Chapter 6

38 2 0
                                    

FEDERIGO

***

"No worries, Mr. Lombardi. It will only take a week until her sprained ankle will fully recover." nakangiting sabi sa kaniya ng ipinatawag niyang family doctor.

Kahit alam naman niya na hindi naman matatagalan bago gumaling ang paa ni Samirrah, nakahinga pa rin siya ng maluwag. "A'right. Thank you." mabilis niyang sinulyapan ang kaniyang asawa na ngayon ay nasa loob ng kuwarto nito. Masayang nakikipag-usap kay Rowena. Habang siya  at ang assistant niya na si Dio ay narito sa labas ng silid, dito rin niya nakausap ang doktor.

Rinig pa niya na nagpaalam na ang nakausap na doktor na aalis na. Imbis na siya ang sasagot, si Dio ang nagsalita.

"Please let me escort you outside, doc."

"Oh yes, thank you, Mr. Disantis."

Hinayaan na lang niyang umalis ang mga ito. Nanatili pa rin siyang nakatayo kung nasaan man siya ngayon. Hindi rin maalis ang tingin niya kay Samirrah na patuloy pa rin nakikipag-usap kay Rowena kahit wala naman siyang naiitindihan kung anuman ang pinag-uusapan ng dalawa. Samantalang sina Luciano at Lottie naman ay tahimik na nakatayo sa hindi kalayuan mula sa kama, ngunit nakaukit sa mukha ng dalawa ang pagtataka. Siguro ay hindi rin maitindihan kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa dahil ibang lengguwahe ang gamit ng mga ito. Si Eugenio naman ay abala masyado kaya maaga itong umalis sa silid.

Kahit ganoon, tulad ng iniutos niya kay Dio, naghanap nga sila ng sinasabing Filipino teacher. Bukod sa kailangan niyang maitindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito, baka may malaman din niya ng mga importanteng bagay sa oras na makausap na niya ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng kinalakihan nitong lengguwahe. Nakuha na rin niya ang report mula sa tauhan niyang si Redwald na ngayon ay nasa Pilipinas para mamalakad ng isa sa mga negosyo doon. Pero hindi pa niya nababasa ang mga natanggap niyang files. Kapag may oras siya, maaari niyang maisingit ang pagbabasa sa mga 'yon.

Tumalikod na siya sa silid. Hahakbang na din siya palayo nang may narinig siya isang bagay na hindi inaasahan.

"Ay! You want to cook pasta if you're not sick Madame?!" malakas na tanong ni Rowena, hindi niya malaman kung sinadya ba talagang lakasan ang boses n'on sa gayon ay marinig niya 'yon at maging interisado siya.

Mabilis pa sa alas nuebe ang paglingon niya. Kunot ang kaniyang noo. Oh yeah, they're successfully get his attention now. Hindi lang siya, kahit Luciano at Lottie ay napukaw ang buong atensyon ng mga ito!

Nahagip ng kaniyang tingin na nahihiyang ngumiti si Samirrah. "Yeah, cravings. . ." saka bumaba ng tingin nito sa paa na ngayon ay nabalutan na ng benda.

Natigilan siya. It's surprising that his wife actually knows how to cook? Especially pasta? Is she serious?!

"Can you cook some!?" hindi niya mapigilang magtanong.

Dahil sa lakas ng boses niya ay napatingin ang lahat ng tao sa silid sa kaniyang direksyon. Gulat na gulat sa naging reaksyon niya ngungi binalewala niyan 'yon. Marahas siyang lumunok. Hindi niya maitindihan pero mas interisado pa siyang malaman at matikman ang luto ng kaniyang asawa.

"My pasta is not very. . . Good. It's an average if you taste it." nakangiwing pagpapaliwanag ni Samirrah.

Well, he doesn't care. He's very curious right now. He badly want to taste it! Now!

Mabilis siyang humakbang palapit sa kama. Bigla siyang yumuko. Lumapat ang mga palad niya sa kombre-kama. Namimilog ang mga mata ni Samirrah sa inakto niya. "Are you going to cook? Right now? You want it, right?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Heir's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon