Chapter 1: Accident

74 18 6
                                    


-----Arabella Channel Monte Verde----


ISANG malamig na simoy ng hangin ang humaplos sa aking balat sa aking paglabas sa beranda ng aking silid. Tumingala ako sa kalangitan, napakapayapa, hitik na hitik din ito sa mga kumikinang na bituin, napakasarap lamang pagmasdan. Napaka tahimik ng paligid, subalit taliwas naman ito sa aking nararamdaman sa mga oras na ito. Dahil sa loob ko ay napakalakas ng pintig ng aking puso. Sa kabila ng malamig na hangin ay muo-muong pawis ang dumadaloy sa aking palad dahil sa labis na kaba. 


Isang linggo na nga ang nakalipas ng sumama ako kay Daddy dito sa Bukidnon, isang lugar na tahimik at malayong-malayo sa maigay na lugar na nakalakhan ko. Ngayon nga ay magsisimulang muli ang buhay ko kasama ang mga bagong pamilya na mayroon ako ngayon.  


Nakarinig ako ng isang katok kasabay nito ang pagbukas ng pinto ng aking silid dahilan upang mapalingon ako dito. 


"Anak bakit gising ka pa? Di ba dapat ay nagpapahinga ka na dahil maaga pa ang pasok mo bukas?" Daddy Raul asked the moment he saw me in the veranda. 


"Nagpapahangin lang po Dad, tutulog na din po ako maya-mayang konti." tugon ko naman. 


Tahimik naman ito naglakad papunta sa lugar kung saan ako nakatayo. Katulad ko ay tumingala din ito sa langit upang masdan ang mga kumikinang na bituin. "Namimiss mo na ang Mama mo no?" tanong nito. "Kasi ako miss na miss ko na din siya" pagpapatuloy pa niya. 


Isang mapait na ngiti naman ang gumuhit sa aking mga labi bago ko nagawang sagutin si Daddy, "madalas po kami ni Mama sa taas ng bubong dati pagmaganda po ang gabi at madaming bituin, gustong gusto po ni Mama ang mga bituin, ngayon isa na siya po sa mga yan. Hindi ko lang po maiwasang maala-ala si Mama" kwento ko naman. 


Bahagya naman ako kinabig ni Daddy upang bigyan ng isang mahigpit na yakap. Dahil alam ko, katulad ko miss na miss na din nya si Mama.


"Kahit ako naman Ara, miss na miss ko na din ang Mama mo, at hinding-hindi siya mawawala sa puso ko. Pero kailangan natin anak magpatuloy sa buhay kahit wala na siya, alam kong mahirap pero alam ko din naman nakakayanin natin ito." Ani Daddy upang palakasin ang aking loob. 


"I know Daddy, medyo kinakabahan lang po ako kaya hindi ako makatulog agad. Ibang iba ho ang lugar na ito sa lugar na nakalakhan ko, hindi ko lang ho alam kung paano ang gagawin ko bukas sa bago ko pong school" Paliwanag ko naman dahil totoong iyon ang dahilan ng haba ko. 


I'm an introvert person and it's hard for me to make friends at iyon ang isa sa mga inaalala ko. What if people will make fun of me dahil lang wala akong kaibigan. What if hindi ako makahanap ng kaibigan sa bago kong school na pede kong makasama lagi, I don't know how will I survive.


"Alam kong kaya mo din makibagay sa ibang tao anak kaya wala ka dapat ikatakot. Maaring malayong malayo ang pamumuhay dito sa Bukidnon  sa Maynila na nakalakhan mo, pero isa lang naman ang kailangan mong gawin anak, at iyon ay ang magpakatotoo ka lang sa sarili mo, and everything will follow then." payo naman ni Daddy bago niya ako inaya papasok sa loob ng aking silid dahil mas lalong lumalamig na din ang simoy ng hangin sa paglalim ng gabi. 

MVGS01: LOSTWhere stories live. Discover now