya sa kanyang relo. Alas-diyes ng umaga. Ibig-sabihin,  apat na oras na ito nagda-drive.

The Sentinels Series (Book 1):  Yazmine Montajes SWEET VENGEANCE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon