Chapter 5

36 1 0
                                    

SIANNAH

***


Bahagya akong gumalaw. Tumihaya ako ng higa. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Kisame ng kwarto ko ang unang bumungad sa akin. Ilang kurap pa ang ginagawa ko.

Wait, kuwarto ko? Teka, anong oras kami nakauwi? Bakit hindi ko man lang alam na nakauwi na kami? Anong. . . Nangyari?

Napahawak ako sa aking ulo. Napangiwi din ako dahil biglang kumirot 'yon. Okay, I get it. Naalala ko nang nakainom ako ng alak. Hindi ko man lang naitanong kung anong klaseng alak 'yon dahil inalok lang 'yon sa akin ni Norvin.

Wait. Norvin?

Kung hindi ako nagkamali, nagpakilala siya na siya ang kapatid ni Mr. Lombardi. . . Ang kapatid ni Federigo Lombardi, ang aking asawa. So automatically, he is my brother-in-law. I know there's actually saying don't receive something from the stranger. At saka, nakakahiya rin kasi kung tatanggihan ko siya lalo na't unang beses pa lang namin na-encounter ang isa't isa. Pero totoo nga ba  siya ang kapatid ni Federigo Lombardi? Bakit parang hindi naman sila magkahawig kahit kaunti man lang?

Marami man katanungan sa isipan ko ay hindi ko rin kayang mag-isip ng mga teoriya dahil na rin sa sakit ng ulo. Bukod pa doon ay rinig ko ang pagkatok mula sa double door ng kuwarto. Medyo napalakas ng boses ko nang sabihin kong "Come in." Kusa rin 'yon nagbukas hanggang sa nagawang pumasok sa silid na ito si Rowena, tulak-tulak niya ang serving trolley na may lamang almusal para sa akin. Tulad ng nakagawian niya, masiglang pagbati agad ang sinalubong niya sa akin.

"Good morning, Mrs. Lombardi---may masakit po sa inyo, Madame?" may bahid rin na pag-aalala doon nang lapitan niya ako.

Ngumiwi akong tumingin sa kaniya. "May hang over yata ako." pag-amin ko.

Suminghap siya. "Naku! Mabuti na lang po may dala akong soup dito. Sandali po," umalis siya sa harap ko at saka dinaluhan niya ang serving trolley para kunin ang soup na binanggit niya. Dinala niya 'yon sa akin at maingat na naipasa.

"Salamat," saad ko nang natanggap ko na nag soup. Humigop ako ng kaunti mula doon. Nang medyo nakuntento na ako ay huminga ako ng malalim saka ibinalik ko na kay Rowena ang mangkok. Tinanggap naman niya 'yon. Lumapat ang mga palad ko sa bed sheet saka tumingala.

Muling may kumatok sa pinto na dahilan upang matawag 'yon ng aming pansin. Agad kumilos si Rowen para ipatong ang mangkok sa serving trolley para buksan ang pinto. Ako naman ay kinuha ang kimono robe na nakasabit sa hood ng pader. Aligaga kong isinuot 'yon. Medyo naalarma ako at baka si Mr. Lombardi ang nasa labas ng kuwarto na ito. Pero nagkamali ako.

Sa pagharap ko ay tatlo tao ang nasa harap ko. Kabilang na doon si Eugenio. Isang lalaki at isang babae. Pareho silang purong banyaga. Si Rowena naman ay tumabi sa akin. Pareho silang naka-corporate attire. Napansin ko din ang pamilyar na mukha. Ang driver ni Mr. Lombardi ng gabing 'yon! Pero anong mayroon at naririto sila?

"Good morning, Mrs. Lombardi. . ." nakangiti pero pormal na bati sa akin ni Eugenio.

"Good morning, Eugenio. What can I help you?" pormal kong ding sabi.

Gumilid siya para maipakita niya sa akin ng maayos ang dalawang tao na nasa kaniyang likuran. "Let me introduce these two infront of you. They are Luciano and Lottie, they were hired by Mr. Lombardi as your bodyguards."

Bahagya akong nagulat sa aking narinig. "Bodyguards?" ulit ko pa.

"Yes, Madame."

Pero bakit kailangan ko pa ng bodyguards? Hindi naman ako makakalabas sa lugar na ito tutal ay wala naman akong alam dito. Kung lalabas man ako, paniguradong maliligaw lang ako. Kaya tingin ko naman ay hindi ko kakailanganin ng mga bodyguard. Pero dahil mismong si Mr. Lombardi ang kumuha sa kanila, mukhang wala na rin akong magagawa pa.

The Heir's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon