Chapter 35
"Miss Alys, pinapababa po kayo ng mommy niyo.."
Tumayo ako sa kama ko. Bakit kaya ako pinapababa ni mommy?
Habang naglalakad ako, kinakabahan ako. Ang seryoso ng mukha ni mommy.. pati ni daddy!! Hala! Minsan lang yung serious face ni daddy. Ano kaya ang ginawa kong masama? T^T
"M-mommy?"
"Sit."
*gulp*
Naupo ako sa sofa.
Ano bang ginawa ko??
"What do you want to happen, Alys?" tanong ni mommy.
"Ano po?"
Mukhang nagpipigil ng inis si mommy kaya hinawakan siya ni daddy sa balikat, "kalma lang, beb. Ako na nga ang kakausap dito."
Umalis si mommy at pumunta sa kusina. Kukuha siguro ng inumin. Hina highblood si mommy hala!!
"Daddy?"
Bumuntong hininga din si daddy. ANO BA ANG GINAWA KONG MALI PARA MAGBUNTONG HININGA SILA??
Naglakad si daddy papunta sa grand piano tapos may kinuha siyang envelope.
"Ano po to?"
"Notification letter mula St. Claire's. Hindi ka nakapasa.."
"Alam ko po.." sabi ko kay Daddy. Bakit pa ba ako magsisinungaling? Half expected ko na din naman na hindi ako papasa. Halos wala akong nasagutan sa exam eh..
"Ano ngayon ang gagawin natin? Halos magmakaawa na ako sa mommy mo kagabi kasi muntik na yung magpareserve ng ticket mo."
O________O
SERYOSO NGA SI MOMMY??
"P-papadala niyo nga ako kila Nana?"
"Kasi naman, Alys. Tignan mo, pinabayaan ka lang namin kahit tagilid ang grades mo mula high school ka kasi sabi mo gusto mong mag regular school. Mas okay ka naman nung home schooling ka pa. Pero dahil gusto mo ng school, pinabayaan ka namin ng mommy mo. Ang gusto lang naman namin, maayos na grades. Sinagad mo na yung pasensya ng mommy mo eh.."
Hindi ko napigilan, nangingilid na yung luha ko, "daddy naman.. wag niyo naman akong ipadala sa States oh.."
"Kausapin mo ang mommy mo," sabi ni daddy. Huhuhu. Pano ko kakausapin si mommy?? "Takutin mo, sabihin mo lalayas ka."
O________O
"Sabihin mo din isasama mo ako para dun na tayo sa States ni Dane tapos sabihin mo maiwan siya mag isa dito. Takutin mo lang yun, papayag na yun."
"Talaga??"
"Oo, bilis bilis. Sabihin mo na din pauuwiin na si Dane. Ha?"
"Sige sige!"
Kaya mahal na mahal ko si daddy eh!!
Nagpunta ako sa kitchen kasi nandun pa din si mommy.
*gulp*
"Mommy.."
Tinignan lang ako ni mommy pero parang gusto ko nang tumakbo paalis. Bakit naman kasi ganito to tumingin??
"S-sa Brent na lang po ako mag eenroll.."
"No. I already filed your application in NYU."
"Mommy naman!!"
"Don't mommy me, Alys! I told you a million times before that i'll ship you to the States once you failed your entrance exam in SCA."
"Mahirap naman po kasi eh.."
BINABASA MO ANG
Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)
Novela Juvenil"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase, bigo sa pag-ibig, at may malaki siyang problema. Kasi naman, pumayag siyang gawin ang isang bagay n...