"Ang daya naman. Wala naman akong panalo sa'yo eh." Nakanguso kong sabi ng maipasok ni Apollo ang huling bola ng billiard ball. Kabaliwan man, pero pumayag ako sa dare niya. I don't know. Hindi naman ako nakainom or what pero wala akong pagdadalawang isip na pumayag sa kagustuhan niya. Maybe there's a part of me that want to enjoy life, to enjoy being youth. Dahil mula pagkabata wala na akong ibang inisip kundi kung paano maghanap ng pagkakakitaan. At ngayong kahit papano ay hindi ko na iniisip ang kakainin ko kinabukasan ay gusto ko ding maranasan paano maging normal na kabataan.
"It's a fair game Babe. Kinaliwa ko na nga para may handicap ka." Nakangisi naman nitong sabi sabay inom ng alak sa may tabi niya.
"Mukang nagkakasayahan kayo dyan ah." Wika naman ni Jarred, isa sa mga kaibigan niya napinakilala din niya sa akin kanina lang. Jarred is also the owner of this bar, kaya naman pala may sariling area ng grupo nito.
Naglakad naman palapit sa akin si Apollo mula sa dulong bahagi ng billiard table. Nakapwesto kasi kami sa magkabilang dulo nito kaya naman mas malapit sa pwesto ko ang kaibigan niya. Marahan namang hinawakan ni Apollo ang bewang ko upang ilapit ng bahagya sa kanya. "It's non of your business Ja. Bumalik ka na nga sa paglalaro ng poker, istorbo ka din eh." Seryosong ani naman nito sa kaibigan.
Tatawa-tawang lumakad naman paalis si Jarred, pero bago ito tuluyang makalayo ay nagpahabol pa ito ng asar sa kaibigan. "Masama yan Ry patingin ka na."
Kunot noong tiningnan ko naman si Apollo, "Sinong Ry?" Takang tanong ko pa.
"It's also me Babe. Apollo Riley remember? Ry ang tawag sa akin ng iba kong kaibigan." Tugon naman nito. "Pero wag mong ibahin ang usapan. We have a deal right? Saan na nga ba tayo?" Muling sabi nito. Pero sa pagkakataong ito sa mas mapang-akit na boses. Mas hinapit din niya ang aking bewang kaya naman mas lalong nagkalapit ang aming katawan.
Ilang pulgada lang ang layo ng aming mga mukha. I can smell the alcohol that he just drunk recently. But unlike other guys who drink alcohol, hindi nakakasuka ang amoy ng kay Apollo, instead mas nagustuhan ko pa nga ito.
Saglit ko naman minasdan ang kanyang mga mata. Ngayon ko lang napansin ang ganda pala ng mata ng isang ito. Kulay brown ito at ang hahaba ng pilik mata niya. He also have a pointed nose na bumagay naman sa mukha niya because of his define cheek bone. Nang dumako naman ang aking mga mata sa kanyang mga labi, hindi ko alam pero parang nauhaw ako. Napalunok nalang ako kahit pa wala naman talagang laman ang aking bibig.
"Done checking my face Babe?" Panunuksong tanong naman nito habang isang matamis na ngiti ang nakaukit sa kanyang mukha.
Out of embarrassment ay tumingkayad ako upang bigyan sana siya ng isang mabilis na halik. After all, iyon lang naman ang napagkasunduan nila. A kiss on her lips. Hindi naman sinabi kung anong klaseng halik diba? So I plan to give him a quick kiss then after that babalik na ako sa mga pinsan ko. But my plan didn't happen.
Nang maglapat na kasi ang aming mga labi ay agad namang hinawakan ni Apollo ang aking batok upang mas palalimin pa ang aming halik. The quick kiss that I initially plan turn into a wild and wet French kiss.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST
RomansAfter Arabella Channel LOST her mother, it seems that the whole world crumbled in front of her until her long LOST father appeared and decided to get her and bring her in his province, Bukidnon. Despite of her hesitation Arabella left with no choice...