Chapter 1

49 2 0
                                    


SAMIRRAH

***

Sa kabila ng jetlag na nararamdaman ko sa sobrang haba ng byahe, natagpuan ko na lang ang sarili ko na tulala nang nasa harap namin ang tirahan ni Mr. Lombardi.

May mga lalaking naka-amerikanang itim na may suot din silang earplug ang lumapit sa sasakayan na nasa likuran ko. Isa-isa din nilang inilabas ang bagahe na nasa likod na compartment ng sasakyan kung saan kami sumakay kanina.

Alam kong mayaman siya at malawak ang impluwesya. Inaasahan din na malaki ang bahay kung saan kami titira. Pero ang hindi ko naman inaasahan ay isang Kastilyo pala itong titirhan namin! At wala rin akong ideya kung ilang hektarya ang lapad ng buong lugar na ito! Malawak na nga sa harapan ng bahay niya na kailangan pa ng sasakyan para makarating dito, papaano pa kaya sa bandang likuran ng malaking Kastilyo na ito?

Naunang umakyat sa naturang Kastilyo si Mr. Lombardi. Nakabunto naman sa kaniya ang mga tauhan niya na may dala ng aming bagahe. Kusang nagbukas ang malaki at malapad na pinto. Lumabas mula doon ang isang matandang lalaki na base sa kasuotan nito ay isa siyang butler. Mabilis na pumasok sa loob ang mga lalaki, dala ang mga gamit ko at gamit niya. Marahan itong pumikit saka yumuko nang bahagya para batiin si Mr. Lombardi. Rinig ko ang pag-uusap nila sa lenguwahe na hindi ko maitindihan.

Hindi rin nagtagal ay pareho silang lumingon sa aking direksyon. Nilapitan ako ng matandang butler saka marahan itong yumuko sa akin bilang pagbati. Samantalang si Mr. Lombardi naman ay kunot ang noo sa hindi ko malaman na dahilan.

"Good day, Mrs. Lombardi. I'm Eugenio Savalez, I'm the head butler in this castle. Feel free to call me Eugenio." magalang na pagpapakilala niya sa akin. Tumayo na ito nang tuwid. "And starting today, I am going to serve you as well as part of the Lombardi family."

Bahagyang umawang ang aking bibig. Dahan-dahan akong tumango. "T-thank you." ang tanging nasabi ko. Kinagat ko ang aking labi saka tumingala kung nasaan si Mr. Lombardi.

Kita ko kung papaano niya binawi ang kaniyang tingin saka dumiretso na siya sa pagpasok sa loob ng Kastilyo. Huminga ako ng malalim para maibsan ang kaba na aking nararamdaman. Hindi ko rin maitago na sadyang kinakabahan ako. This is the first time I am going to live far from my family, at talagang sa ibang bansa pa. Kaya paniguradong malaking adjustments ang mangyayari sa akin sa oras na dito na talaga ako titira. Bukod pa doon, kailangan ko mag-isip din ng paraan para maka-survive ako sa kasal na ito. Pero may parte din sa akin na nasisiyahan ako.

Rinig ko na rin ang pagtawag sa akin ni Eugenio, inaaya na niya akong pumasok sa loob. Naitanong pa niya sa akin kung ano ang unang gusto kong gawin.

Mapait akong ngumiti. "Can I take some rest for a while?" sabi ko nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng Kastilyo.

Natigilan lang ako nang tumambad sa amin ang lobby ng Kastilyo na ito. Agad gumuhit ang pagkamangha sa aking mukha nang masilayan ko ito. Malawak at eleganteng tingnan ang lobby na ito. Hindi lang 'yon, napukaw din ng aking atensyon ang malaki at eleganteng chandelier na nakasabit sa itaas. Sa puntong ito, para akong pumasok sa isang five star hotel. Nakuha din ng aking pansin ang mga mamahalin at magagandang painting na nakadikit sa pader. Kahit ang mga plorera na naririto ay sumisigaw din sa karangyaan. It was like it's worth a million dollar each items of these! 

". . .And of course, Mrs. Lombardi. The lady's bedroom is already prepared upon your arrival. If you permit, please let me lead the way." nanatiling malumanay na wika ni Eugenio nang sambitin niya iyon. Hindi rin nawawala ang pagiging pormal niya.

The Heir's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon