CHAPTER 10

247 5 0
                                    

HINDI mapakali si Yazmine sa kanyang kinauupuan habang nagsasa-sight seeing sa malaking glass wall ng kanyang opisina. Noong una, nakakapagpagaan ito sa pakiramdam niya. Ngayon ay parang hindi nababawasan ang bigat sa dibdib niya.

Kahit iniisip niya na tama ang ginawa niyang pagganti kay Tom, nakokonsensya pa rin siya. Naaawa siya para dito.

“Ano ba ‘tong nagyayari sa’kin?”

You’re inlove with him, Yazmine. Sigaw ng kanyang isip.

Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. Talagang inlove siya sa lalaking iyon. Hindi niya kayang ipagkait iyon sa sarili niya. Kung magkalapit silang dalawa, hindi niya mapigilan ang tibok ng kanyang puso. Nanginginig siya kung malapit sa kanya ang presenya nito.

Nabulabog ang pagmumuni-muni niya sa ingay na nagmumula sa labas ng kanyang opisina. Boses ito ng nagwawalang babae Lumabas siya para tingnan kung ano ang nagyayari.

Laking gulat niya kung sino ang pinagmumulan ng gulo. Si Joy, ang anak ni Sir Armando niya. Biglang tumaas ang tension nang makita siya nito.

“You bitch!”

Nahawakan nito ang buhok niya. Mabuti na lang at medyo makapal ang buhok niya kaya bahagya lang ang naramdaman niyang sakit. Buong lakas niyang itinulak ito nang gaganti sana ito ay nahawakan niya ang mga kamay nito. Mabuti na lang at hindi masyadong malakas si Joy kaya nakayanan niyang iilag ang mga kamay nito na nagbabadya sanang hilahin ang kanyang buhok. Nahila ito ng security guard na biglang rumispunde sa gulo.

“Bitiwan niyo ako! Hindi niyo ba ako kilala? Ako ang anak ni Armando Acelajardo!”

Nagkatinginan ang mga empleyado.

“Bitiwan niyo siya.” Utos niya. Binitiwan rin naman ito ng mga security guard pero nakaantabay pa rin ito.

“Walang hiya ka! Ang lakas ng loob mong maging CEO ng kumpanya, hindi mo naman kaanu-ano ang ama ko! Pati ang kaisa-isang lalaki sa buhay ko ay inagaw mo!”

“Wala akong inagaw sa’yo. Kaya huwag na huwag mo akong susumbatan!” Dinuro pa niya ito. Alam niya kung sino ang tinutukoy nitong lalaki na inagaw daw niya. “Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan ang buhay mo! Kung nagkaroon ka lang sana ng malasakit sa ama mo, di sana ikaw ang nakaupo sa posisyon ko.”

“Nilason mo ang utak ng Daddy ko! Basta may oportunidad sinusungaban mo na alam mo namang hindi para sa’yo.”

Napapikit siya. “Hindi ko nilason ang utak ng Daddy mo. Pinaghirapan ko ang posisyon kong ito. Wala kang alam! Dahil pera lang nasa utak mo!”

“Sinungaling! Hindi ka pa nakontento, pati si Tom ay kinuha mo sa’kin!”

“Talaga? Naagaw ko siya sa’yo? Hindi ko na kasalanan kung walang may nagmamahal sa’yo dahil saksakan ng sama ang ugali mo!”

“Bruha ka! May araw ka rin.”

“Sige! Pagbantaan mo ako. Wala ka nang mababawi sa’kin! Hala, ilabas niyo na ‘yan dito bago pang may masaktang iba.” Bumaling siya sa mga ibang tauhan niya. “Bumalik na kayo sa trabaho niyo. Wala nang istorbo.” Isinuklay niya ang daliri niya sa kanyang nagulong buhok. Napaupo siya sa mesa ng kanyang sekretarya.

Lumapit ang ibang empleyado niya sa kanya lalo na ang kanyang sekretaryang si Jenyl.

“Grabe ma’am, ang galing niyong magbanatan. Hindi nakapagsalita ang babae. Totoo po bang anak siya ni Sir Armando?”

Napatingin siya dito. Ang ibang empleyado naman niya ay tila interisado rin sa isasagot niya.

“Oo. Siya ang pabayang anak ni Sir Armando.”

The Sentinels Series (Book 1):  Yazmine Montajes SWEET VENGEANCE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon