Meron akong kwento
Isang love story na
Nangyari sa kanto
Habang ako'y papunta saking trabaho
Ay may tumatakbo at bigla nalang
Kaming dalawa'y nagka-bunggoAndy's Pov
"Ara!"Galit na sigaw ko papunta sa classroom namin. Kakatapos lang kasi ng break time namin at nais kong batukan yung kaibigan kong yun.
*Flashback*
"Tara na pre!" Napagtripan naming ilagay yung napakalaking bato na nasa harap ng pintuan ng classroom namin sa bag ni Ara, syempre ako naman ang pasimuno sa lahat ng kalokohan namin sa kanya. Ewan ko ba! Pero ang sarap pag tripan nung kaibigan kong yun. Lalo na kapag nakikita mo yung nakakunot niyang nuo na halos magka 3 layer na kapag galit siya.
"Ilagay mo sa gitna ng mga notebooks niya" saad ko
"Isama mo na to" enganyo ni Gian sabay turo sa dalawang bunot na ginagamit pang flor wax.
"Hahahaha! Hanep yan pre, kakamatis muka non panigurado" tugon ni Noah
Nagring na ang bell namin at sabay sabay na kaming nagsiuwian. Tumama nga ang mga hinala namin dahil umuusok na ang ilong sa galit si Marirar.
"Pag nalaman ko talaga, malilintikan kayong lahat!" Galit na sabi ni Ara at inirapan pa kami.
"Hahaha! , hindi ka kasi nagpakopya kanina, yan tuloy hahaha" mapang asar kong tugon
"Bawi ka nalang next time, Rar! Hahaha! Dagdag pa ni Gian
"Talagang babawi ako, matitikman niyo ang ganti ng isang Marimar" at nag pose pa talaga kagaya ni Thalia, ang kwela talaga.
Paggising ko ng umaga, naghanda na ako para pumasok dahil may roleplay pa kaming gagawin sa iba't-ibang mga subjects namin. Sumapit na ang break time at ang bawat mag aaral ay nagtungo na sa canteen upang bumili ng makakain, bumili na lang ako ng turon at Sarsi. Sa pagbalik ko, akmang kukunin ko sana yung script namin sa bag ko ay nakita ko ang malaking tuko at gagamba na nag rerelax sa mga libro at notebook ko.
"Aaahhhh", tili ko ng malakas na umabot sa buong classroom, buong campus, buong Pilipinas, buong Earth, at buong universe. Napaatras ako at nagtatalon sa buong classroom namin, habang nagtinginan at nag sisitawanan ang mga kaklase ko dahil sa sigaw ko.
"Langyang sigaw yan, babae kaba?" Natatawang sigaw ni Kenneth at inakbayan ako.
"Baka may gusto kang ipagtapat sa akin Andy" seryosong sabi niya sabay hawak sa dalawang pisnge ko. Nagsisitawanan ang lahat sa kanila, samantalang ako nag-aapoy na ang tenga dahil sa inis.
Pambihirang Ara to oh, pinahiya pa naman ako, sobra na, pati ba naman mga hayop dinadamay, sa kanya nga, bunot lang na basa eh, bakit ba naman buhay pa yung saakin?
*End of flashback*
"Bakit? Nagustuhan mo ba ang bawi ko?" Tanong ni Ara habang nag bea-beautiful eyes pa.
"Bakit naman buhay na hayop pa? Ikaw nandadamay ka ng buhay ng may buhay" sermon ko at seryosong tinitignan siya sa kaniyang mga mata. Ang ganda.
"Bakit?! Concerned ka sa mga kamag-anak mo? Binigyan ko lang naman kayo ng mini reunion ah" Patawang tugon nito at kumekembot pang umalis sa harapan ko at tumalikod. Ang cute niya.
Habang nasa malayo na siya ay unti-unti siyang humarap saakin. Kitang kitang ko kung paano niya hawiin ng kanyang mga buhok at tila bumagal ang mga oras sa mga sandaling iyon, sabay sabing "Saka nga pala, paunang bawi ko palang yan ha, so Ready your Self!" Sabay flying kiss pa.
Ako'y nagtataka saking nadarama
Nang makita sya ay kumislap aking mata
Kahit ligaw tingin
Sana ay yong mapansin
Nang makumpleto ko
Ang love story ko
YOU ARE READING
Lacuna
RomanceIsang dalagitang nais lamang makaranas ng tunay na pagmamahal. Ngunit, dahil sa isang kasunduan, mapililitang itong baguhin ang tadhana at siyang magbibigay malaking epekto sa hinaharap.