Chapter 41

1.2M 24.7K 11.3K
                                    

Chapter 41

-Alys-

Wow. Parang ang saya lang natin kahapon, Drake? Ano'ng nangyari?

Sorry, hindi ko naman gustong maging mausisa pero pwedeng magtanong? Bakit... mo kayakap si Shaira? Gusto kong itanong yun sa kanya pero pano? Kanina nga hindi man lang siya tumigil para kausapin ako. Ni wala din akong number niya.

Napaupo na lang ulit ako sa swing. Bakit palagi na lang may hindi magandang nangyayari pag pumupunta ako sa swing na 'to? May sumpa ba 'to?

-flashback-

"Kanina ka pa ngiti ng ngiti jan," sabi sa akin ni Aya. Nandito kasi kami ngayon sa amin kasi weekend pa din naman tsaka hinihintay ko pa din si Tripp. Kainis! Imbes na nagpapahinga ako ngayon, napilit pa akong pumuntang QC! Ang layo kaya...

Ngumiti lang ako tapos tinignan ko yung phone ko kasi nag vibrate siya. Syempre hindi si Drake yun kasi wala naman akong number ni Drake. Huhuhu. Ako lang ba o talagang abnormal yung relationship namin??

From: Tripp

Papunta na ko. San ka na?

=_______=

To: Tripp

Hindi ako sasakay sa motor mo, fyi!!

Bigla akong sinundot ni Aya sa gilid, "ayie!! Grabe, besh! Improving. Halos mabutas na yang keypad ng BB mo ah. Si Drake ba yung katext mo??"

Napabuntong hininga na lang ako. Sana nga kasi si Drake yung katext ko eh!! Eh hindi naman, si Tripp kasi napakakulit! Kung hindi niya lang ako binlackmail, asa pa siya to the moon na sasamahan ko siya sa QC! Nasa Makati ako tapos mapupunta ako sa QC? Are you kidding me?? Isama mo pa na may pasok na naman ako bukas. Huhuhu. Bakit kasi may 7 am class ako? 

"Hindi no," sabi ko tapos nireplyan ko si Tripp ng hanggang 3 pm lang ako. May practical test kasi kami bukas kailangan kong magpractice!

Binaba ko na yung BB ko tapos tumingin na ko kay Aya. Huhuhu. Grabe namiss ko si Besh! One week din kaming hindi nagkita ah! To think na magkatabi lang yung school namin pero hindi ako makahanap ng time makapuslit papuntang Brent. Hectic kasi ng schedule ko, 2 year course lang kasi yung Culinary kaya busy forever ako.

"Kamusta sa SCA?"

Nagshrug lang si Besh, "okay lang..."

"Okay lang?"

Huminga siya ng malalim tapos... "Huhuhu, besh ayoko na dun!! Ang talino ng mga tao, nahihirapan akong sumabay!" sabi niya tapos niyakap niya ako. Tsk. Akala ko ako lang ang nahihirapan, nahihirapan din pala 'tong abnormal kong best friend.

Hinahagod ko yung likod niya tapos sinabi ko, "bakit? Mahirap ba yung inaaral mo?"

Tumango siya, "akala ko madali lang kasi clothing technology lang naman pero huhuhu, first week pa lang, pinagpapasa na kami ng portfolio na due next week!!" sabi niya tapos kinuha niya yung orange juice sa table at mabilis na ininom.

Hinawakan ko yung dalawa niyang kamay, "kaya mo yan, Besh!"

Umiling siya, "hindi ko na kaya!!"

"Hindi ba sabi mo gusto mong maging kagaya ni mommy?" sabi ko sa kanya, pinaalala ko sa kanya yung weirdo niyang pangarap na maging fashion designer kagaya ng PMS kong nanay.

Napa-sigh na lang din siya, "sino ba naman kasi ang mag aakala na mahirap pa lang maging designer?? Akala ko mejo drawing here and there lang!"

Natatawa na lang ako sa frustrations ni Aya. Akala niya lang madali. Hahaha! Kung madali yun, eh di sana hindi laging bad trip si mommy pag umuuwi galing boutique.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon