----Arabella Channel Monte Verde----
"Ngayong wala na ang Mama mo oras na para sumama ka na sa akin. " Ani ni Raul Monte Verde, isang kilalang negosyante pagdating sa Coconut industry maging sa paghahayupan sa buong Pilipinas na ngayon ay naka base sa Bukidnon kung saan naroon ang kanyang mga negosyo at ari-arian.
"Pwede po bang dito nalang ako sa Maynila?" Alanganin ko namang tanong sa kanya.
Kailan lamang kami nag kakilala dahil lumaki akong tanging ang aking Mama lamang ang aking kasama. Subalit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ng malaman namin na may stage 4 breast cancer pala si Mama ay nagawa niyang ipagtapat sa akin kung sino nga ba ang tunay kong ama.
A week before my mother passed away we've able to contact Raul Monte Verde, who happened to be my father and my mothers greatest love. According to them they are each others first love. Yun nga lang dahil langit at lupa ang estado ng buhay nila ay hindi nila naipaglaban ang kanilang pagmamahalan.
My mom decided to left him without any words. That time she didn't know that she was pregnant with the reason why I grew up until now without a father.
"Nangako ako sa Mama mo Ara na ngayong wala na siya ay ako na ang bahala sayo. Kailangan mong sumama sa akin sa Bukidnon dahil nandoon ang negosyo natin, maging ang mga kapatid mo. " Tanging sabi nalang nito.
Alanganin man sa gustong mangyari ni Raul ay wala na din akong nagawa kundi ang sumama sa kanya at bilang respeto na din sa huling kahilingan ni Mama bago ito mamatay. Ang tanging dasal ko nalang ay sana'y matanggap din ako ng buo ng mga nakababatang kapatid ko gaya ng pagtanggap sa aking ni Raul bilang anak niya. Dahil sa ngayon ay talagang hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula. Because the moment my mother passed away kasabay din noon ang pagkawala ng lahat sa akin.
----Apollo Riley Falcon----
"APOLLO! " Sigaw na bungad sa akin ni daddy pagbukas na pagbukas pa lang niya ng pinto ng aking silid.
Masakit sa mata ang liwanag na nagmumula sa labas ng aking bintana. Anong oras na ba kasi? Malamang tanghali na. Kahit masakit ang aking ulo dala ng puyat at hang over dahil sa celebration ng grupo dahil sa pagkapanalo namin sa isang drag race kagabi ay nagawa ko pa rin bumangon at umupo sa aking kama.
"What now Dad?" Iritable kong tanong dito habang nagkukusot ng aking mga mata.
"YOU, you're the problem Apollo. Akala ko ba ay ang usap na tayo. You will study aviation or business para humalili sa akin sa negosyo." galit pa rin turan nito.
"I will, but not now. I will enroll next semester. " Ani ko nalang para matapos na kahit na wala naman talaga akong balak sundin ang gusto niya.
"Pagod na pagod na ako sa mga pangako mo Apollo. Ganyan din ang sinabi mo noong nakaraan kaya buong akala ko ay naka enroll ka na ngayon. Kung hindi pa ako tumawag sa school mo ngayon hindi ko pa malalaman na hindi ka na naman nag enroll. Aba Apollo dalawang taon ka nang tigil sa pag-aaral. Kung hindi ka mag eenrol ngayon ay wala na akong magagawa kundi ang kumpiskahin lahat ng mga sasakyan mo at sinasabi ko sayo hinding hindi ka na muli pang makakapangarera." Maotoridad namang ani nito bago tuluyang lumabas ng aking silid.
Dahil sa sobra talagang sakit ng aking ulo ay muli ko nalang ibinagsak ang aking katawan sa kama. Bahala na si batman sa ngayon gusto ko na lang munang pagpahinga.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST
Любовные романыAfter Arabella Channel LOST her mother, it seems that the whole world crumbled in front of her until her long LOST father appeared and decided to get her and bring her in his province, Bukidnon. Despite of her hesitation Arabella left with no choice...