Ara's Pov:
"A-aanoo kasi" pautal na wika ko ng biglang
"Para sa gaganaping buwan ng wika ngayong buwan, ang bawat seksyon mula ika-siyam na baitang hanggang sa ika-sampu ay magkakaroon ng patimpalak sa dula-dulaan. Nararapat na maipakita niyo sa inyong dula ang kahalagan ng wika sa ating pang araw-araw. Tandaan niyo! nabibilang kayo sa pinakamataas dahil special science class kayo! Hindi maganda na mas maganda pa ang gawa ng ibang mga lower section kumpara sa inyo. Isang sisiw lang sa inyo ang paggawa ng dula-dulaan. Lalo na't patunayan niyo sa akin na karapat dapat kayong nasa honor list!", madiin na bungad ni Ma'am Yizang sa amin mula sa likod ko
"Kailan po iyan ma'am?" Tanong ni Lorz habang akap-akap ang walis tingting na pinag-aagawan nila ni Alyy
"Kung kailan mo bibitawan yang walis na iyan, halos maisalin na sa iyo ang lahat ng alikabok papunta sa uniporme mo" tugon ni ma'am habang nakapamewang at nakataas pa ang kilay. Parang hindi lang sumasayaw at ngumingitingiti kanina ah.
"Oh, at ikaw naman, bakit nagsasalubong naman ang dalawang kilay mo binibining Pacle?" pataray na tanong niya sa akin habang bumabalik na naman sa akin ang nangyari kanina
*Flashback
"Aray! Ang sakit ng ngipin ko! I-inom ako ng mefenamic mamaya" wika ni maam habang hinahawakan ang bandang kaliwa niyang pisnge
"Ma'am naman eh, masakit na ipin niyo kumakain pa po kayo ng oreo?" pang aasar ko
"Hahaha! Hayaan mo na" masiglang pagtawa niya habang patuloy parin sa pagnguya
*End of Flashback*
"Huy! Ano bah?!" bumalik na lamang ako sa aking sarili ng tapikin ako ni maam
"Aaa-ah! Naku! Wala po, napansin ko lang po kasi na wala po kayong lipstick ngayon" saad ko at ngumiti ng bahagya. Lumipas ang ilang segundo bago siya nagsalita
"Ganun ba? Ah, eh, oh siya! Mag pulong na kayu diyan at magplano na para sa gagawin niyong dula" tugon ni maam at umalis nalang bigla. Napansin ko naman na parang bahagya niyang pinahiran ang kaniyang mga pisnge. Nagtataka ako dahil bigla nalang siyang nalungkot at umiyak ng kaunti. Ano kayang problema?
"Ano bayan?! Ang hirap-hirap na ngang pagsabayin nitong research, at pagharap sa sikat ng araw dahil sa field demo practice natin tas may dadagdag na naman? Ayoko na! Mauuna pa akong mangitim kaysa sa kaldero namin", Padabog na wika ni Alyy habang tinatali ang kaniyang mga buhok
"Kunwari ka pa diyan! Ang sabihin mo! Wala ka ng time na makipagkita sa bebeluvs mo dahil sa dami ng mga gagawin natin" pang asar na tugon ni Vans habang nagpupunas ng mga alikabok sa bintana
"Ay syempre! Love is Everything noh!" wika ni Rhenaiz habang nagpupunas naman ng blackboard
"Basta Love is Patient, Love is Kind, Love does not envy or boast; it is not arrogant or rude, it is--" dagdag ni Veronica na naglalampaso ng sahid
"Ito ang totoong Love! Prepare for a 1-10 exam natin tomorrow. Topic from the 1st topic hanggang ngayon! Goodluck! and I Love you all! Love We Share!", masiglang saad ni sir Berty mula sa pintuan ng aming classroom. Nabalot muna ng katahimikan na mga sampung segundo ang buong silid at sabay sabi naming lahat na
"Anooooo Baaaaaa! Ayokooo Na!"
Andy's POV:
Pagkalipas ng isang linggo ay nasimulan na naming mamili ng mga panggagamitin namin para sa dula namin. Ang ibang mga damit namin mula kami pa ay nasa grade 7 at grade 8 ay ginamit nalang namin ulit kaysa masayang lang.
Sina Ara at Ariane naman ang bahala sa script dahil Filipino babies yung mga yun. Sina Lorz, Frenzie, and Rehya naman ang bahala sa mga costumes at tagasukat ng mga katawan namin. Sina Axy, Miel, Sereine at Elle naman ang naka assign sa make up at mga buhok namin.
YOU ARE READING
Lacuna
RomanceIsang dalagitang nais lamang makaranas ng tunay na pagmamahal. Ngunit, dahil sa isang kasunduan, mapililitang itong baguhin ang tadhana at siyang magbibigay malaking epekto sa hinaharap.