Chapter 52
"Uy!"
Napatingin ako, kasama ko pala si Tripp ngayon. "Hmmm?"
Nahiga siya sa damuhan. May school anniversary ngayon kaya irregular class buong Brent for one week. Nandito kami sa freedom park. "Kanina pa kaya ako nagsasalita dito, hindi ka naman nakikinig."
"Sorry, may iniisip lang kasi ako."
"Sino? Pinsan ko?"
Napatingin na naman ako sa kanya. Bakit ba alam niya yung mga iniisip ko? "H-ha? Ah, oo eh..." pag-amin ko. Paano ba naman hindi ako magiging distracted? Ang grabe naman kasi nung tanong sa akin ni Drake nung isang gabi! Tignan mo, ilang gabi na pala yung nakalipas pero yung epekto ng tanong niya sa akin, ganun pa din.
-flashback-
"H-ha?" tanong ko kay Drake. Grabe naman siya! Hindi ko naman kasi talaga sinasadya na maghintay siya ng 7 hours eh!! Tsaka grabe naman yung 7 hours! Bakit hindi muna siya pumasok sa loob? Alam niya naman yung passcode. As if naman pagbibintangan ko siya ng magnanakaw pag pumasok siya. Tsk.
Lumapit siya sa akin. Omo. Wag!!
"I said, do you still feel the same for me... or have you forgotten how it feels to be in love with me?"
O___________O
"H-ha?"
Lord, puro 'ha' na lang po yung nasasabi ko! Napapa speechless naman po kasi ako sa mga sinasabi ng lalaking 'to eh!!
Naramdaman ko yung pinto sa likod ko. Omo.Trapped ba ako?!
Nung hindi na ako makaatras pa, salamat talaga sa pinto, nilagay niya yung both hands niya sa pagitan ng ulo ko at yumuko para magkapantay yung mukha namin. Oh, Lord. Masyado pong tempting ang tao sa harapan ko. Help me!!
"Alys Zyril, I have all the time in the world. Are you going to answer my question or not?"
*gulp*
"A-ano kasi, D-drake..."
"What?" sabi niya. Jusko~~ Ang bango ng breath niya. Amoy menthol~~~
Medyo yumuko ako kasi I swear, konting lapit pa, magkikiss na naman kami.
"Syempre naman mahal pa din kita, pero pagod na din kasi ako. Alam mo yun?" sabi ko. Gusto kong maging honest sa kanya. Deserve niya naman yun. Hindi naman porket nagbreaak kami, lolokohin ko siya. Hindi naman ako pinalaki ng ganun. Isa pa, ayokong manakit ng lalaki. Alam ko kasi na masakit yun, nasasaktan din kasi ako nung nakita ko si Dane umiyak. Ayoko makakita ng ganun eh.
Binaba niya yung kamay niya tapos natawa siya, yung tawa na parang sarcastic? Parang ganun eh...
"Is it Tripp?"
"H-ha?"
Tinignan niya ako. Natatakot ako, para kasing galit siya. Ayokong nakikitang galit siya Drake...
"H-hindi, Drake. Magkaibigan lang kami ni Tripp. I told you, mahal kita, okay? Ayoko na lang talaga. Yun yung reason ko, Drake. Napagod na ako sa'yo."
Pagkasabing pagkasabi ko ng 'napagod na ako sa'yo,' napatingin siya sa gilid niya. Kinagat niya yung labi niya tapos parang nagpipigil siyang umiyak.
Lumapit ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay niya. "Hala, Drake..."
Hinawi niya yung kamay ko mula sa mukha niya. Ano ba tong ginawa ko? Ginalit ko ba si Drake? Hala!!
"One last time, Alys. Do you still want me or what? I'm not the most patient person in the world. If you say you don't want me, I'll quit on you."
"D-drake..."
"Tss," sabi niya tapos tumalikod siya. "Forget it. You know what? I really love you, Alys. But like you, napapagod din ako."
Nagsimula na siyang maglakad. Palayo sa akin. What have I done?!!
-present-
Kinuha ni Tripp yung camera niya mula sa bag niya tapos inadjust niya ang lens. "Alam mo, Alys. Drake is one complicated man, kahit ako, minsan hindi ko siya maintindihan."
Nginitian ko siya ng kaunti. "Alam ko..." Alam na alam ko kung gaano kakumplikado si Drake. Pero bakit ganun? Kahit na sobrang komplikado niya, nandun pa din eh, mahal ko pa din siya. Alam ko naman kasi yun, halos three months din kami ni Drake. Hindi naman mawawala lahat ng feelings ko sa loob lang ng isang buwan, di ba? Pero kasi, ano ba ang sense ng isang relationship kung hindi naman kayo nagkakaintindihan?
"Alam mo naman pala eh. Ano'ng desisyon mo?"
"Ha?"
Tinutok sa akin ni Tripp yung camera niya. "Pinsan ko si Drake, Alys. Nag uusap kami. I know he wants you back. Ano'ng masasabi mo dun?"
Natahimik naman ako. Ano bang isasagot ko kay Tripp? Na ano? Na wala na din naman akong babalikan kasi si Drake na mismo yung sumuko sa akin.
Nagshrug ako. "Pagod na ako, pagod na din siya. Siguro move on na lang?"
Kinlick niya yung camera niya.
"Sigurado ka?"
Tumango ako. "Oo eh. Tama na din 'to. Sabi nga nila, if it's mean to be, it will be."
Tumayo siya tapos pinagpag niya yung ligaw na damo sa pants niya at inoffer niya yung kamay niya sa akin. "Tara," sabi niya.
"Ha? San tayo pupunta?"
Ngumiti lang siya. "Basta, may tiwala ka naman sa'kin, di ba?"
Nagnod ako.
Sumunod ako kay Tripp. Since irreg nga ang klase, pakalat kalat lang kami sa campus. Napansin kong naglalakad kami papunta sa SCA.
"Huy, bakit tayo nandito?!!"
Sinubukan kong huminto pero hinatak lang ako lalo ni Tripp. Natawa pa siya sa ginawa ko. Nagstop kasi talaga ako, eh hinihila niya ako kaya ayun, muntik na akong masubsob sa floor. Grrrr!!
"Zyril naman eh. Tara na, bilis."
"Ayoko nga! Bakit muna tayo nandito?"
Kinidatan niya lang ako. "Basta, just trust me on this one, alright?"
Napa sigh na lang ako. Hinayaan ko na lang siyang hatakin ako ng hatakin dito. Nakakainis din ha! Yung mga high school batchmate ko, kanina pa kami pinagtitinginan. Palibasa hindi si Drake ang kasama ko, nagtataka siguro sila.
Huminto kami sa tapat ng isang lecture hall. Okay?
"Upo ka muna," sabi ni Tripp. Kahit medyo hindi ko alam kung bakit kami nandito, naupo na din ako.
"Bakit ba tayo nandito?" kulit ko ulit sa kanya.
Nagsmile na naman siya sa akin. "Di ba sabi mo pagod ka na talaga?"
Nagnod ako. Nagsmile na naman siya.
"Dahil pagod ka na kay Drake, pwede na kitang ligawan."
O____________O
Hindi pa ako nakakareact sa sinabi niya, bigla namang naglabasan yung mga tao sa lecture hall!! Omo!! S-si Drake yun ah!!!
Lord, jusko po. Ano'ng nangyayari?!!
Naglakad si Drake papunta sa amin, kasi madadaanan niya naman talaga kami. Humarang si Tripp sa dadaanan ni Drake. Oh, Lord. Alam ko naging masama akong best friend kay Aya pero wag niyo naman po akong parusahan ng ganito, please!!
"Drake," sabi ni Tripp.
Huminto si Drake pero hindi niya ako tinignan. Galit talaga siya sakin?
"Liligawan ko si Alys. Okay lang naman sa'yo, di ba?"
Tinignan ako sandali ni Drake tapos tinignan niya ulit si Tripp. "You like her? Good luck. She likes breaking hearts." Sabi niya then umalis na siya.
BINABASA MO ANG
Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)
Teen Fiction"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase, bigo sa pag-ibig, at may malaki siyang problema. Kasi naman, pumayag siyang gawin ang isang bagay n...