Chapter 53
Nagshrug si Tripp. "Maybe she won't break mine," sabi ni Tripp kay Drake tapos nagsmile siya. Tumingin siya sa akin at hinatak niya ako palayo.
Bakit naiiyak na naman ako? Ginusto ko naman 'to... yata. Ako naman yung nagsabi sa kanya na napapagod na ako, di ba? Bakit ako umiiyak? Minsan talaga, hindi ko maintindihan yung sarili ko.
Kanina pa ako hinahatak ni Tripp, hindi ko na lang pinapansin kung saan niya ba ako dadalin. Masyado akong nadala dun sa sinabi ni Drake.
'She likes breaking hearts?'
Bakit? Ano bang alam niya? Alam ba niya kung ilang beses niya akong pinaiyak? Wala nga siyang clue eh!
"Oh," sabi ni Tripp. Nakayuko ako kaya ang nakita ko lang ay yung kamay niya na nag ooffer sa akin ng panyo. "Kanina ka pa iyak ng iyak jan. Akala ko ba pagod ka na kay Drake? Bakit ka umiiyak?"
Nagssniff ako. "Kasi... hindi ko din alam," sabi ko sa kanya. Ayaw ko namang sabihin yung totoo na nasaktan ako kasi naman syempre ano ba ang dapat kong mafeel? Matuwa kasi ganun na yung trato sa akin ng taong mahal ko? Tsaka isa pa... sobrang galit ni Drake sa akin. Napansin ko yun eh. Iba na...
"Tsk," sabi niya tapos kinuha niya yung panyo sa kamay ko at siya yung nagpunas ng luha ko. "Wag mo na kasi siyang iyakan. Nandito na nga ako eh."
Nagsmile ako sa kanya. "Kaya nga eh, thanks, Tripp."
Pinat niya yung ulo ko. "Wala yun. Haaay. San mo gustong pumunta? Lilibre kita," sabi niya.
"Ililibre mo ako?!"
Nagkamot siya sa batok niya. "Oo nga. Ang kulit lang?"
"Kasi minsan ka lang kaya manlibre!!"
Napangiti siya sa akin. "Yan, ngumiti ka din. Libre lang pala katapat mo. Ang cheap mo, ha."
"Tss. Kapal ng mukha nito. Ikaw nga kuripot eh!!"
Nagshrug na lang siya tapos nagsimulang maglakad. Sumunod ako sa kanya habang pinupunasan yung luha ko. Grabe, napansin ko lang, ilang beses na ba ako umiyak ngayong month? Hindi ko na maalala. Sobrang dami yata. Quota na ako. Pero hindi ko din naman kayang sisihin si Drake. Kahit na ganito siya sa akin, hindi ko kayang sisihin eh. Ganun yata talaga ako.
Pumasok si Tripp sa isang coffee shop. Seryoso? Sa tirik ng araw ngayon, coffee shop pa trip ni Tripp?!
Naupo siya sa tabi ng window like a boss.
"Ano? Order na. Minsan lang ako manlibre, sulitin mo na," sabi niya with matching naka de kwatro pa siya. Ayyy, feel at home lang dito sa coffee shop?!
"Aish. Kainis," sabi ko na lang tapos tinignan ko yung menu na binigay nung waitress. Umorder ako nung nakita kong pinakamahal. Mehehe. Minsan lang ito, dapat sulitin!!
BINABASA MO ANG
Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)
Teen Fiction"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase, bigo sa pag-ibig, at may malaki siyang problema. Kasi naman, pumayag siyang gawin ang isang bagay n...