Kabanata 3: Ma'am Yizang!

26 2 0
                                    

Ara's POV:

"Goodluck sayo teh" wika ni Feliz habang tinatapik-tapik ang mga balikat ko. "Wag ka mag alala friend, ipagdadasal ka namin" saad ni Rhyvie sa likod ko. Nang lumabas ako sa classroom namin, lumingon muna ako sa mga kaklase ko, tanaw ko ang pag aalala sa mga mukha nila at sumisenyas pa ng aprub na nagpagaan ng loob ko.

Naglakad na ako papunta sa faculty at dahil nga class hours ay walang katao-tao ang mga dinaanan ko, kaya't dinig na dinig ang bawat yapak at mga batong naapakan ko. Habang papalapit ng papalapit na ako sa pinto nga faculty, dinig ko ang nakakabinging katahimikan na tanging ang mga pagaspas ng mga dahon at mga ibong nag aawitan lamang ang bumabalot sa buong paligid.

Bumalik ako sa aking diwa ng marinig ko ang mga takong ni Ma,am Yizang sa loob. Sa tingin ko ay mag isa lang siya kaya't dahan-dahang kong binuksan ang pinto at aking nasulyapan si Ma'am na nakasuot ng headset at sumasayaw ng Dancing Queen na may pa indak-indak pa.

Doon ko palang nakitang ngumiti si Ma,am, Infairness! ang ganda niya pag nakangiti lalo na kapag namumula ang mga masisigla niyang pisnge. Habang pinagmamasdan ko siya, napapaisip ako kung nanaginip ba ako, may nangyari bang masama kay maam? multo niya ba itong nakikita ko? o di kaya ay isang engkanto? parang imposible kasing masaya siya. Sa tuwing papasok kasi siya sa amin, kung hindi niya suot ang Pulang lipstick niya ay dala niya ang kaniyang abanikong parang nagmula sa makalumang panahon, sabayan niya pa ng kaniyang nakagawiang postura, pagtaas ng kilay at pagkamulat ng mga mata na tiyak na makikinig ka talaga.

"Ay puwet ng pato!", sigaw ni Ma'am at kamuntikan ng matumba, mabuti nalang at napakabig ito sa mesa. "Ma'am ayos lang po ba kayo?", nag aalalang tanong ko at dali daling pumunta sa kaniya. "Ano sa tingin mo?", tugon ni maam at pinagtaasan ako ng kilay. "Ah sorry, sorry po", saad ko sa kanya sabay peace sign.

"Bakit naman nagsasampukan ang mga kilay mo kanina?, Ngayon ka lang ba nakakita ng taong sumasayaw?. Seryoso niyang sabi habang pinipigilan ko ang sarili ko sapagkat alam kong ano mang oras ay hahalaghak na ako sa kakatawa.

Masusi niya akong tinitigan at sabay sabi ng "Pwede ka nang tumawa". Ganoon na nga, hindi ko na napigilan pa. "Hahahahaha!, Ma'am, ikaw po ba yan?" nakangiting tanong ko. "Bakit? alangan naman multo ako, hello!". Nagbago ang mukha ko nang maalala kong ganiyan mismo ang naiisip ko kani-kanina lang.

"Wag mong sabihing pinaghinilaan mo akong multo, o di kaya, Engkanto?" saad niya habang tinuro ang kaniyang hintuturo sa akin at naka pamewang pa. Tumango tango ako at ngumiti ng napipilitan.

"Anak ng! ganon na ba ako kasama?" interasado niyang tanong at napasamo pa sa kaniyang noo. "a-ah o-opo ma-aam" tugon ko naman. Ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun. Malilintikan talaga ako!

Tumingin ulit siya saakin, ang tingin sa tuwing may ipinauulit siyang gawain sa amin dahil may hindi siya nagustuhan. Humalukipkip siya at pinatunog ng paulit-ulit ang takong niya sa isa niyang paa.

Sa mga oras na iyon, nais ko na lamang magpalamon sa lupa. Nabaling naman ang kaniyang atensiyon sa nakapatong na papel sa lamesa niya mula sa bandang likuran ko. Bumalik ulit yung kaba ko nang dahan-dahan siyang lumapit patungo kaakin. Kinuha niya ang papel at agad umupo sa upuan niya.

"Narito ang piyesa na kailangan mong kabisaduhin, alam kong nais mong sumali sa deklamasyon!. Wag kang mag alala!, tatlong talata lamang iyan at marami naman kayong mag a-audition" madiin niyang paliwanag at ibinigay na sa akin ang piyesa.

Napatitig muna ako ng mga sampung segundo sa mga balintataw ni Ma'am, hindi ko akalain na pati ang mga ganoong bagay ay mahahalata niya saakin. Paano niya kaya nalaman na nais kong sumali?

"Huy!, oh ano? tatanggapin mo ba ito?" nabalik ulit ako sa aking wisyo nang tinawag ako ni Ma'am. "A-ah, o-opp-o Ma'am Yizang, susubukan ko po, maraming salamat po pala!", tugon ko at yumuko ng kaunti. Akmang aalalis na sana ako ngunit ako,y nagulat ng tawagin niya ako ulit.

LacunaWhere stories live. Discover now