"Lintik na buhay naman talaga, Oo. Kung kelan naman nagmamadali saka naman nagkaaberya ng ganito. Napaka arte ayaw pa kasing makipag-areglo para matapos na." Rinig kong bulong ng lalaking nakabangga sa amin kanina. Nasa loob kasi ito ng kulungan ngayon dito sa maliit na presinto sa lugar namin. Kanina pa kasi niya pinipilit na babayadan nalang niya lahat ng naging damage kaso hindi ako pumayag. Okay lang sana eh kung nag sorry man lang siya at nag sisisi sa nangyari kaso wala, siya pa ang mayabang palibhasa anak mayaman.
Dahil sa lakas ng impact ng aksidente ay isinugod kami agad ni manong sa ospital. Luckily, galos lang naman ang natamo kong sugat kaya nakalabas na din ako agad at ngayon nga ay narito ako sa presinto para magsampa ng kaso sa walang kwentang taong bumangga sa amin.
Imbis kasi na humingi ng sinserong tawad ang hinayupak pa ang may ganang magwala ngayon. Kesyo nakaharang daw kami sa daan kaya kami nabangga. Diba ang galing! Ano yun kanya ang daan. Sira ulo talaga.
"Pano ba yan Apollo mukang malabong makipag-areglo sa iyo ito si Miss Ganda. Nakahanap ka ng katapat mo ngayon ano?" Ani ni mamang pulis na may matabang tyan. Pano ba naman kasi halos puputok na yung uniform ni mamang pulis dahil sa tyan nya. Hindi naman ako judgmental na tao pero talagang hindi ko lang maiwasan ngayon.
"Miss ano bang pangalan mo at saan ka nakatira. Para makagawa na din tayo ng formal report at para matawagan na din natin ang mga magulang mo." the other police officer said.
"Arabella Channel Monte Verde ho. Sa Villa Monte Verde ho ako nakatira diyan lang ho sa bayan." magalang na tugon ko naman.
Bigla naman nagkatinginan ang dalawang pulis at sabay lipat muli ng tingin sa akin. "Kaano-ano mo si Gov. Robert Monte Verde hija. Saka, saka tama ba ang sabi mo sa Villa Monte Verde ka nakatira? Kila Don Raul iyon diba?" Sunod-sunod na tanong naman ng matabang pulis sa akin.
"Si Gov. Robert po ba? Tito ko po siya kapatid po ni Daddy Raul." Pagkukumpirma ko naman.
"Anak ka ni Don Raul? Bakit ngayon ka lang namin nakita dito?" Nalilitong tanong muli ng isa pang pulis sa akin.
Napayuko naman ako at hindi ko malaman ang sasabihin. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang, 'Oho anak ho ako ni Daddy Raul sa ibang babae' o hahayaan nalang silang magtaka. Malinaw naman siguro ang sabi ko diba na isa din akong Monte Verde.
Mabuti nalang at sakto namang dumating si Tito Robert sa presinto. Kanina kasi nang nasa ospital ako ay nagawa ko namang tawagan si Daddy yun nga lang ay hindi siya makaalis kaagad-agad sa meeting kaya naman tinawagan nalang niya si Tito Robert para puntahan ako lalo na ng nalaman niya na naaksidente ako para daw mas mabilis daw maayos ang kaso.
Kilala ang pamilya Monte Verde dito sa buong lungsod ng Bukidnon. Hindi lang dahil isa ang angkan namin sa pinakamayayaman sa lugar kundi dahil na din sa impluwensya namin sa pulitika. Hindi ko man gustong gamitin ang koneksyon ng aming pamilya ay wala na din naman akong nagawa lalo na ng sinabi ng mga pulis kanina na galing din sa kilalang angkan ang naka-aksidente sa amin kanina.
Pagpasok pa lang ni Tito Robert ay agad namang nag sinatuyan hindi lamang ang mga pulis kundi pati na rin ang ilang bilanggo sa lugar.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST
RomanceAfter Arabella Channel LOST her mother, it seems that the whole world crumbled in front of her until her long LOST father appeared and decided to get her and bring her in his province, Bukidnon. Despite of her hesitation Arabella left with no choice...