Yula Maria Consunji's
The second week of the semester came fast. It was when I felt the stress of a real student and I was so happy to be in this position. Hindi ko ito mararamdaman sa home schooling na gusto ni Dydy. Hindi naman ako nagrereklamo, all my teachers before were very kind, iyon nga lang pagdating sa mga activities na ipinapagawa sa akin at sa mga deadlines lahat sila ay very lenient. Hindi nga nila ako pinagagalitan kapag nag – a – attitude ako sa kanila para bang tinatanggap na lang nila sila ang mali, they even apologize to me when they see that I am not satisfied with whatever. Ayoko ng ganoon sila sa akin, kaya siniguro kong magiging mabait din ako sa kanila.
I know that some of my teachers felt sorry for me because of my condition, kapag ganoon ang nakikita ko, nawawalan ako ng ganang mag – aral. Nakailang teachers din ako sa home school hanggang sa matagpuan namin ni Mymy si Teacher Apple – she was the one who encouraged us – Mymy and I – to take the entrance exam in UP. Naikuwento niya sa amin na may pinsan siyang tulad ko – deaf and mute pero nakapag-aral sa University at naka-graduate. Because of this, my hopes skyrocketed, and I took the exams, and luckily, I passed. I was so happy when I passed that I cried so hard.
So, now, I am doing my best. Ayokong sayangin ang pagkakataong ito.
We have an assignment in one of our major subjects – Philippin Art. Kailangan naming mag-provide ng isang local artwork at i-present sa klase ang interpretation tungkol doon. I have done my homework, ang problema, paano ko ipe-present sa klase ang assignment ko, hindi nga ako nagsasalita? Alam ko na agad na pagtatawanan nila ako. I bit my lower lip. Times like this, I really hate that I have this condition. Bakit ba kasi hindi ako pinanganak ng normal? Naisip ko rin na baka dahil sa condition kong ito kaya ako inabandona ng biological parents ko.
Gusto kong umiyak. Will my professor even let me just pass my explanation and move on? Baka hindi. If only I could find someone that would be kind enough to help me.
Napabuntong – hininga na lang ako. Sana magawan ko ito ng paraan bago dumating ang time namin para sa subject na iyon. Letter C pa naman ang apelyido ko, baka mamaya matawag agad ako. If only Yoodie was here, she would gladly help me with this, kaya lang sa ibang school siya nag – aaral. Sa UST siya na-accept at mukhang masayang – masaya siya roon. I wanted her here but I could never clip her wings just so she could help me every damn time I need it. Saka isa pa, ito ang hinihiling kong independence, bakit ko hinahanap si Yoodie ngayon? I sighed again. Kaya ko ito. Magagawan ko naman ng paraan ang mga bagay. Kung hindi papaya si Prof, babagsak ako, ganoon talaga. At least I tried. Makikiusap muna ako sa kanya.
"Ikaw!"
Sa gitna ng malalim kong pag – iisip ay nagulat na lang ako dahil may kung sinong tumapat sa akin. I could hear his voice with the help of my hearing aid. He sounded so mad, and I don't even know why. I looked up and saw a man wearing a black leather jacket – not even sure kung totoong leather iyon o baka galing lang sa thrift store kaya faux leather iyon.
He looked so angry. May vein siya sa noo na parang puputok na. Naalala ko tuloy si Kuya Yuan. May ganoon din siya sa noo at kapag niyayamot siya ni Ate Yoonie ay para bang puputok iyon pero siyempre, hindi siya lalaban kaya tatalikod na lang siya at magkukulong sa silid niya.
Pero hindi naman si Kuya Yuan ang puputukan ng ugat ngayon kundi ang lalaking ito na galit na galit sa harapan ko. Dinuro niya ako. Tumaas ang kilay ko.
Ako? Ako ba ang kinakausap niya? Sa akin ba siya galit, at kung oo, bakit? Wala naman akong ginawa sa kanya. Ni hindi ko nga siya kilala.
He was saying something. Hindi ko gaanong mabasa ang labi niya kasi ang bilis – bilis niyang magsalita pero palagay ko'y galit talaga siya sa akin. Kunot na kunot ang noo niya at magkasalubong ang mga kilay niya.
YOU ARE READING
Yula's Prequel
General FictionYael thinks he doesn't have a problem. Well, he is sooo wrong.