5. Hello, YOU

1.8K 136 7
                                    

Montgomery San Antonio – Yu's

Bawat lumalabas sa fine arts building ay sinisino ko. Baka kasi hindi ko makita si Yula Maria, baka makalagpas siya sa akin. Kailangan ko pa naman siyang makita – well not for anything. I just needed to return her ID to her. Nakalimutan kong ibigay sa Mama niya kahapon bago ako umalis, at huli nang ma-realize kong hawak ko pa rin ang ID na iyon. So, now, I am here, waiting for her because I badly need to return her ID. Napakahalagang dokumento nito para sa isang tao.

Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa bandang labas ng Fine Arts building. Ang tagal naman niyang lumabas. Paano kung kailangan niya pala ng ID?

I sighed and looked at Sergio. Kumakain siya ng mais sa plastic cup habang pailing – iling na nakatingin sa akin.

"Pre, ang init – init naman dito. Ano bang inaabangan mo?"

"Hindi ka talaga nakikinig sa akin. Inaabangan ko nga si Yula Maria!"

"Pwede naman nating ipabalik kay Erika iyang ID. Ang init dito! Sayang ang rejuv ko!" Nayayamot na binalingan ko siyang muli. Sinabi ko naman sa kanya kanina na kung ayaw niya akong Samahan, hindi ko naman siya inoobliga. I just really wanted to see Yula Maria, not because of anything else. I just need to return her ID.

Hindi nagtagal ay nakita ko na siyang lumalabas ng building. Bigla akong napatuwid. She seemed nervous and uncomfortable. I wondered what happened in her class. Huminto siya sa gitna ng entrance tapos tipong huminga siya nang napakalalim bago muling naglakad palayo. Naalarma naman ako kaya agad akong tumakbo para sundan siya. Narinig ko pa nga si Sergio na tinawag ako pero hindi ko siya pinansin. Mas focus ako sa pagsunod kay Yula Maria.

Lakad – takbo ang ginagawa niya, at one point, napalingon siya sa akin, napahinto siya tapos ay kunot noong tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos ay tumakbo siya. Napatakbo rin ako. Hindi ko alam kung bakit siya tumakbo, tumatakbo lang naman ako kasi tumatakbo siya. Daig pa namin iyong mga athlete sa UP OVAL na tumatakbo.

Lumiko si Yula Maria, lumiko rin ako pero nawala siya. Hindi nagtagal ay nagulat ako dahil may kung anong humampas sa braso ko. Paulit – ulit iyon hanggang sa lumayo ako para makita kung anong nangyayari.

And there stood Yula Maria Consunji. She is holding her MacBook – iyon ang pinanghampas niya sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya habang humahangos. Gulo – gulo ang buhok niya at tila galit non ang siya. Binitiwan niya basta ang MacBook niya at saka galit na humarap sa akin.

"Who are you?! Why are you following me? Hindi kita kilala kaya pwede bang h'wag mo akong sundan?! Anong gusto mo ha! Anong problema mo?!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Galaw lang nang galaw ang mga braso at daliri niya, hindi ko man siya maintidihan ay alam kong galit siya dahil non ang ng mga mata niya. How can I make her calm down?

"Look!" I spoke. Mali. Hindi ako dapat nagsalita. Hindi ko nga alam kung naririnig niya ako. Huminga na lang ako nang napakalalim at saka tiningnan siya. Kinuha ko ang phone ko at doon at nag-type.

Look, I'm not here to hurt you. Ibabalik ko lang ang ID mo.

Agad kong pinakita iyon sa kanya. Kunot noon niyang binasa iyon. Napansin kong napalabi siya. Agad ko namang ipinakita ang ID niya. Agad naman niyang kinuha iyon.

"Bakit nasa iyo ang ID ko?" She signed again. Napakamot ako ng ulo. Hindi ko kasi alam kung anong sinasabi niya. She seemed so frustrated, bigla na lang niyang hinatak ang phone ko at doon ay nag-type rin.

Yula's PrequelWhere stories live. Discover now