Andy's Pov
"P-pwede bang..samahan mo ako sa ibabaw ng puno ng indian mango sa may school natin mamaya? May meteor shower daw kasi eh!" masiglang tugon ni Ara at bakas sa boses nito ang pananabik lalo na't paboritong paborito niya yung Meteor Garden. Ewan ko ba kung bakit patay na patay siya kay Hua Ze Lei na yun, eh mas pogi naman ako dun!
Agad ko munang tinabi yung 3310 ko malapit sa pinaglulutuan ko at pinagpatuloy na ang aking ginagawa
"Sige! tutal, Sabado naman ngayon. Eh anong oras ba?" nakangiti kong tanong habang pinagpapatuloy ang paghahalo ng mga seasonings
"Mamaya mga 10pm! Ano sigurado ka ha?" pabalik niyang tanong saakin
"Ah, wag na pala baka pinagplanuhan niyo na ng mga kalahi mo yung katawan ko" pang-aasar na saad ko
"Pinagsasabi mo?" Tanong nito at tila hindi naiitindihan yung biro ko
"Ang sabi ko! Huwag na! Baka kunin niyo pa ng mga kamag-anak mong aswang o mananaggal, gusto ko pang mabuhay noh" patawang tugon ko at isinalin na sa isang tupperwear ang canton at ibang tinapay na pinalamanan ko
"Andokss ano bah?" pikon nitong tugon at parang halos nakikita ko yung nakasampok niyang kilay kahit sa tawagan lang
"Oo na, sige na! Pero magdala ka ng pagkain ha! Sunduin na kita!" saad ko at akma namang papatayin ko na ang tawag ng bigla naman itong nagsalita
"A-ahh Wag na! Papunta na kasi ako eh! Nasa daan na ako! Pero may dala naman akong pagkain, hehe" tugon niya at naririnig ko naman ang mga wrappers ng Dingdong, White Rabbit, Snacku at Pompoms, yun kasi yung parati niyang dala at talagang hindi siya nagsasawa roon.
"Mag-ingat ka ha! Ay, hindi ka naman nila sasaktan, mas nakakatakot ka pa sa aswang eh! hahaha!" pang aasar ulit na saad ko at alam kong umuusok na naman ang ilong ng babaitang yun.
"Andyyyyy! Isa nalang ha" napipikon na tugon niya at halatang gigil na gigil na ito. Natatawa naman ako at pinatay na ang tawag
Nagluto nalang ako ng isa pang pack ng canton at mas dinamihan pagpalaman sa mga tinapay na dinala ko. Nagbaon na rin ako ng Sarsi at extrang peanut butter dahil tiyak mabibitin naman sa palaman ang patay gutom na yun. Niligpit ko na ang mga gamit sa kusina pati naman ang mga dadalhin kong pagkain, flashlight, ballpen at maliit na notebook, at ang isang dosenang pocket book na napanalunan ko sa tapat ng school namin. Doon banda sa may tindahan ng sisiw at mga iba't-ibang palaro na pinagkakaguluhan ng ibang mga elementary students sa amin
Habang naglalakad na ako sa daan, ramdam ko ang mga matang nakatingin mula sa direksiyon ko. Nakaramdam na ako ng kaunting kaba at pinagmasdan ang buong paligid. Bigla namang umihip ang napakalamig na hangin na sa tuwing pasko mo lang naman mararamdam. Unti-unting pumipintig ng aking puso at halos marinig ko na ito.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa likod ko at bumulong ito sa may batok ko
"Ako si Maria, humihingi ako ng tulong sa inyong mga tao upang makalakbay na ako sa maliwanag na daan sa kabilang buhay" saad nito at parang boses ito ng isang ale habang nagmamakaawa at umiiyak. Biglang lumakas ang pagtibok ng damdamin ko ng mag ibang boses ito
"Wag kang maniwala diyan Andeng! Sa akin ka makinig! HUWAHAHA!" saad niya ng may malalalim ang boses, kung susuriin ko, parang hindi lang ito bastang siga sa kanto. Parang...pa-aara itong diyablo.
Tila hindi ko na maigalaw ang buong paa ko at para itong sinementuhan sa lupa. Gustuhin ko mang tumakbo ngunit parang may kung anong presentiya ang pumipigil sa akin. Namamawis na ang buong katawan ko at tumitindig na ang lahat ng mga balahibo sa katawang lupa ko.
YOU ARE READING
Lacuna
RomanceIsang dalagitang nais lamang makaranas ng tunay na pagmamahal. Ngunit, dahil sa isang kasunduan, mapililitang itong baguhin ang tadhana at siyang magbibigay malaking epekto sa hinaharap.