Year 2001
Habang silang dalawa ay naglalakad, may sinabi si Dao Ming Si na siyang nagpahinto sa kanilang mga paa.
Dao Ming Si: "Hindi mo pa nga sinasabi na gusto moko eh"
Shan chai: "Importante ba yun?"
Dao Ming Si: Syempre, oo naman! Okay ba mabuhay sa mundo na wala man lang nagkakagusto sa yo?
Nagpatuloy sa paglalakad si Shan Cai at sinundan naman nito ni Dao Ming Si.
Dao Ming Si: "Ayan ka na naman, sa tuwing pinag uusapan natin to, umaalis ka. Lagi kong sinasabi sayo Gusto kita, masama bang-"
Shan Chai: Gusto kita.
Dao Ming Si: Ha, anong sinabi mo? Ulitin mo nga" Masayang sabi nito at tila abot hanggang tenga kung makangiti
Shanchai: "Nasabi ko na ikaw tong mahina ang pandinig" saad nito sabay aklas sa kaniya at nauna ulit sa paglalakad.
Dao Ming Si: "Pabigla-bigla ka kasing magsalita. Hindi ko talaga narinig, bakit ba ayaw mong ulitin?, Nakainis ka talaga."
"Ayoko nga, kasalanan ko ba kung hindi mo narinig? Basta hindi ko uulitin" tugon ni Shancai habang naglalakad ng padabog at sabay lingon kay dao ming si at harap kaagad pabalik sa daan
Dao Ming Si "Hindi ko nga narinig, Sige na, Sabihin mo na"
Shan Cai: "Hindi na"
Dao Ming Si: "Shan Cai" sigaw nito sabay ngumuso ang mga labi na para bang bata na hindi binigyan ng candy.
Unti-unti namang lumingon si Shan Chai sabay sinabi ang mga katagang
"Gusto kita"Nagyakapan ang Dalawa at tila masaya para sa isa't-isa. Akalain mo ba naman na ang lalaking tinugurian bilang Gangster ng kanilang paaralan, at ang isang palaban na babae na walang inuuruang, ay may pareho pala ang tibok ng damdamin para sa isa't-isa
Ara's Pov
Nakaupo kami ng indian seat dito sa sahig ng sala namin habang ngumuguya ng dragon seed, boy bawang, at turon, samahan mo pa ng napakalamig ng softdrink ng Royal.
Kakatapos lang namin manuod ni Feliz ng Meteor Garden. Paano ba naman? favorite namin to, lalo na kapag may new episode na. Tuwing alas 3:50 ng hapon, halos magkaroon ng zombie apocalype dito samin para lang maabutan yung opening song nila. Naalala ko pa noong nakaraang linggo, nag cutting pa talaga kami sa Advance Chem namin para makapananuod nito. Kung mapapagalitan man kami. Edi lulubus lubusin na namin!"Besss! shet, Teh?, kelan pa kaya ko magkakaganyan? Yung ako lang yung magiging mundo niya. Tas mamahalin ako kahit mag end of the world na mamaya" bungad ko kay Feliz habang sinandal ko ang mga kamay ko sa aking mukha at tumingala na parang nag sta-star gazing lang.
" Oo nga eh, sana magkaroon din ako ng sarili kong Dao Ming Si, na parang kamuka ni Patrick Garcia noh, gusto ko yung maputi tas may dimple" kinikilig na tugon ni Feliz at hinampas pa talaga ako.
"Aray ko naman! Basta ako, tipo ko yung pareho ni Wa Zei Lei, singkit ang mga mata at kahit magulo ang hair eh oks na! Pero iba parin talaga ang kamandag ni Rico Yan saakin best, lalo na yung dimple niya, ang Cute!" Saad ko sabay pisil sa dalawang matatabang pisnge ni Feliz at dali daling tumakbo.
Naghabulan kaming dalawa hanggang sa mapagod at kamuntikan na akong madapa. Sa bilis ba naman niyang tumakbo eh para kang nagkikipaghabulan sa kabayo.
"Hoy! Madaya ka ha, ang hina lang ng hampas ko sayo tas ikaw kung maka pisil ka para kang nangigigil sa manok mong tinalo ka sa sabong, tignan mo oh namumula na" sambit ni Feliz habang nilalagyan niya ng ice water ang dalawa niyang pisnge.
Halos sumakit ang tiyan ko kakapigil ng tawa, kung titignan mo kasi para siyang siopao na may dalawang pulang bilog sa mukha. Hindi ko alam kung maawa bako o hahalaghak nalang.
"Sorry, sorry naman sa baby na yan." Sabay yakap sa kanya at hinalikan ang dalawang pinge niyang kanina pa na mumula.
Mula kinder kami na ang magkasangga ni Feliz dahil matalik na magkaibigan ang parehong nanay at tatay namin. Bale, magkakabarkada sila simula Elementary hanggang College. Kaya di malabo na hindi kami mapaghiwalay ni Feliz. Kami nga ang sisters in crime ika nila, kasi kami raw yung mini version ng mga magulang namin.
Feliz Viccone Paculza ang full name niya, may dalawa siya kapatid, mga nasa 8 taong gulang ang mga ito. Actually kambal sila si Vicky ang kapatid niyang babae at si Victor naman ang lalaki.
Gusto niyang maging Neurosergion balang araw, namatay kasi sa tumor ang lola niya kaya't ganun nalang siya ka pursigido namakapasok sa med school balang araw. Matalino talaga yan, diyan nga ako minsan nangongopya kapag may test kami.
Samantalang ako, opposite sa kanya, englishera kasi siya kaya minsan tumatahimik nalang ako, di biro lang ha, marunong naman ako mag english kaso mas gusto ko kasi talaga yung Filipino, since Filipino Major yung ibang mga tita ko kaya free tutor lang kung kailangan ko.
Pero seryoso, isa sa nag udyok talaga saakin na mahalin ang Filipino dahil sa Filipino Teacher namin. Si Ma'am Yizang, strikta, masinop, at organize talaga siya sa klase nya. Kakaiba siya kumpara sa ibang mga naging Filipino teacher ko. Mayroon siyang personal prayer na kailangan namin kabisaduhin, mga rules and regulations na talagang madidisplina kami.
Pero higit sa lahat, sa kabila ng pagiging mahigpit nito ay siya naman ay nagtataglay ng namumumudtanging kagandahan at mabait naman siya pag nakilala mo siya.
Bumalik naman yung diwa ko noong tinawag na ako ni Feliz
"Huy, Ara! Ang sabi ko nagawa mo na ba yung assignment natin sa Filipino?" Tanong nito at nakapamewang pa talaga. Pambihira!
"Hooy, anong natin? Individual yun ah" sagot ko
" Kaya nga, Pakopya ako" saad niya at walang patumbaling pumasok sa kwarto ko at hinalungkat ang bag ko para kunin ang notebook ko ng biglang.
"Hhahaha! Ara, tignan mo" sigaw ni Feliz.
" Mwesit, talaga kayo! Sino sa inyo nag lagay ng bato sa bag ko?!, Hoy bakit pati bunot sa pag flo-floor wax andirito? Pag nalaman ko talaga, malilintikan kayong lahat!" Galit na sabi ko nalang habang di naman maawat ang tawa ni Feliz.
"
YOU ARE READING
Lacuna
RomanceIsang dalagitang nais lamang makaranas ng tunay na pagmamahal. Ngunit, dahil sa isang kasunduan, mapililitang itong baguhin ang tadhana at siyang magbibigay malaking epekto sa hinaharap.