Chapter 7: Caught

1.4K 26 6
                                        

We've been exchanging text messages since the bar hopping happens. Mabait naman pala si Apollo hindi lang talaga halata sa mukha niya. He is also so bubbly and funny kaya naman tuwing mabibigyan ng pagkakataon na mag kita kami ay wala akong tigil sa pagtawa. Even though patago nga lang ang pag kikita namin dahil na din sa history ng mga magulang namin.

Yes. We become friends. Akala ko nga noong una ay mag take advantage lang siya sa akin dahil sa dare na ginawa namin noon but it turns out that he is really sincere about it.

"Ano, pwede ka ba sa Sabado? May race ang grupo gusto sana kitang isama kung pwede." basa ko sa text niya sa akin. Pababa ako ng hagdan ngayon at patungo sa kusina para mag agahan.

Kahapon pa kasi niya ako inaaya na manood ng race nila, ang kaso hindi naman ako makakuha ng tyempo para makapag paalam kay daddy.

"Oh Ara nak tinanghali ka ata ng baba ngayon." Daddy said when he saw me.

"Yes Daddy. Ten pa naman po ang class ko ngayon." sabi ko nalang. Totoo naman na ten pa talaga ang klase ko. Pero hindi naman talaga dahil don kaya late akong bumaba. Actually late din talaga akong nagising dahil hanggang twelve ata kaming magkatawagan ni Apollo kagabi. Pano ayaw niyang ibaba ang tawag hanggat hindi ako pumapayag na manood sa kakera nila. Sinabi ko na nga lang na mag papaalam muna ako kay daddy, sana lang pumayag siya.

I give daddy a kiss on his cheeks bago ako umupo sa regular na pwesto ko sa tuwing kakain kami. "How's office Dad? Late ka po ata ngayon sa work. Hindi po ba kayo masyadong busy ngayon?" panimula ko sa aming usapan.

Nakasanayan na din kasi namin na sa tuwing magkakasama-sama kami sa hapag-kainan ay ang kamustahin ng bawat isa. We still make sure na kahit busy kami in our own world ay napag-uusapan pa rin ito ng buong pamilya.

"Everything is fine hija. Pupunta ako ngayon sa bukohan kaya hindi ako makakapunta sa opisina. Dadating din kasi ang bagong businesses partner natin at gustong makita ang buong hectarya ng bukuhan natin kaya sasamahan ko." Dad explained.

"Ganon po ba. Sayang may pasok ako ngayon gusto ko din sanang sumama. Dad pwede kaya makapag-uwi ka ng kahit ilang buko. Parang gusto kong mag buko salad." tugon ko naman.

Bigla naman akong naglaway sa isiping pag gawa ng buko salad. Noon kasi isang beses isang taon lang ako nakakakain noon, tuwing bagong taon lang, pero ngayon anytime pwede na ako makagawa o makakain.

"Oo naman, yun lang ba ang gusto mo hija." tanong naman nito.

"Yes dad yun lang po." Agadang sagot ko naman.

Nag-usap pa kami tungkol sa mga negosyo kahit pa wala din naman akong alam doon. Dad is very patient with in teaching everything that I need to know about our business. Sabi kasi niya mas mabuting may alam pa din ako sa negosyo para kung ano't ano man ay matutulungan ko pa din ang mga kapatid ko.

Nang makabwelo naman ako ay sinubukan ko na ding magpaalam sa kanya para sa Sabado. "Daddy, mag papaalam sana po ako." panimula kong sabi. Labis-labis din ang kabog ng aking dibdib hindi ko pa man nababanggit ang nais kong sabihin.

Ibinaba naman ni daddy ang kanyang tasa ng kape matapos niyang humigop doon para ibigay ang buong atensyon sa akin. "What is it?" seryosong tanong pa nito.

Nilunok ko naman muna ang bara sa aking lalamuna bago ko sabihin ang aking pakay. "Magpapaalam sana ako dad kung pwede akong lumabas sa Sabado. Ahmm may lakad sana kami ng mga kaibigan ko, medyo gagabihin po kasi." pagsisinungaling ko naman.

I really don't like telling lies especially to my dad. But I don't have any choice. Nang huling beses kasi akong nagpaalam sa kanya na lalabas at sinabi kong kasama si Apollo kahit pa madami naman kami sa grupo ay hindi niya ako pinayagan. He even warn me not to be friends with him dahil sa past issue nila. Gusto ko naman siyang sundin but when I asked him the reason bakit sobrang init ng dugo niya sa pamilya Falcon ay wala naman siyang nasabi.

MVGS01: LOST (Completed)Where stories live. Discover now