Chapter 43

1.1M 24.5K 13.4K
                                    

Chapter 43

Ilang linggo na  ba yung nakalipas nung huli naming kita ni Drake? Dalawa yata. Hindi ko naman akalain na dadating din pala yung panahon na mapapagod akong magpunta sa condo niya. Akalain mo yun? Masakit din pala sa mata na ikaw na yung nag effort pumunta dun, ikaw pa yung maiiyak kasi makikita mo na kasama niya lagi si Shaira. 

"Yo. May pasok ka?" tanong sa'kin ni new found best friend na si Tripp. Lagi kaming magkasama, halos pwede niya ng palitan si Aya sa buhay ko. =___=

Umiling ako kasi kakatapos lang namang ng class ko. Nakakapagod pero masaya! Passion ko kaya ang magluto! Minsan nga si Tripp ginagawa kong guinea pig eh. Hahaha. Tiga tikim ng luto ko. Buti nga hindi nagrereklamo eh.

"Punta tayo sa SCA. Sem-starter nila ngayon," sabi niya sa'kin. Oo nga pala, may sem-starter sa SCA. Tapos na kasi yung sa'min. May party sa school tapos open for outsiders. Pinapunta ko lang si Aya, Sheen, at Kent. Si Drake? Bahala siya sa buhay niya!!

Umiling ako, "ayoko nga. Punta ka kung gusto mo."

"KJ naman nito. Tara na kasi."

"Napakakulit. Ayoko nga."

Nagpangalumbaba siya sa table kasi nasa lib kami. Alam niyo na, feeling studious mode. Hahaha! "Grabe ha. Akala ko ba friends forever na tayo?"

Tignan mo 'to! Mangongonsensya na naman! Talent niya talaga 'to eh, no?!

"Di na uubra. Nagamit mo na sa'kin yan."

"Tss. Tara na kasi, Zyril. Wala ka namang klase eh. Daming booths dun oh!"

"Aish. Hindi mo talaga ako titigilan, no?"

Ngumiti siya. Jusko. Kaya madaming umaaway sa akin dito eh, masyadong nakakamatay mga ngiti nitong Marco na 'to!! "Ano pa nga ba? Napakakulit mo lang talaga!" sabi ko tapos pumayag na ako at inayos ko yung mga gamit ko.

Since walking distance lang talaga yung SCA mula sa Brent, naglakad na lang kami ni Tripp after niya akong samahan na ilagay ko yung mga gamit sa locker niya. Oo, sa locker niya. Leshe kasi yung mga babae dito!! Akalain mong lagyan ng patay na daga yung locker ko?! Ang baho tuloy! Hindi natinatablan ng Lysol! Buti nablackmail ko si Tripp na magshare kami sa locker niya. Bwahaha. Nakakalibre tuloy ako ng chocolates kasi nangunguha ako sa locker niya. Dami kasing admirer nito, madaming supply ng chocolate. *u*

Pumasok na kami sa SCA. Huhuhu. My dream school

Naglakad kami papunta sa main place ng carnival. Yieee. Kinwentuhan ako ni mommy sabi niya nung nag aaral sila ni daddy dito, nagpakasal sila sa wedding booth. Kainis!! Kung okay sana kami ni Drake ngayon, sana hahatakin ko siyang magpakasal whether he likes it or not!

"Uy, Tripp," sabi ko tapos napatingin ako sa kaliwa ko pero wala naman akong katabi!! Inikot ko yung paningin ko bwisit bumibili ng cotton candy ang loko!! "Bwisit na 'to, iniwan mo ko!!"

"Tinawag kaya kita. Busy ka kasi sa pagddaydream. Gusto mo?" sabi niya sa'kin sabay offer nung pink colored na cotton candy na nasa stick. I want!! *O*

Kukunin ko siya pero kinain niya!! "Bumili ka. Hahaha!"

"Badtrip ka talaga!!" sabi ko tapos naglabas ako ng pera tapos bumili. Eto natutunan ko sa one month na friendship namin ng lalaking 'to. Magdadala ka dapat lagi ng pera. Huhuhu. Nung minsan wala akong pera, nagutom talaga ako. Ayaw kasi akong ilibre, mayaman na daw ako. Bwisit na dahilan yan!

Nakabili na ako ng purple colored cotton candy tapos naglakad kami palibot sa Fair. In all fairness, ang ganda ng fair! May mga rides, booths, games, may concert din. Dapat ganito din sa Brent. Bakit ba mas trip ng mga tao dun yung party? Tss. Palibasa puro maarte at pa-gwapo mga tao dun eh!!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon